Chapter 32

532 14 0
                                    

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ako pa ba 'to? Alam kong hindi ako ganon kaganda pero ibang iba ang itsura ko ngayon, kahit tatlong araw pa lang kaming nag hihiwalay alam kong madami na ang nagbago.


"Anak kumain ka muna bago pumasok, ang payat mo na" umiling ako.

"Wag na ma."


"Nako, baka hindi ka na nila isali sa pageant sige ka" kung hindi lang ipinaalala sakin ni mama tungkol don nakalimutan ko ng kasali pala ako.


"Hindi naman po siguro" ngumiti ako at nagbeso na sakanya, "Aalis na po ako"



"Teka lang anak! Hindi ka ba susunduin ni jayden ngayon? Tatlong araw ko ng hindi nakikita ang batang 'yon" ngumiti ako at umiling.


"Hindi niya ako susunduin, sige ma alis na ko"

Hanggang ngayon hindi pa din niya alam, kilala ko ang nanay ko magagalit siya ng sobra kay jayden at ayokong mangyari 'yon.


Naglakad nalang ako papuntang school, kahit malayo at nakakapagod kakayanin ko.


"Goodmorning kei!" Bati sakin ni mae.

"Hello goodmorning." Ngumiti ako pero napawi din 'yon nung nakita ko sa likuran niya si jayden kasama si...



"Aly?" Mahinang bulong ko.



"K-kasi kei" hindi makasagot sakin si mae.


Alam na nila ang nangyari, sila kenzo na ang nagkwento. Nung una nagalit silang tatlo pero inintindi nalang din nila katulad ko, wala e ganon talaga.


"Sila na?" Ngumiti pa din ako kahit nasasaktan ako.



"Hindi pero nililigawan na ni jayden" sabi naman ni anne kaya napatahimik ako.

"Ganon? Ang bilis naman" nilapitan din ako ni kenzo at ni ice, tinanong nila kung ayos lang ba daw ako.


"Oo naman, ayos lang sakin" kahit naman sabihin kong hindi ayos, may magbabago ba?


"Pero naguguluhan ako, akala ko ba hindi na mahal ni jayden 'yang si aly, paanong?"


"First love" maikling sagot ni jake nung nakalapit siya kaya nagets ko na agad 'yon.


Siya nga pala 'yung unang minahal kaya kahit kelan hindi makakalimutan ni jayden ang pagmamahal niya kay aly.

Aray



"Tara na, ma late pa tayo" anyaya ko sakanila.

Habang naglalakad kaming sampu, kasi kasama namin si aly na nakikipag harutan kay jayden sa harapan ko, may mga taong tumitingin samin.




"Akala ko ba si kei at tsaka si jayden?"


"Oo nga e! Pero bakit si aly kasama ni jayden?"


"Baka break na sila!"


"Baka! Tsaka bagay naman si aly at si jayden, bagay lang kay kei 'yan. Masyado kasi siyang ambisyosa!"


"Sabi ko naman sainyo, hindi siya ang tipo ni jayden at diba narinig kong pustahan lang 'yan nila baron?"

Hindi na kaya ng tenga ko ang mga naririnig ko kaya hinarap ko silang lahat.


"Una sa lahat, wala kayong alam sa pinagdadaanan ko kaya kung pwede lang wag na kayong mag parinig!"



"At tsaka lahat ng sinabi niyo ay sinabi na din sakin ni jayden, kaya kung pupwede lang wag niyo ng ipamukha sakin na para akong basketball na pinagpustahan lang nila kasi sobrang sakit na!" Sigaw ko at tsaka ako tumakbo papunta sa cr.



Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon