Chapter 28

479 14 4
                                    

"Maya maya na tayo matulog, mag bonfire na muna tayo!" Kumatok ng napakalakas si kenzo at jake sa kwarto naming girls.



Hindi pa naman talaga kami matutulog pero kakatapos lang namin mag banlaw at pagod kaming apat kakalangoy.


"Oo babe susunod kami, sandali lang at nagbibihis pa ako, mauna na kayo" sagot ni mae sa boyfriend niya.


"Sige aantayin namin kayo don, bilisan niyo ha" nawala na ang ingay sa labas.



Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, inayos ko ang buhok ko at nag pabango ng kaunti, sinuot ko ang binili sakin ni lina na damit 'yong shorts shorts at simpleng blouse.

"Mas lalong gumaganda ang friend natin oh" itinuro ako ni gina.


"Ganyan talaga kapag inlove, tignan niyo ko blooming" sabi ni anne.


"Bakit, inlove ka ba?!" Nakangiting tanong ni mae.


"Oo nga, inlove ka ba?" Pangaasar ko pa.


"Hindi pa ba obvious? Ilang beses kong iniyakan ang gagong 'yon, buti nalang at umamin din sakin." Kinikilig niyang sagot.



"So inlove ka nga?"


"Hay nako, oo nga!"


Itinali ko lang ang buhok ko ganon din sila para pare-parehas daw kami.

"Tara na baka kanina pa sila nagaantay" niyaya na ako nila gina kaya nilock ko muna ang pintuan namin para walang pumasok na kahit sino dito.



Pagdating namin don, meron ng apoy sa gitna may pagkain din silang dala at pangsapin.


"Wag kayong maingay, gulatin natin sila" magkakadikit kasi silang lima ngayon kaya dahan dahan kaming nag lakad papunta sa kinaroroonan nila.




"BAH!" Sigaw naming apat kaya nagulat talaga sila, epic face ang mga itsura lalo na si zachary


"HAHAHAHA" pagtawa naming apat.


Nangunot ang noo nila, "Ah ganon?"

Nanlaki ang mga mata ko nung patakbo na si jayden sakin kay tumakbo ako, alam kong kikilitiin niya ko!


"Jayden wag!" Sigaw ko habang tumatawa.



"Ang hilig niyo talagang pag tripan kami ha, etong para sayo!" Nahabol ako ni jayden at niyakap niya ako sa likod ko, kiniliti niya ako ng kiniliti.


"JAYDEN WAG! HAHAHAHHA ANO BA!" Meron ngang natutulog sa tabing dagat, buti nalang hindi sila nagigising sa kaingayan namin.


Nagulat nalang ako ng bigla kaming natumba, napunta na pala kami sa medyong dulong part ng dagat, medyo madilim na dito at hindi ko na makita ang nga barkada


"Ja-jayden" kinakabahang sabi ko kasi hanggang ngayon naka patong siya sakin.



"Alam mo bang ang ganda ganda mo ngayon?" Inamoy niya ang buhok ko, buti nalang at palmolive na pink ang gamit ko!



Nakaramdam ako ng kakaibang kiliti, hindi naman dapat mainit dito kasi malakas 'yung hangin pero naiinitan ako!



"Jayden anong gagawin—" hinalikan niya ako sa labi ko.

Pababa ng pababa ang halik niya papunta sa leeg ko.

"Ugh" hindi ko inaasahan na lumabas sa bibig ko 'yon, ano ba 'yan kei!


Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon