Chapter 29

447 15 3
                                    

P.S: sorry na po agad

•••

"Jayden ayos lang ba ang suot ko?" Tinignan ko ang sarili ko, naka crop top lang ako at naka maong na shorts, sasakay kasi kami sa bangka ngayong hapon.

"Oo ayos lang." Nginitian niya ako at pumunta na sa bangka, nakasimangot akong pumunta don!


"Nakakainis!" Singhal ko.

Akala ko hindi niya ako tutulungan na umakyat papunta sa bangka pero buti nalang ay inalalayan niya ako!


"Babe san ka uupo?" Tanong ko nung nilagpasan niya ang kahoy na inuupuan ko.

"Don muna ako kela zachary" tumango nalang ako at sinundan siya ng tingin.

"Ayos lang 'yan teh, palamagin mo muna ang ulo" bulong sakin ni anne


"Ang cold niya sakin, ganto pala feeling kapag hindi kami bati" umiling ako at sinuot lifevest na nasa tabi ko dahil mamaya daw ay pwede kaming tumalon.

"Hay nako, kaartehan lang yan ni jayden! Suyuin mo, lambingin mo! Ganyan kami ni kenzo" kinikilig na sabi ni mae pero nung nakita niya si jayden ay umirap siya.

"Kapag hindi ka pa din pinansin mamaya, hiwalayan mo!" Sinamaan ko siya ng tingin.


"Mae ano ba, alam mo namang hindi ko kaya"


Nagsimula ng umandar ang bangka, napakabagal ng andar neto at nakakahilo dahil sa alon.


"Jayden ano ba!" Sigaw ni zachary sa namin kaya ako napatingin sakanila.

"Anong ginagawa ko zachary?!" Tanong ni jayden.


"Sus! Kunwari ka pa, iiyak kana dyan eh, anong iniisip mo?" Dagdag ni zachary, gusto ko sanang lumapit para tignan kung bakit siya iiyak pero nagsalita agad siya.


"Gago! Ang hangin kaya, monggoloid ka talaga natural napuwing ako!"

Nagkibit ako ng balikat, mahangin nga pero wala namang kahit anong alikabok ang napupunta sa mata ko!


"Jayden ayos ka lang?" Ako na ang nagtanong kaya tumigil sila sa pagaasaran.



Tumango lang siya at nginitian ako, inalis niya agad ang tingin sakin kaya nasaktan ako dahil don.

"LQ ANG MAG JOWA!" Sigaw ni jake kaya tinanggal ko din ang tingin sa kanila.

Naiiyak ako!


"Oh, bat ikaw naman ang napuwing?" Tanong sakin ni anne sa malakas na boses.


"H-ha?! Hindi a-ah!" Nauutal kong sabi.

"Lagot ka jayden pinaiyak mo!" Asar nila sa boyfriend ko pero hindi ako nakarinig ng kahit anong sagot sakanya.

-

Hawak ko lang ang regalo ko kay jayden para bukas, ilang oras na niya akong hindi pinapansin parang ang laki laki ng nagawa kong kasalanan sa kanya.



Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon