Chapter 18

446 15 0
                                    

Isang buwan na ngayon simula nung naging kami ni jayden, ayos naman ang lahat pwera nalang kung minsan pag nakakausap niya 'yong si baron parang mag iba talaga.


"Babe, happy monthsary!!" Ngiting ngiting sabi niya tas nilapitan ako.


"Akala ko nakalimutan mo! Kanina mo pa ako hindi binabati!" Sabay hampas ko ng mahina sakanya.


Nasa parking lot na kami ng school ngayon, akala ko nga hindi niya ako isasabay sa paguwi pero pagpunta ko dito nakita ko siya na may hawak na bulaklak at chocolates.



"Bakit ko makakalimutan ang espesyal na araw natin, ha babe?" Hinalikan niya ako sa noo kaya napatingin ako sa paligid ko. Baka may fangirls siya dito!!


"Sorry ha? Wala kasi akong regalo sa'yo ngayon.. Wala kasi akong pambili e" nahihiya kong sabi


"Ayos lang, noh. Basta kasama kita masaya na ko."


"Basta sa 2nd monthsary natin, may regalo na ako!" Nakangiti kong sabi.

"Second monthsary?" Biglang lumungkot ang mukha niya tas iniwas ang tingin sa'kin, bakit kaya?

Hindi ko nalang 'yon pinansin, "Aalis ba tayo?" Tanong ko.

"Oo naman, mag date tayo ngayon.. Ipinaalam na kita kay mama."

Napangiti naman ako, dinala ko siya sa bahay nung nakaraan, tuwang tuwa naman si mama kasi finally daw naging kami na.

"Mama ka dyan, mama mo ba 'yon?"

"Opo, soon." Hinila ko nalanv siya papunta sa kotse niya.

Kinikilig na kasi ako e.


Habang nag drive siya, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sakanya.

Si jayden, nung una ko siyang nakita akala ko hindi siya mabait, mapaglaro kasi siya e. Mahilig sa babae.. Hindi siya nag seseryoso.


Pero nung naging kami, napatunayan kong mali lahat ng husga ko noon, mabait at maalaga si jayden, mararamdaman mo talaga na mahal ka niya.

Na seryoso siya sayo.


"Baka naman po matunaw ako niyan" kinuha niya ang kamay ko tas hinawakan niya.


"Next week, punta tayong bahay ha?" Tinignan niya ako habang nakangiti


"Bakit?"

"Ipapakilala na kita kela mommy." Nanlaki ang mga mata ko.

"Ano?! Hindi pa ako handa!"


"Next week pa naman e, ano ka ba babe."


"Sabi ko nga next week, eh"

-

"Mama! Andito na po ako!" Sigaw ko pagkababa ko ng kotse ni jayden, pinark niya muna 'yon sa kanto para hindi sagabal sa daan kaya nauna na ako sa bahay.


"Anak! Diba ang sabi ko sayo wag kang sumisigaw ng ganon dahil rinig ka hanggang sa kabilang kanto?" Lumabas siya mula sa banyo, basa ang damit niya kaya hula ko naglalaba si mama.


"Asan si pogi? Diba monthsary niyo ngayon?" Tanong niya tas tumingin pa sa likod ko.

"Opo, nag park lang ng kotse."

Nilapag ko 'yung bulaklak sa mesa tas nilagay 'yung tsokolate sa bulok naming ref.. Mamaya ko nalang ito kakainin pag uwi ko.

"Magpaganda ka anak! Nako naman dalaga kana talaga.." Inayos niya 'yung buhok ko, parang maluluha pa nga.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon