Chapter 42

500 19 2
                                    

Dumiretso nalang ako sa likod ng gym, hindi ko pa kayang magpakita sa barkada kapag ganito ang itsura ko.


Kinuha ko ang maliit na salamin sa bag ko, 'yung make up ko gulo gulo na kaya unti unti ko 'yong tinatanggal.



Napabuntong hininga ako, gusto kong maniwala kay jayden kaso pag nangyari 'yon baka saktan niya ulit ako.



"Hi kei" nanlaki ang mga mata ko nung nakita ko si aly sa likod ko.


"Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya ako sinagot pero ngumisi siya.




"Kung hinahanap mo si jayden wala siya rito kaya umalis ka na"





"Bakit sayo ba ang gym ha?"



Hindi ko nalang siya sinagot kaya kinuha ko ang cellphone ko kaso biglang inagaw 'yon ni aly "Ano bang kailangan mo?!" Iritang tanong ko.


Pumalakpak siya tapos biglang lumabas si baron kasama 'yung iba pa niyang kaibigan.



"Kapag hindi ko nagawa ang lahat ng 'yon, papatayin ka din ni baron" bigla 'kong naalala ang sinabi sakin ni jayden kaya kinabahan ako.




"B-bakit kayo nandito?" Kinakabahan padin na tanong ko.




"Akala mo ba hindi ko kayo nakita ni jayden kanina ha?" Sabi ni aly.



"Binalaan ko na siya, sabi ko wag na wag siyang lalapit sayo kaso matigas ang ulo ng mahal ko.." Umiling iling pa siya at tinignan ang kuya niya




Tumango lang si baron sa mga kasama niya kaya lumapit sila sakin.


"A-anong gagawin n-niyo?" Tumayo ako sa pagkakaupo ko para sana tumakas kaso nahuli nila ako.



"Maganda pala sa malapitan to boss" sabi nung may kulay red na highlights na buhok.




"Oo nga, mukhang masarap din"



"Bastos! Bitawan niyo nga ako!" Sumigaw ako pero sa tingin ko walang makakarinig sakin, madilim na sa paligid dahil ilaw lang ng gym ang bukas.




"Makulit si jayden kaya magpakahirap siyang hanapin ka"



'Yon ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.



Jayden's Pov


"Oy pare ang tagal niyo naman" asar na sabi ni jake.



"Kanina pa kami gutom," tumingin sa likod ko si ice. "Oh asan si kei?"



"Huh?" Takang tanong ko, "Hindi pa ba nakabalik dito?"



Umiling si jake, "Hindi pa pare, akala nga namin magkasama kayo.."



Nilapitan ko agad si gina na kausap ang mommy ni kei, "Gina si kei?"



"Ha? Bakit sakin niyo hinahanap eh diba nag cr daw siya?" Tumango ako at nilingon ang mommy at daddy niya.


"Kasama ko po kanina si kei, ipinaliwanag ko sakanya lahat kaso hindi po siya naniwala sakin tita.."


"Baka andyan lang si kei. Antayin lang natin ng konti" tumango kaming lahat.


Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kaso hindi ako mapakali!



"Wala pa po ba tita?" Lumapit na din sila kenzo dito at nagantay.



"Omg! Kinakabahan na ako ha. Parang may mali" sabi ni anne kaya napatingin ako sa kanya.


Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon