Chapter 13

516 18 1
                                    

"Pwede niyo naman sigurong i-share kung ano ang pinaguusapan niyo!" Natatawang sigaw ni ice kaya napalayo ako kay jayden.

Namula ang pisngi ko, ramdam na ramdam ko 'yon.

"Shut up, dude." Inirapan siya ni jayden at lumapit ulit sakin.

"Bakit ka lumalayo?" Tanong niya na nakakunot ang noo.

"Ha? Hindi ako lumalayo.." Mainit 'yung hininga niya, halatang hindi pa siya magaling.


"Asan na ba si anne? Ang tagal naman niya yata." Bulong ko kay gina.


"Hindi ko alam, e. Baka malapit na din 'yon.." Tumango nalang ako at nag focus sa mga tao sa labas. Ang dami nila, parang dalawang section ang nandito.


"Bakit pala tayo nandito sa loob? Ayaw niyong maki join?" Tanong ko sakanila.


"Pagod pa, siguro lalabas kami mamaya." Sagot ni jake.


"Jayden, hindi ka iinom ngayon?" Tanong ni zach sa kanya.



Nilingon ko siya, "Hindi ko alam, pag kaya ko iinom ako." Nanliit ang mga mata ko.


"May sakit ka pa, diba?" Bulong ko pagkasiko ko sakanya ng mahina.


"Onti lang naman po, at tsaka boring kapag hindi ako uminom.." Nanliliit padin ang mga mata ko.



"Osige, sabi mo eh." Tumayo ako at pumunta sa kitchen, nakaramdam kasi ako ng gutom.


Sinundan naman ako ni gina at mae, "Alam mo 'te, napaka sweet niyo ni jayden! Ikaw ha? Kayo na ba?" Kinikilig na sabi ni gina sakin, tinusok pa niya ang tagiliran ko.

"Hindi pa! e kayo ni jake? Aba nag tatago kana samin ha!" Namula siya bigla kaya natawa kami ni mae.


"May itinatago nga!" Sabi ni mae.

"Wala naman! Ano ba kayo!" Umiling nalang ako tapos kumuha ng makakain.

"Anne! Akala ko hindi kana pupunta!" Rinig naming sigaw ni zachary mula sa salas kaya mabilis kaming pumunta don.

Natahimik bigla si ice na kanina ay nakikipagtawanan pa kela jake at kenzo, naktitig lang siya kay anne.


"Ang tagal mo naman!" Sinalubong ko siya ng yakap, alam kong may problema pa din siya sa itsura niya pa lang.

Namamaga ang mga mata niya, hindi ko alam kung bakit.

Hinila namin siya sa kitchen, "Umiyak ka ba?" Tanong ni gina kahit halata namang kakagaling lang neto sa iyak.

Umiling si mae, tapos ngumiti. "Nako, di ah! Sino naman ang iiyakan ko?"

"Si ice" sagot naming tatlo kaya natigilan siya, umiwas pa ng tingin samin.

"Nako wala 'yon, halika na don baka magduda pa sila." Pinilit niyang ngumiti tapos hinila kami pabalik.

"Karaoke nalang tayo! Nakakaboring 'yung palabas!" Singhal ni kenzo.

"Sino unang kakanta?" Tumatawang tanong ni zachary.

"Ako! Kakanta ako!" Nagtaas ng kamay si anne tapos kinuha 'yung canned beer sa maliit na table, mabilis niyang tinungga 'yon kaya nagulat kami.

Hindi naman siya palainom.

Ngumiti siya at sinimplehan ng titig si ice na ngayon ay nakatingin din sakanya, parang may nangyari na hindi namin alam bukod don sa pag kikiss nila.


Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon