Chapter 47

565 12 3
                                    

Jayden's Pov

Idinilat ko ang mga mata ko at kinapa ang cellphone sa ilalalim ng unan ko, kanina pa 'to tunog ng tunog eh ang aga aga pa.

"Hello? Sino to?" Tanong ko pagkasagot dahil unknown number ang nakita ko.



"J-jayden" boses ng isang babae, pamilyar 'yung boses pero hindi ko maalala kung san ko 'yon narinig.

"Sino to?" Imposibleng si kei to, alam kong tulog pa 'yon dahil wala kaming ibang ginawa kagabi kundi ang ipaalala niya sakin lahat.


"J-jayden ako to, si aly" kumunot ang noo ko. Aly? Wala akong kilalang ganon.

"Pasensya na baka wrong number ka" ibababa ko na sana ang tawag ko rinig ko ang hagulgol niya.

"Puntahan mo ako dito please, pinakulong ako ni Kei. Ipapaliwanag ko sayo ang lahat"


"Hindi talaga kita kilala, at tsaka bakit kita pupuntahan?!" Inis na sabi ko.

"Jayden ako ang girlfriend mo"

-

Bumaba ako sa taxi na pinagsakyan ko papunta dito sa prisinto, hindi ko talaga kilala si aly pero may nagsasabi sakin na dapat akong pumunta.

"Sino po ang hanap niyo sir?" 


Inilibot ko ang paningin ko, maayos naman dito pero masyadong madaming nakakulong, parang mga nasa 100 plus silang lahat.


"Si Aly po" sabi ko dahil hindi ko naman alam ang apelyido niya.



"Sino pong aly? 'Yung may kasong pangkikidnap—"


"Jayden!" Natahimik 'yung kaninang nagsasalita kaya tinignan ko ang babaeng pilit na nagmamakaawa para lang ilabas siya ng nagbabantay.


"Siya po ba si aly?" Tanong ko ulit sa babae kanina.


"Opo siya po"


"Bakit ba ayaw niyo kong palabasin! Dalaw ko 'yan oh!" May lumapit na pulis sakin at pinapasok ako sa loob kung saan merong mga lamesa, hula ko ay para to sa mga dalaw ng preso.



"Dalawang oras lang kada araw ang dalaw dito iho, kaya dapat alas onse ay nakaalis ka na" tumango nalang ako dahil hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang makita at makilala 'yong aly.


"Mahal ko!" Nagtatatakbo si aly at yumakap sakin, oo maganda siya pero siya ba talaga ang nobya ko? Hindi ako naniniwala.


"Pwede bang maupo ka sa harapan ko" masungit na sabi ko kaya yumuko siya at umupo na.


"What now? Anong kailangan mong sabihin at aalis pa ako"



"Kung makapagsalita ka naman parang hindi mo ako namiss, ikaw mahal ha! Wag ka ngang ganyan" ngumiti pa siya ng malapad.



Kumunot ang noo ko, "Pwede ba wag mokong tawaging mahal? At tsaka hindi kita girlfriend hindi naman ikaw si kei" iiling iling na sabi ko.

"So naniwala kang siya 'yung girlfriend mo?" Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko. "Hanggang ngayon pala ginagawa ka niyang tanga"



"Ano bang pinagsasabi mo? Spill" nakakairita dito, bukod sa maingay ang mga tao. Titig na titig pa sila sakin, srsly?! Bakit ganto sila makatingin!


"Ako talaga ang girlfriend mo, nakulong ako dahil kay kei..." Umiyak siya kaya nagulat ako, wala akong ginagawa!

"Pinagbintangan niya ako, gumawa siya ng storya na ako daw ang bumaril sayo kahit na ang totoo ay siya ang may kasalanan ng lahat." Hindi ako nakapagsalita. Gusto kong ipasok lahat sa utak ko ang sinabi niya pero nakakunot lang ang noo ko.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon