Chapter 25

518 11 0
                                    

"Eh ano kung nasayo si jayden ngayon? Hindi naman forever nasa tabi mo siya"


Umirap ako, "Ang sabihin mo inggit ka lang, kasi wala ka ng babalikan."


Umirap din siya, "Magpakasaya ka lang ngayon, tandaan mo ako yung una niyang minahal kesa sayo" tsaka siya umalis.

Napaisip ako, oo nga. Ano namang laban ko sakanya? Siya yung una niyang minahal kesa sakin.

-

"Sige, 'nak magiingat kayo ha? Hindi ka ba susunduin ng tatay mo?" Inayos ko na ang bag ko, thursday na ngayon at bukas ang alis naming magbabarkada.


"Hindi na po ako nagpasundo kaya ko naman ang sarili ko" tumango siya.


"Basta itetext mo ako ha?" Tumango ako tas nagpaalam na kay mama.

Alas tres pa lang ng tanghali nung umalis ako, kahit ang pagkikita namin nila papa ay alas kwatro, masyado kasinv malayo samin ang pupuntahan kaya mas mabuti na kung maaga akong pumunta.


3:45 ay nakarating na ako, umupo muna ako sa foodcourt at itinext ang tatay ko na nandito na ako, mabilis naman siyang nagreply.


Papa:

Sige anak, malapit na kami.

Hindi nalang ako nag reply at kinamusta ang boyfriend ko, ngayon na din ako bibili ng regalo para sakanya, syempre gamit ang inipon ko.


"Anak!" Lumingon ako sa tatay kong nakangiti habang papalapit sakin.

Kasama niya 'yung kapatid ko, naka dress ito at halatang mas bata kesa sakin.

"Kanina ka pa dito?"

"Hindi naman po" ngumiti ako.

"Eto nga pala si lina, ang kapatid mo. Mas bata siya sayo ng apat na taon." Ngumiti sakin yung kapatid ko at agad akong niyakap kaya nagulat ako.


"Omg! Ang tagal kong pinangarap na magkaroon ng kapatid! Ako po si Lina, ate. 14 years old!" Nakangiting sabi niya nung humiwalay siya sakin.

Mukha naman siyang mabait, sana kahit wala si papa ay ganyan din siya, kasi ngayon ko pa lang siya nameet, mamaya ay nagpapanggap lang pala to.

"Ako si Kei." Maikling sabi ko.


"Can i call you ate? Sige na po please!"

Tumawa ako tas ginulo ng konti ang buhok niya, "Oo naman, pwedeng pwede."


"Yey!!" Humawak siya sa braso ko. "Halika na po daddy! Kain na po tayo, gutom na po ako ikaw ba ate?" Lumingon siya sakin.

"Oo sige tara na, gutom na din ang mga alaga ko." Tumawa siya kaya natawa din ako.

Masaya lang ang tatay namin habang pinagmamasdan kaming dalawa, wala pang isang oras nung nagkita kami ng kapatid kong 'to pero close na kami, ang gaan ng pakiramdam ko sakanya.


Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon