Chapter 20

535 16 0
                                    

"Excuse me guys, pupunta lang akong library." Paalam ko sa barkada habang papunta kami sa gym, may program daw kasing gaganapin don, eh.

"Samahan na kita babe"


Umiling ako, "Hindi na, kaya ko na babalik din ako agad" nginitian ko siya tas hinalikan sa pisngi.


Nagpaalam na ako sa kanila at tsaka naglakad papunta sa library, may kailangan kasi akong libro para sa assignment ko eh.


Sa kaligatnaan ng paglalakad ko may grupo ng babaeng nakatingin sakin, nginitian ko sila pero inirapan lang ako.

Ano bang problema ng mga 'to?


"Akala naman niya bagay sila ni jayden" napailing iling nalang ako, alam ko na kung ano ang problema nila.

"Kaya nga, eh narinig ko lang naman na asdfghjk" binilisan ko na ang pagakad ko dahilan para hindi ko na marinig ang sasabihin pa nila.

Madaming may ayaw samin ni jayden ngayon, ayaw nila sakin bilang girlfriend ng crush nila, 'yon ang problema.


Agad kong hinanap ang librong kukunin ko dahil nag text sakin si jayden na malapit na mag umpisa ang program.


"Miss Alonzo" may humawak ng braso ko, sa gulat ko ay nahulog ko ang librong hihiramin ko.


"A-ano ba baron, ginulat mo ako!" Napalingon ako sa likod niya kung kasama niya ang kagrupo niya pero siya lang magisa.


"Kamusta ka naman?" Inayos niya ang takas na buhok ko kaya lumayo ako sakanya.

"Anong p-paki mo? Alis nga." Pagtataboy ko peor ngumisi lang siya at tinitigan ako.


Nakakatakot ang mga titig niya

"Mag ingat ka sa taong nasa paligid mo kei, hindi mo alam kung totoo ba sila o hindi" pinaglaruan niya ang kanyang baba.

"H-hindi kita maintindihan" aalis na sana ako ng mag salita ulit siya.

"Tatlong linggo nalang" hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang lakad ko papunta sa librarian.

Ibinigay ko muna ang ID ko at may isinulat kung ano ang nahiram kong libro bago umalis.

Chineck ko ulit ang cellphone ko at nakita ang text ni jayden don.

Jayden:

Asan ka na? Nagaalala na ko sayo.


Napangiti nalang ako habang pumipindot sa cellphone ko, sabi ko ay pabalik na ako.


Lumingon nalang ako sa paligid ko, halos wala ng tao dahil nasa gym ang lahat, pumasok muna ako sa cr para umihi at magayos ng buhok.


Pag kapasok ko sa isang cubicle, may narinig akong nag tatawanan ng mahina, akala ko ako lang ang tao rito iniwan ko pa naman ang gamit ko sa labas, di bale wala namang mamahalin ang makukuha don.


Pagtaas ko ng pantalon ko ay laking gulat ko ng may tumapon mula sa itaas, tubig na may kasamang harina ang nagkalat sa buong katawan ko.

Dali dali akong lumabas para tignan kung sino ang may kagagawan non kaso wala ng tao, shit!


Naiiyak na 'ko, wala akong mahingan ng tulong dahil nawalan din ako ng load, gusto ko sanang lumabas na lang kaso nalock din ako.


Sobrang lagkit ko na, hindi ko masydaong magalaw ang katawan ko dahil sa naninigas na mga harina.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon