Chapter 15

540 17 1
                                    

Fast update because birthday ko ngayon!! Thankyou sa mga bumati, xoxo. 😙😍💕

••

Limang araw na din simula nung nag party sa bahay nila jayden, mabuti nga't magaling na si jayden ngayon, never ko na talaga siyang papakainin ng may mani.

"Pretty babe, ano ang dami yata niyang iniisip mo?" Tanong niya sakin.

"Bakit, marami ka ba?" Banat ko.

"Ikaw ha, marunong ka ng pakiligin ako!" Nakangiting sabi niya tas hinawakan ang kamay ko.

Nasa cafeteria kasi kami ng school ngayon, dalawang oras ang vacant kaya wala kaming masyadong ginagawa.

"Nakakabagot naman 'yung dalawang oras, mag mall kaya tayo?" Suggest ni zachary.

"Ay nako! Kapag nag mall tayo, masyado tayong malilibang.. Duh? Edi hindi tayo nakapasok sa susunod ng subject." Sabi ni gina.

"Edi mag cutting tayo, anong problema don! Psh" natatawang sabi ni ice, nakita ko naman ang pag irap ni anne dahil don.

"Sayo walang problema, pano naman kami?" Tanong ni anne kaya natahimik kaming lahat.

Sa loob ng limang araw na 'yon, ito ang nag bago.. Ang pagiging cold nila sa isa't isa lalo na si anne, alam ko namang di pa siya nakaka move on e, pero nagpapakatatag siya.

"Hep! Tama na nga 'yan, kung ayaw niyo mag mall. Edi mag basket nalang tayo!" Sigaw ni kenzo.

"Ano game?" Dagdag pa niya.

Nagtayuan naman kami, "Game!"

Habang papunta kami sa gym, may lumapit na lalaki kay jayden, 'yung napagtanungan ko kung san 'yung bahay nila. Siya 'yon!

Pero may kasama siya ngayon, apat sila.

"Teka lang, kei ha?" Paalam ni jayden sakin tas binitawan niya ang kamay ko.

"Sino 'yon? Ang pogi naman! Kaso parang badboy!" Kinikilig na sabi ni anne kaya pabiro siyang siniko ni mae.

"Pogi ba 'yan? Mukha namang pwet eh." Rinig kong sabi ni ice at narinig naman naming lahat 'yon.

"Eh ano naman sa'yo ngayon kung napopogian ako sakanya?" Pinanood ko silang dalawa na nagbabangayan nanaman.

"Hindi naman talaga gwapo 'yan e! At tsaka taken na 'yan, wag ka nga."


"Pwede bang wag mo nalang akong kausapin, ha?" May lumandas nanamang luha sa mga mata niya kaya automatic na pumunta kami ni gina sa tabi niya.

Buti nalang walang tao dito ngayon sa gym, si jake, kenzo, zachary at jayden ay kausap 'yong tumawag sakanila.

"Kasi mas lalo akong nasasaktan, alam mo kung bakit? Kasi baliwala lang sa'yo 'yung pananakit mo sa'kin! Kung umasta ka ngayon, parang wala kang nasaktan!" Natahimik si ice kaya napatigin nalang siya kay anne.

"Anne, wag ka ng umiyak." Pinatahan namin siya kaso ayaw niyang tumigil.


Lumapit ako ng kaunti kay jayden para sana yayain siyang bumili ng tubig para kay anne, kaso parang ang seryoso ng pag uusap nila.

"Tandaan mo pare, dalawang linggo nalang." Narinig kong usapan nila at tumango naman si jayden.

Wala akong ma gets kaya nag inantay ko nalang si jayden na matapos ang usapan nila.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon