Chapter 39

545 19 5
                                    

"Gandang hindi inakala talaga si kei ngayon e, kakaiba!"



"Oo nga e, maganda naman 'yangsi Kei dati pero iba ngayon!"


"Ano ba 'yan ice at kenzo baka mamaya magselos 'yung jowa niyo!" Natatawang sabi ko.



"Nako hindi! Totoo naman ang sinasabi ni babe eh." Nakangiting sabi ni mae.



"Kaya nga kanina pa tingin ng tingin 'yung nga lalaki don oh!" May itinuro si jake sa kabilang table, napatingin naman ako at nakitang nakatingin sila sakin.



"Isang palipad ng hair naman dyan!" Pangaasar ni anne.


"Ano ba kayo nakakahiya" umiling ako.



"Alam mo kei, wag mong pinapansin ang mga 'yan!" Sabi ni zachary kaya tumingin ako sa kanya, "Ang tignan mo ay si jayden, 'yon ang tunay na gwapo." Umirap ako.


"Manloloko naman!"


Napatingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin.


"Nako kei kanina pa talaga sila tingin ng tingin sayo!" Sigaw pa ni mae.


"Hi boys! Single 'yan, meron akong number niya gusto niyo?"



"Hoy gina ano ba!" Pagsuway ko sakanya.




"Ayos lang 'yon! Maganda ka naman eh!" Lumapit siya sakin, "Para na din makalimutan mo si jayden."



"Pa-humble pa 'yung isa dyan," pagpaparinig sakin ni Aly. "Nakakaasar, kanina ka pa sinasabihan ng maganda. Imbes na mag thankyou pa kung ano ano pa ang sinasabi mo.."



"Ano namang pake mo? Pasensya kana kasi hindi ako sanay na pinagsasabihan ng maganda, palibhasa kasi akala mo sobrang ganda mo e ang sama naman ng ugali mo." Inirapan ko din siya kaya nainis siya ng sobra sakin



Tumayo siya at unti unting lumapit sakin, "Kanina ko pa iniisip kung bakit ka nagpaganda ng ganyan."



"Napansin mo pala ang pagiging maganda ko, salamat ha? Hindi ko inakala na kanina mo pa pala iniisip kung bakit ako nagpaganda."



"Asa ka" natahimik ako saglit don at napatingin kay jayden, 'yon ang sinabi niya sakin nung tinanong ko siya kung minahal ba niya ako kahit konti.




"Isa lang naman ang naisip kong dahilan para magpaganda ka e, akala mo kasi babalik sayo si jayden kapag binago mo ang itsura mo.." Tinignan niya mabuti ang mukha ko. "Kaya ka ba pumunta ng paris para magparetoke?"





Nilapadan ko ang ngiti ako, "Iba pala talaga ang kagandahan ko ngayon, noh? Sa sobrang ganda ko akala mo nagparetoke ako."




"Ano pa nga ba? Dati naman mukha kang hampas lupa."



"Dati lang 'yon, naka make up lang ako ngayon—" pinutol niya ko.



"Hindi ko tinatanong at hindi ako interesado."


"Kung hindi ka interesado sana kanina pa lang tinikom mo 'yang bibig mo. Napaghahalataang insecure ka kasi eh." Umirap ulit ako at uminom ng juice sa harap ko.



"Ang tapang mo girl!" Bulong sakin ni gina pero hindi ko siya pinansin.



Napatingin kasi ako sa gwi ni jayden na niyayakap si aly ngayon.


Sana ako nalang ulit 'yung nasa tabi niya.


-

"Salamat sainyo, kita nalang tayo lahat bukas" kumaway ako at nakangiting nagpaalam sa kanila. Bukas na kasi ang balik ng klase namin.



Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon