Chapter 38

538 17 2
                                    

"Sino ka?" Nanliit ang mga mata ko at inirapan silang lahat.


"Huhuhu tito at tita asan po si kei? Akala ko po ba nandito na siya?!..." Napahawak ng bibig si zachary, "Wag niyong sabihin na nag crash 'yung eroplanong sinasakyan niyo at kayong dalawa lang ng kapatid niya ang nabuhay?!"



Tumawa si papa, "Ayan si kei oh." Tinuro pa niya ako kaya nabaling ulit ang atenyon nila sakin



"Omg girl ikaw nga!" Agad na lumapit 'yung tatlo sakin.

"Miss na miss ka namin, huhu.."



"Super ganda mo ngayon! Taob ang beauty ni aly! Pak!" Bulong ni mae kaya nagtawanan kaming apat.


Nilingon ko si Lina sa likod ko at pinalapit siya sakin, "Guys eto si Lina. Kapatid ko." Last time kasi hindi ko siya napakilala ng maayos.


"Pasalubong! Pasalubong!" Sigaw ni zachary, "Tito may tsokolate po kayo dyan?"


Binatukan siya ni jake, "Mahiya ka naman!"



"Ay sorry po tito hehe." Tumawa kami at nag peace sign.


May kinuha si papa sa paper bag na ipinamili niya tas kumuha ng dalawang supot ng tsokolate, "Sige sainyo na 'to pag hati hatian niyo nalang."




"Talaga po?! Thankyou po kasing bait niyo po pala si kei!" Sambit pa ni zachary.



"Teka kukunin ko lang 'yung pasalubong ko sainyo." Sinulyapan ko muna si jayden na nakatingin lang sakin kaya umiwas agad ako.

"Ate gwapo pala 'yung jayden lalo na sa malapitan noh?" Sumunod pala sakin si lina.


"Oo, gwapo talaga 'yon." Napangiti ako.


"Ngiti ngiti ka dyan, 'te!"


"Heh! Halika na nga." Kinuha ko ang supot sa kama ko at mabilis na lumabas.



"Gina, mae at anne para sainyo.." Ibinigay ko sakanila ang keychain na pinili ni jason.


"Ang ganda noh?" Tanong ko tas nakangiti silang tumango. "Dapat nga 'yung may butterfly ang ibibigay ko kaso sabi ni jason ayan nalang daw mas maganda."


Napatingin ako kay zachary na nabilaukan dahil sa kinakain niyang tsokolate, "Iho ayos ka lang?" Tanong ni mama at kumuha ng tubig.



"Sino si jason?" Takang tanong ni anne.



"Wala! Nakilala ko lang siya sa paris."



"Pogi ba?" Kinikilig na sabi ni gina.



Inalala ko 'yung itsura niya. "Oo sa tingin ko gwapo, kaso nakatakip palagi ang mukha niya pero mabait naman."


"Nako! Sana mameet mo 'yan para makagetover kana kay—asdfghjkl" agad na lumapit si mae kay kenzo para takpan ang bunganga niya. Buti nalang at hindi narinig ni mama dahil inaasikaso niya si zachary.


Kinuha ko nalang ang ibibigay ko sa boys kaya lumapit ako sakanila.

"Salamat dito kei." Nginitian ko lang si ice, iba ang design sa kanila, panlalaki syempre.



"Uh, j-jayden para sayo.." Inabot ko ang para sakanya.


"Salamat." Ngumiti lang siya at binaling ang atensyon kay aly.


"Aly, sorry hindi kita nabilhan ha, akala ko kasi—"


"Ayos lang, hindi ko naman kailangan ng keychain mo eh. Cheap" inirapan niya ako kaya umiwas nalang ako ng tingin.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon