Chapter 24

469 15 3
                                    

Pumunta si mama sa kusina tapos pagbalik niya may dala na siyang dalawang mangkok, naamoy ko agad ang ulam na adobo at sa isa naman ay ang kanin

Ang sarap naman ng ulam ngayon, himala!


Siguro ay dahil nandito ang papa ko kaya ganon.


"Anong year kana, nak?" Tanong ng magaling kong tatay.

Hindi ako sanay na tinatawag niya akong 'anak' kasi hindi naman niya ako tinuring na anak sa labing pitong taon kong nabubuhay!


"3rd year po" maikling sagot ko sakanya.



"Saan?"



Ang dami niyang tanong.

"Sa estrada university" kumuha na ako ng kanin at inalalayan niya naman ako kaya hindi talaga ako sanay.



"Ah, uhm.. Mahal 'yon, kaya niyo ba ang tu—"


"Scholar po ako don, hindi naman namin kaya ang tuition don e. Wala kaming pera dinkami katulad niyo" diretsa kong sagot.

"Kei!" Suway ni mama sakin.


"Bakit ma? Parang may nasabi naman akong masama!"


"Tatay mo parin 'yan!"




"Kelan ba siya naging tatay sakin ha, ma?!"


"Kei sumusob—"


"Ayos lang... Okay lang minelda" pagputol ng tatay ko sa nanay ko.




"Hindi yon ayos thomas! Binabastos ka ng anak mo!" Nagtataasan sila ng boses, gusto ko ng umalis dito.




"Okay nga lang, naiintindihan ko." Sabi ng tatay ko at lumingon sakin.



"Kei anak, pasensya ka na ha? Bata pa lang kami ng nanay mo ng nabuo ka kaya natakot ako, iniwan ko kayo kasi hindi pa ako handa—"


"Hindi mo kailangan mag paliwanag!" Sabi ko sakanya.


"Hindi ko po kailangan ng paliwanag mo kasi hindi na mababago na iniwan mo kami't pinagpalit sa iba, kaya pwede po ba? Kumain nalang tayo." Nanahimik nalang sila sa sinabi ko.

Tinignan lang ako ni mama na parang nagsasabing 'maguusap tayo mamaya'


Sa gitna ng pagkain namin, naalala ko na hindi pa ako nakakapagpaalam sa outing na pupuntahan namin.



"Ma, aalis nga po pala kami sa friday. Malapit na kasi ang monthsary namin ni jayden, kung pwede po sana na sumama ako sakanila"


"Anak wag na, wala naman tayong—"


"Si mae na po ang sagot sakin, alam mo naman pong wala tayong pera"



"Monthsary?" Takang tanong ng tatay ko, "May nobyo ka na?"


"Ay opo. Ipapakilala ko siya sayo soon." Sabi ko na hindi man lang binabaling ang tingin sa kanya



"Siya nga pala, gusto kang makilala ng anak ko, Kei. Ayos lang ba sayo?"

Natigil ako sa pagkain, malamang hindi ayos sakin! Tinanong niya pa 'yon?!


"Pagiisipan ko po" sabi ko.



Gusto kong umayaw. Ayokong makita ang anak niya, kasi baka masaktan lang ako. Yung anak niya, siya 'yung nakaranas na maganda at buong pamilya.. Hindi napagdaanan ang hirap at ang maiwan.


Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon