Chapter 26

476 16 1
                                    

"Guys ano ba 'yan! Kung ayaw niyong matulog mag patulog kayo!" Sigaw ni zachary samin.

Habang nagiinuman kasi sila eh nauna siyang natamaan kaya maaga siyang natulog, nasa guest room nila kaming lahat tapos ang ingay pa nila.

Hindi nila pinansin ang sigaw ni zachary kaya nagtawanan pa ulit ang boys, "Hay punyeta! Hindi naman kasi kayo yung nadidistorbo sa pagtulog!" Singhal niya pa ulit.



"Tumahimik na nga kayo, kawawa naman 'yang si zachary." Sabi ko sakanila.


"Girl oh, isang shot lang!" Ibinigay sakin ni gina ang isang shot.


Umiling ako, "Ayoko. Malakas tama ko riyan baka maiwan pa ako bukas."

Mantika kasi ang pagtulog ko kapag nakainom ako.


Lumapit sakin si jayden tas niyakap ako ng mahigpit. "Malapit na babe, sobrang lapit na" mahinang bulong niya na ikinataka ko, anong malapit na?


"Ha?"


"Babe malapit na..." Ngumiti siya kahit may lungkot sa mukha niya, "Malapit na ang monthsary natin."



Napangiti ako, oo nga sa linggo ay second monthsary namin. "Oo nga e, naeexcite na ako."


"OH EDI NATAHAMIK DIN KAYO!" Bumangon si zachary. "Matulog na tayo, parang hindi tayo alas kwatro aalis mamaya, eh noh?"

Napalingon ako sa orasan na nakasabit malapit sa flat screen na tv nila, mag aalas dose na din pala.

"Jayden matulog na tayo." Hinila ko na siya patayo tas inalalayan patabi kela kenzo at jake.


"Matulog kana ha, i love you" lumapit ako para halikan siya sa labi.


Nginitian niya lang ako at ipinikit ang mga mata niya.


Lumakad na ako papunta sa kabilang kama kung saan nakahiga si gina, mae at tsaka si anne. Tumabi ako sakanila at tsaka ako nagtalukbong ng kumot, ipinikit ko ang mga mata ko dahil sobra na ang antok ko.


"Jayden gumising ka" wala pang limang minuto akong nakapikip ay narinig ko ang boses ni jake na ginigising si jayden.


Hindi mo alam kung bakit kaya nanatili akong tahimik.


"Jayden pano ba 'yan? Alam mong masasaktan siya." Rinig kong sabi ni kenzo.

Wala akong maintindihan sa pinagsasabi nila, minsan kasi mahina ang boses ni jayden o kaya ni jake.


"Hindi ko alam, pero kailangan kong gawin. Alam niyo naman 'yon"

-

"GUMISING NA KAYO KUNG AYAW NIYONG MAIWAN!" Napatakip ako ng tenga ko nung narinig ko ang napakalakas na sigaw ni zachary.


"GISING! ANO BA 'YAN" sigaw niya pa ulit, kinusot ko ang mga mata ko at tsaka dumilat, ako at si zachary pa lang ang gising.


"Hayy nako kei, gisingin mo nga ang mga iyan!"


Agad namang bumangon si jake at si ice.

"Anak ng p*ta naman zachary! Mag aalas tres pa lang!" Tinignan ko ang orasan at tama nga si ice, maaga pa!


"Lintek naman zachary e, ang aga pa pala." Singhal ko tas humiga ulit ako, ayoko talaga yung ginigising ako!


"Bahala nga kayo! Hindi ko na kayo gigisingin mamaya." Naramdaman ko ang pagbukas ng pintuan, siguro'y lumabas na siya.



Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon