Chapter 27

524 18 0
                                    

Eto na po update at dedicated sayo, salamaaaaat 😀😉 FayeHemmingsparas
•••

"Guys gising na" iminulat ko ang mga mata ko at nakita si anne sa harapan namin.


"Andito na tayo?" Tanong ko tas tumungin sa labas.


"Wala pa, stop over lang 'to, ang layo pala ng villa del prado." Tumango nalang ako at ginising si jayden sa tabi ko.


Alas syete pa lang ng umaga, ilang oras na kaming bumabyahe pero wala pa kami sa pupuntahan namin.


"Asan na tayo?" Tanong ni jayden pagkagising niya, nakababa na yung mga barkada.



"Stop over pa lang daw, hindi ko alam." Nagkibit ako ng balikat tsaka ko nalang siya hinila patayo.



"Ano ang sainyo? Kami na oorder ni mae" inakbayan ni kenzo ang girlfriend niya.



Nasa isang fastfood kami ngayon, buti nalang tinanggap ko ang bigay ni papa na allowance kundi wala akong pambili.


"Ano sayo babe?" Tanong sakin ni jayden, tumingin na muna ako sa pagpipilian at tsaka ako bumaling sakanya. "Yung spaghetti at chicken"


Naglabas ako ng pera pero nauna siyang nagabot kela kenzo, "Ako na magbabayad sayo"


"Jayden hindi na, may dala akong pera binigyan ako ng tatay ko" inagaw ko ang kalahating pera na ibinigay niya kela mae.

"Ayos lang naman sakin kung ako ang magbabayad" nakangiti niyang sabi at kinuha na ang kamay ko.


"Palagi nalang ikaw ang gumagastos para satin, baka masanay ako niyan"

"Edi masanay ka, boyfriend mo ako kaya dapat lang na ako ang magbayad." Tumango nalang ako kahit hindi ako pabor sa gusto niya, sa susunod ako naman ang gagastos.


"Chicken at spaghetti samin ni kei"


"Ganon nalang din ang samin para isang order nalang." Tumango si kenzo at umalis na sila ni mae para umorder.


"Tatlong oras na tayo bumabyahe wala padin tayo sa villa del prado, grabe ang layo pala don" angal ni anne tas humikab siya, halatang antok pa din.

"Ikaw kasi e, sabi ko naman sayo ayos lang na sumandal ka sa balikat ko ayaw mo naman" nag pout si ice kaya siniko ko si gina na nakikipagusap kay jake.


"Tignan mo 'yong dalawa, away away pa sila pero magkakaaminan din pala" bulong ko.


Tumango siya, "Oo nga bagay naman sila e"


"Kayo na may lovelife! Hahanap talaga ako ng sakin sa pupuntahan natin" singit ni zachary na naglalaro lang ng cellphone niya.

"Jayden bat nga pala tumawag si baron sa'yo kanina?" Tanong ko, nagtaka kasi talaga ako sa pinaguusapan nila e.

Nanlaki ang mga mata ko nung nahulog 'yong cellphone ni zachary sa table, buti nalang at hindi nabasag!

"Bat mo naman nabitawan 'yan?" Tanong ni anne sakanya.


"Ha? Lumabas kasi si slendrina!" Kinuha niya ulit ang cellphone niya pero nakita kong yung alagang tae naman ang nilalaro niya.

Tumungin muna siya kay jayden bago ibinalik ang tingin sa nilalaro.


"Gusto mo ba ng ice cream? Meron don sa labas oh" may itinuro si jayden sa labas, hindi pa niya nasasagot ang tanong ko!


"Jayden ano ang pinagusapan niyo? Bakit parang galit ka habang kausap mo siya?"


Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon