Chapter 11

510 18 0
                                    

Bigla ko nalang naalala 'yung pamumula ni jayden kahapon nung nakaka dalawang kagat pa lamang siya, hindi ko maiwasan na hindi makonsensiya.

"Anong nangyari sa'yo? Nanahimik ka yata." Sabi ni mae sakin habang hawak ang cellphone niya.

"Wala" sagot ko at nilingon ko si anne, nginitian niya ako pero alam kong may tinatago siya saming tatlo,

"Kanina kapa ganyan, muntkan mo pang nabasag 'yung hawak mong baso kanina. Ayos ka lang?" Tuloy tuloy sa sabi ni ginasa kanya, namula siya tapos umiwas ng tingin samin.

"Pwede mo namang i-share kung ano 'yang problema mo, e." Sabi ni mae tas binaba 'yung cellphone niya para makinig kay anne.

"Kasi nung isang araw.." Panimula niya, pinaglaruan niya ang mga daliri niya.

"Nung nag dare si zachary na bumaba kami ni ice para kumuha ng juice, may nangyari.." Seryoso lang kami habang pinapakinggan siya.

Masyado bang malala ang nangyari para maapektuhan silang dalawa?

"Ano naman ang nangyari?" Tanong ko dahil atat na 'kong malaman 'yon.

Bumuntong hininga siya tapos kinagat ang ibabang labi, "Nag kiss kami ni Ice."

Mahina ang pag kasabi niya pero sapat na para marinig namin, hindi agad nag sink in samin 'yon, naisip ko kung paano nangyari, kaso nagulat nalang ako nung tumili si gina.

"Omg, seryoso nag kiss kayo?!" Tili niya kaya nakuha ang atensyon ng iba, tinakpan koang bunganga niya.

"Ang ingay mo, madaming chismosa ngayon." Bulong ko sakanya, namumula si anne ngayon.

"Nag kiss na pala kayo, e. Ba't parang ayaw mo pa?" Tanong ni mae.

"Hindi sa ayaw, nagustuhan ko nga e." Napangiti ako sa sinabi niya kaso seryoso lang siya.

"Yun naman pala, masarap ba?" Tanong ko kasi never pa akong nahalikan.

Kaso kahit joke yung tono ng pagkasabi ko non, hindi nag bago yung seryoso niyang mukha.

"Bakit ka ba malungkot ngayon, Anne? Pinagaalala mo kami, e."

"Habang hinalikan niya ako, iba ang pangalan na sinabi niya.." Nakita nalang namin ang pagbagsak ng mga luha sa mata niya.

"Anong pangalan ang sinabi niya?" Tanong ko.

"Jewel" Sagot niya, wala akong kilalang ganon.

"Kumawala ako nung narinig ko ang pangalan na 'yon kaya nga nakabasag pa ako ng baso kasi natabig ko, nasaktan ako e." Patuloy niya tas humikbi siya, dinaluhan namin siya ng yakap.

"Kami ang nasasaktan para sa'yo e, 'wag ka ng umiyak." Hinagod ni mae ang liko niya pero patuloy pa din ang iyak niya.

Lumayo si mae kasi tumunog ang cellphone niya, "Hanap tayo nila Kenzo, kailangan daw nila ang cheer kasi masyadong malakas ang kalaban."

"Hindi na ako sasama, kayo nalang." Pinunasan ni anne ang luha niya tapos tumingin samin.

"Hindi ko talaga kayang makita si ice sa ngayon, magpapalamig muna ako." Sabi niya at nagpaalam na samin, makikita mo talaga sakanya na sobrang nasaktan siya.

"Halika na, Kei." Hinila ako nila gina papuntang court.

Habang naglalaro, alam kong nahihirapan sila. Matatangkad ang mga kalaban at isa na don ay si Nikko, nagulat pa ako dahil may tensyon sa laro nila ngayon.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon