Chapter 49

632 21 1
                                    

Jayden's Pov

"Basta babe tayong dalawa lang ha? Wag mo akong iiwanan" nakapout na sabi ni kei sakin kaya kinurot ko ang pisngi niya.

"Alam mo namang mahal na mahal kita kaya kahit kailan, hinding hindi kita iiwanan" sagot ko at siniil siya ng matamis na halik.



"Talaga promise? Playboy ka kasi pero may tiwala ako sayo"



"'Yun naman pala babe, basta pagkatiwalaan mo lang ako at ipapangako ko sayo na palagi akong nasa tabi mo"


"HOY KUYA!!" Napaupo ako sa kama dahil sa gulat.


Sumakit ang ulo ko at inis na nilingon si janine.


"Ano ba 'yon?! Ang ingay ingay mo"

"Alam mo ba kung nasan si ate kei? Kanina ko pa siya tinatawagan kaso di ko macontact. Papasama sana ako e" nakangusong sabi niya.


Umiling ako at iniwas ang tingin sakanya, "Hindi ko alam janine. Baka busy 'yon"

Hindi niya alam ang nangyari, kasi magagalit 'yan sakin. Sobrang mahal niya kasi si kei at itinuring niyang ate.

Napahawak ako sa ulo ko, tatlong linggo ko na siyang napapanaginipan, at hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng 'yon o epekto lang ng sakit ko.

Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan


"Hay nako kuya, dapat alam mo kung nasan ang nobya mo!" Inirapan niya ako at akmang aalis na pero hinawakan ko ang kamay niya.


"Janine may sasabihin ako sayo" sumeryoso ang mukha niya kaya umurong ako ng konti para makaupo siya sa tabi ko.


"Ano 'yon kuya? Nakakakaba ka naman"



"Wala kaming relasyon ni kei, lahat ng ginawa niya para sakin ay pagpapanggap lang"


"WHAT?! Anong pinagsasabi mo?! Haha!" Tumawa pa siya, "Kuya wala akong time para makipag lokohan sayo." Umiiling pa niyang sabi.



Kumunot ang noo ko, "Totoo ang sinasabi ko, si Aly mismo ang nagsabi sakin"


Nanlaki ang mga mata niya kaya nagtaka ako.

"Nagkikita kayo ng demonyong 'yon?!"


"Wag mong pagsasalitaan si aly ng ganyan!" Iritang sabi ko. "Nakakaawa na nga 'yung tao tapos hinuhusgahan mo pa!"




"Kuya pwede ba! Siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit nangyari sayo 'to! Wake up! Nananaginip ka ba?" Tinitigan niya pa ako ng maigi.


"Hindi janine, lahat ng sinabi ni aly sakin ay totoo. Si kei ang nakabaril sakin at si aly ang totoong nobya ko, dahil don pinatigil ko na si kei na lumapit pa saakin" tumayo siya at humawak sa ulo, kita ko sa mga mata ang galit ng kapatid ko.


"Bullshit kuya! Bakit ka naniwala doon sa babaeng 'yon?!"


"She's telling the truth, nakita ko 'yon sa mata niya"


"Really?! Hindi ko alam na ganyan ka pala katanga. Kung sana'y sinabi mo sakin na nakipagkita ka pala don para masampal ko ng napakalakas 'yon!"



"Ang laki ng galit mo kay aly, ano bang ginagawa niya sayo?!" Inis ulit na sabi ko, kanina pa siya eh!



"Look kuya," umupo ulit siya sa tabi ko. "Natatandaan mo si baron?" Umiling ako.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon