Chapter 46

629 12 1
                                    

Dedicated sayo! Salamat :) SednieAbellanosa

•••

Jayden's Pov


Pilit kong inaalala ang mga kinikwento sakin ni kei.

Itinuro niya ang classroom sa third floor, "Eto! Dito tayo unang nagkausap" nakangiting sabi niya.



"Lumabas ako para magtapon ng basura tapos nabato moko ng binilog na papel" inirapan niya pa ako pero tumawa din siya.


"Bakit kita nabato?"




"Kasi naglalandian kayo nila kenzo, kayong lima pa nga 'yung sikat dito sa school. Bukod sa mga gwapo 'daw' kayo, magaling kayo magbasket" hinila niya ako papunta sa likod ng gym. Natatandaan ko naman lahat ng nangyayari kaso burado talaga kapag kasama si kei sa alaala eh.



"Bakit 'daw?' Hindi ka ba nagwagwapuhan sakin ha?" Lumapit ako sakanya at nagtinaas baba ang kilay ko.




"Hmm, gwapo kayo pero nung una irita talaga ako sainyo. Para kasi kayong artista sa dami ng fangirls.." Tinitigan niya ako kaya tumibok ang puso ko, "Kaso 'yun nga na fall ako sayo"



"Ganun kabilis?!"




"Hindi noh! Casanova ka kaya, palagi kang papalit palit ng girlfriend!" Inirapan niya ako at kumagat sa dala niyang suman.



Naalala ko namang papalit palit ako ng babae, ang hindi ko maintindihan. Pano ko niligawan si kei?



"Kaya nga nagulat ako nung niligawan mo ako, syempre nagtaka ako nung una pero napatunayan mo naman 'yon. Maeffort ka kaso maraming kontra sating dalawa" tumango tango nalang ako at pinilit ko talagang maalala lahat kaso wala pa din.


"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko, bigla kasi 'tong sumakit.




"Ayos ka lang ba?!" Agad agad na pumunta si kei para tulungan ako.



"A-ansakit" daing ko.


"Umuwi na tayo, sa susunod na araw nalang ulit. Baka mapano ka pa"



Kei's Pov

Tinititigan ko lang siya habang tulog, hawak hawak ko din ang kwintas na ibinigay niya sakin noon.

Kahit araw araw naman kaming magkasama namimiss ko pa din siya, namimiss ko ang mga i love you niya.


Namimiss ko na ang dating siya.

Kanina sa school, pinapaalala ko sakanya lahat. Ilang araw na kaming hindi pumapasok na dalawa pero may rason naman 'yun kaya excuse kami sa mga teachers. Maraming nakakakilala samin kanina pero binalewala lang namin 'yon kahit yung iba may alam sa nangyari.



May kumatok sa pinto ni jayden kaya tumayo muna ako para tignan kung sino 'yon.

"Hi kei!"


"Anong ginagawa niyo ditong dalawa ha!!"


"Kayo ha— jayden akala ko ba may amnesia ka?"


"Huy wag kayong maingay. Borlogs 'yung tao" natatawang sabi ko at pinapasok ang barkada.



"Ano palang ginagawa niyo dito?" Tanong ko, sabado naman ngayon kaya sigurado akong bored silang lahat.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon