EPILOGUE

809 16 2
                                    

Salamat at umabot tayo hanggang dito!!

Pakibasa po ang author's note sa susunod, please po ty!

••

Jayden's Pov

"Break na tayo, Kei"

"Mahal mo ako, alam ko 'yon mahal mo ako!" Lumapit siya sakin at niyakap ako pero kinalas ko ang pagkakayakap niya.

"Huwag mo nga akong yakapin!" Kasi bibigay ako.


"B-bakit jayden?"


"Kailangan bang may paliwanag pa kapag nakikipag break ha?!" Galit na sabi ko pero deep inside, nasasaktan ako na makita siyang ganto.

"Una sa lahat, tama si aly at iba pang mga babaeng hindi ikaw ang tipo ko! Hindi ka kasing ganda ng nga naging syota ko! Hindi ka mayaman katulad nila at ang pakipot mo!"

"Kaya hindi talaga ikaw ang type ko"

"Kilala mo naman si baron at tsaka ang mga barkada niya hindi ba? Pinagpustahan ka namin, kei.. At ang malas ko kasi ikaw ang napili nila para sakin"


"Hayy nako si kuya, lutang nanaman" iiling iling na sabi ni janine habang kumakain kami sa labas.

"Dalawang taon na ang lumipas kuya, si ate kei pa rin ba?" Natatawang tanong niya.

"Oo, siya parin janine" nakangiting sabi ko habang hawak ang cellphone ko na may picture naming dalawa.

Marami na kaming napagdaanan ni kei nung kami pa, pero kahit anong hirap pa ng napagdaanan naming 'yon hindi kami sumukong dalawa.

At hinihiling ko na kapag nagkita kami bukas sa reunion, sana bigyan niya ako ng pagkakataon ulit.

"Kinakabahan ako janine, pano kaya pag may kasama siyang lalaki bukas?"

"Nega ka kuya e, hindi mo pa nga nalalaman dami mo agad sinasabi" ngumiti lang siya at may tinawagan sa cellphone niya tapos lumayo sakin.


Kumunot nalang ang noo ko nung makitang ngingiti siyang humarap sakin.


Janine's Pov

Tumayo ako at tinawagan si ate kei gamit ang messenger, matagal na kaming naguusap na hindi alam ni kuya.

"Hi ate! Kelan ang flight niyo?"


"Mamaya na baby girl bakit?" Nakita ko ang maganda niyang ngiti kaya napatingin ako kay kuya, kumunot ang noo niya at sumenyas ako na lalabas na muna ako.


"Wow! Miss na kita ate, basta bonding tayo ha?"



"Oo naman" tumango siya at parang may hinanap sa likod ko. "Asan nga pala ang kuya mo?" Tumamis ang ngiti ko.

Palagi niyang kinakamusta si kuya tuwing naguusap kami.

"Ayon, iniwan ko sa loob ng restau"

"Nako! Dapat inaalagaan mo 'yang kuya mo"

Hindi ko padin sinasabi na naalala na ni kuya ang lahat, dapat kasi si kuya mismo ang magsabi niyan. Hindi ako.

"Malaki na 'yung si kuya. Inlove na nga eh" natatawang sabi ko pero sumimangot siya.


"Ay ganon ba. Mabuti naman" nakita ko pagkadismaya sa mukha ni ate kaya gusto kong matawa pero pinigilan ko.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon