Chapter 8

590 19 1
                                    

Hindi ko siya pinansin at pana'y ang iwas ko ng tingin kapag nahuhuli kong nakatitig siya sa'kin.

Pinanindigan ko yung sinabi ko na lumayo muna kami sa isa't isa. Kaso sadyang makulit talaga siya, "Gusto mo ba ng hotdog? Baka nagugutom ka na.." Nilapitan niya ako habang kinukuha ko 'yung twalya ko.

"Ay wag na, ako nalang." Pinunasan ko muna yung sarili ko at tsaka pumunta kung nasan sila zach.

"Penge ako ng hotdog." Sumilip ako sa niluluto nila, si gina, mae at anne kasi ay nasa pool pa din.

"Kagulat ka naman, Kei." Natatawang sabi sakin ni kenzo.

"Teka lang, hindi pa masyadong luto e." Sabi ni jake kaya tumango ako.

Umupo nalang ako sa tabi ni zach, naglalaro siya sa cellphone niya.. "Ano 'yan?" Tanong ko.

"Clash of clans." Sagot niya, tinapos lang niya yung laro tapos tinignan na niya 'ko, "Bat ka andito?"

"Nagugutom ako, ang tagal ng hotdog." Ngumuso ako, kanina pa kami nagswi-swimming kasi.

Tapos yung boys, umahon lang nung magluluto na.

"Baka kasi may magselos kaya lalayo muna ako sa'yo.." Nakangiti siya habang inuusog yung upuan palayo sakin.

"Sino namang magseselos? Parang tanga 'to!" Sinamaan ko siya ng tingin at lumapit sakanya.

"Peram ako ng cellphone mo." Ibinigay niya sakin 'yung phone niya. Nilogout ko yung facebook niya tapos nag sign in ako.

"Ano 'yang ginagawa mo?" Sumilip siya sa cellphone niya. "May facebook ka pala, pa add naman!" Kumunot ang noo ko.

"Ayoko nga, ikaw yung lalaki dapat ikaw ang unang mag add." Sabi ko at tumawa.

"Ang arte, bilis na!" Kinuha niya sakin yung cellphone tapos nag type siya.

"Ayan! Accept kita mamaya kapag tapos mo." Binalik niya sakin yung cellphone.

Binisita ko lang kung may nag message sa'kin, kaso wala naman "Yung profile mo, matagal na ba 'yan?"

"Ah, oo. Nung highschool pa." Binigyan ako ni jake ng dalawang hotdog kaya pinahawak ko muna kay zachary 'yung isa.

"Salamat, jake." Nginitian niya lang ako, si jayden nakatingin samin ni zachary.

Parang gago.

"Pa selfie ako ha?" Binuksan ko yung camera niya, "Para naman mapalitan ko na 'yung profile ko."

Tumango nalang siya at ngumiti, inayos ko muna yung basa kong buhok tapos ngumiti na sa camera.

"Ayos na ba 'to?" Tanong ko kay zachary. Tumango siya, "Oo, ayos 'yan."

Pinalitan ko yung dp ko at ang caption ko, 'swimming din pag may time #anglamig #brrrr'

Natawa si zachary sa tabi ko, "Anong nakakatawa?" Umiling siya.

"Wala naman pala e!" Kinuha ko 'yung hotdog sakanya at kinain 'yon.

"Ehem.." Natigil ako sa pagnguya dahil sa ubo ni jayden, hindi ko alam kung totoo ba o peke 'yung ubo niya.

"Sabi ko sayo, may magseselos eh." Natawa siya tapos lumayo ulit sakin.

"Ayan magseselos?!" Tanong ko tapos binalik sakanya yung phone, "Log out mo na lang facebook ko, bwisit na 'yan." Tumayo ako tapos nilapitan nalang sila gina.

Casanova's Game Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon