Chapter 1 How we met

320 6 0
                                    

Stanley's POV

Sa isang eskwelahan kung saan nag-umpisa ang lahat. Sa eskwelahan kung saan una kaming nagtagpo. Eskwelahan na kung saan ay punong-puno ng mga magagandang ala-ala naming dalawa.

Unang araw ng klase. Maraming mga estudyante ang nagkalat sa lobby at hallway na karamihan ay mga freshmen at isa ako dito. Wala akong kakilala ni-isa maliban sa mga schoolmate at classmate ko noong highschool. Accountancy ang kinuha nilang kurso samantalang Business administration major in marketing management naman ang sa akin.

Hinanap ko ang room kung saan unang subject ko. Naupo ako sa pinakadulo kasama ang dalawang babae na katabi ko.

"Hi I'm Tracy." Sabay lahad ng kanyang kamay sa akin.

"Hello. I'm Queenie." Sabay lahad din ng kanyang kamay.

Nakipag-kamay ako sa kanilang dalawa. Nakipagkilala at nakipag-kwentuhan.

Kinwento ko sakanila kung saang eskwelahan ako gumraduate ng highschool at ganun din sila. Napansin namin na unti-unti ng dumadami ang mga estudyante na pumapasok sa aming room kung saan kami naroroon.

Hindi nagtagal ay pumasok na ang propesor namin sa economics. Tahimik ang lahat. Nag-discuss lamang siya ng kaunti para magkaroon kami ng ideya sa aming pag-aaralan para sa semester na ito.

"Sabay-sabay na tayo na pumunta sa susunod nating subject." Sabi ko habang nagliligpit ng gamit.

"Tabi-tabi na lang ulit tayo wala pa namang seating arrangement eh." Sabi naman ni Tracey.

Naging komportable na akong kausap sila kahit ilang oras pa lang kaming magkakakilala at magkakasama.

Sa bawat araw na lumipas ay unti-unti ko ng ipanakita ang totoong ako. Isang bakla na masayahin, kalog, at mahiyain.

Nandito kami ngayon sa gym kung saan ay p.e class na namin. Maaga kaming dumating at wala pang masyadong tao.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad ng may bumangga sa akin dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo sa sahig.

"Ayos ka lang ba ?" Tumayo na ako at hindi ko na sinagot ang kanyang tanong at agad na akong naglakad patungong c.r

Nang makabalik ako sa gym ay naroon na ang iba naming mga mga kaklase.

"Grabe naman yung bumangga sa akin ang sakit ng pagkaka-upo ko sa sahig " litanya ko.

"Gwapo ba ? Gwapo ba yung nakabangga sa akin ?" Tanong ko sakanila.

"Ewan hindi namin napansin eh." Sagot naman ni tracey.

"Ang bilis niya kasi maglakad daig pa ang kabayo." Sabat naman ni Queenie.

"Sayang naman Mr. Right ko na sana yun." Sagot ko.

"Ang tanong papatulan ka ba niya ? Lalaki yun bakla ka malamang babae ang hanap nun." Si Queenie.

"Hayaan mo na maganda ka naman eh. Maganda ang kalooban." Biro ni Tracey.

"Ay Grabe siya." Sagot ko.

Nagtawanan lamang kami hanggang sa dumating na ang propesor namin sa p.e. Katulad kanina ay nag-duscuss din siya ng para magkaroon kami ng ideya sa magaganap para sa pag-aaralan namin.

Mabilis na nagdaan ang mga araw at mas nakilala ko na ang mga classmate ko na makakasama ko sa isang semester. May nakilala din kaming bagong kaibigan si Alexa. Medyo chubby, morena at magaling kumanta.

Nandito kami ngayon sa isang foodcourt. Lunchbreak kaya dito na lang kami kumain mura din kasi at mas makakatipid.

"Ano sayo order ka na namin ?" Sabi ni Tracey na ngayon ay nakatayo sa bandang gilid ko.

"Rice in a box na lang yung Chicken and mushroom." Sabay abot ko ng 100 pesos sakanya.

"Oh siya order na kami ah. Bantayan mo na lang yan." Sabi ni Alexa at sabay na umalis para umorder.

Tahimik kong ginamit ang cellphone ko hanggang sa mapalingon ako at hindi ko na maalis ang titig ko sa isang lalaki. At dito nagsimula ang lahat.

Naging mabagal ang takbo ng mundo ko. Hindi pa rin maalis ang titig ko sa lalaking iyon na nakasuot din ng uniporme na suot ko. Anong pangalan niya ? Ang unang tanong ba sumagi sa isip ko.

Napansin ko na lumingon siya sa akin at medyo kumunot ang kanyang noo. Marahil ay nailang siya dahil nakatitig ako sa kanya.
Umayos ako. Inayos ko ang sarili ko pero hindi pa rin maalis sa isip ko kung sino ang lalaking iyon.

"At sino naman yang tinititigan mo diyan ?" Andito na pala si Queenie.

Hindi ako nakasagot.

"Yun ba ? May itsura naman siya. Go lang bakla." At sabay na umupo sa aking tabi.

"Hindi ko naman alam ang pangalan niya. Kahit fb man lang maging friends kami."

Ngumiti ng nakakaloko si queenie dahilan para kumunot ang aking noo. Tinignan ko lamang siya ng isang nagtatanong na tingin.

"May facebook page yung school natin. I-confess mo yan. Tiyak malalaman mo kung anong pangalan ng lalaking yun. Tapos add mo na sa fb." Seryosong sabi ni Queenie.

Tapos na kaming mag-usap ni Queenie ng biglang dumating si Tracey at Alexa.

Tahimik lang kami ni Queenie. Ayoko munang ipaalam sa mga kaibigan ko itong aking nararamdaman.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon