"Good morning guys." Isang malawak na ngiti ang ibinigay ko sa mga kaibigan ko.
Nagtinginan sila sa isa't-isa at nakatinging ng nagtataka.
"O, eh bakit naman ganiyan kayo kung makatingin ?" Tanong ko sakanila.
"Anong nakain mo ?" Tanong pabalik sa akin ni Tracey.
"Fried rice at saussage. Why ?" Nakangiti ko pa ring sinabi.
"Ok ka na ?" Tanong naman ni Queenie.
"Ok naman talaga ako eh. Ayos na ayos ako. Im totally fine." Sabay tawa ko.
Napakamot na lang sila ng kanilang mga ulo.
"Why ? Is there something wrong ?" Tanong ko sakanila.
"Ibig sabihin na ba nito naka-move on ka na ?" Seryosong tanong ni Alexa.
"Hindi pa. Why should I ? Mahal ko pa nga eh. Mas gusto ko lang maging masaya ulit. Masama ba ?" Isang malawak na ngiti muli ang aking ibinigau sa kanila.
Napa-tango na lang sila at hindi na nagsalita.
Tapos na ang klase at nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa school.
"Sigurado bang ok ka na ?" Tanong ni Queenie sabay inom ng frappe niya.
"Totoo bang naka-move on ka na ?" Tanong naman ni Alexa.
"Paano ?" Pahabol namanh tanong ni Taracey.
Tinignan ko sila isa-isa at sabay na uminom ng aking frappe bago sumagot. Nakakaloka naman sila, hindi ba sila makapaniwala na masaya na ako at nakakangiti ulit.
"Unang-una ok na ako, pangalawa susubukan ko na mag-move on at pangatlo, mas pinili kong maging masaya at ngumiti na lang kesa umiyak at maging malungkot eh hindi na naman babalik sa akin si Jacob." paliwanag ko.
Katulad kanina ay nagtinginan lang sila sabay na tumango at sabay pang uminom ng mga frappe na inorder nila.
"At bakit ko ikukulong ang sarili ko sa isang taong hindi naman ako mahal. Move on, laban. Ganern." Pahabol ko pa.
Inubos ko yung frappe na inorder ko bago ulit ako magsalita.
"Sinaktan niya ako noon puwes maglaway siya ngayon." Dugtong ko pa.
Natulala sila sa akin at sabay-sabay na tumayo at binigyan ako ng standing ovation with matching slow clap pa talaga.
Kung kanina ay nakangiti ako at tumatawa sa harapan ng aking mga kaibigan ngayon naman ay tila bumaliktad dahil ngayon ay nalulungkot na naman akong muli.
Naglalakad ako papuntang bahay ng may humarang sa aking isang lalaki.
"Oh bakit ka nandito ?" Salubong na tanong ko kay Hero.
"Palagi mo na lang ba ako susungitan ?" Tanong niya pabalik sa akin.
Kahit kailan talaga ay napaka-misteryoso ng lalaking ito. Wala akong alam sa buhay niya samantalang siya naman ay alam na alam na ang buhay ko.
"Oo susungitan talaga kita kasi hindi pa kita kilala. Pangalan lang ang alam ko sayo. Sino ka ba talaga ?" Medyo inis na sabi ko.
Lumapit siya sa akin sa sabay na hinawakan ang aking mga kamay.
Mainit ang kaniyang mga kamay, malambot din ito na para bang ang sarap hawakan."Gusto mo ba talaga malaman kung sino ako ?" Seryoso niyang tanong habang nakatingin sa aking mga mata.
Tumango lang ako at sinundan siyang naglalakad. Ngayon ay patungo kami sa isang exclusive subdivision malapit lang sa amin. Hindi na ako nagtataka kung bakit palagi kaming nagkikita.
Huminto kami sa isang malaking bahay. Pumasok siya doon at ganun din ang ginawa ko. Malaki, tahimik at punong-puno ng mga gamit na mukhang mamahalin.
"Heto ang buhay ko, Heto ako at heto ang bahay ko." Panimula niya.
Tinignan ko at hinawakan ang mga gamit sa loob ng kanyang bahay habang kami ay naglalakad sa napakalaking bahay niya.
"Napakalaki nitong tinitirahan ko pero sa totoo lang ako lang at yung mga kasambahay ko ngayon ang nandito." Sabi niya habang kakarating lang sa pool area ng kaniyang bahay.
Tinignan ko lang siya samantalang siya ay nakatingin sa swimming pool ng kaniyang bahay.
"Nasaan sila ? Yung pamilya mo tsaka yung mga katulong mo ?" tanong ko at aking ibinaling ang paningin sa swimming pool na nasa harapan lang namin.
Umupo siya at isinawsaw ang kaniyang mga paa sa swimming pool at ganun din ang ginawa ko.
"Yung pamilya ko nasa ibang bansa nag-migrate na sila dun habang ako nandito nag-aaral at balang araw susunod din ako sakanila. Yung mga katulong ko naman pinag-day off." Paliwanag niya sa akin.
Sa mga sagot niyang iyon ay damang-dama ko ang kaniyang kalungkutan. Maging sa mga mata niya ay makikita na malungkot siya.
"Pwede mo kong maging kaibigan. Kung kailangan mo ng pamilya nanditi lang din ako. Katulad ng ginagawa mo sa akin, hindi ka nagsawa sa akin kahit na ang drama-drama ko." Ang bigla na lang lumabas sa aking bibig.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. Tumingin siya sa akin pero ngumiti lang ako sa kanya.
"Tingin ko pinagtagpo tayo para magkakilala at para maging sandalan ng bawat isa." Sabi ko ng nakatingin sa mga paa naming nakalublob sa tubig.
"Walang iwanan ?" Nakangiti siyang lumingon sa akin.
"Walang iwanan." Sagot ko sakanya.
Kasabay nun ay ang pag-pinky swear naming dalawa.
Ilang oras din kaming nasa pool area. Nakasawsaw ang aming mga paa at nakatingin lang sa aming mga paa.
Hindi ko lubos maisip na ang Hero na palaging nasa tabi ko noong nasasaktan ako ay isa palang lalaking malungkot at kailangan ng makakasama.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Random"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...