"Sir. Juice po." Agad ibinigay ni manag sa akin ang Juice.
Nakatanaw pa rin ako mula sa balcony ng aking bahay. Ang laki na talaga ng pinagbago ng buhay ko.
"Oh ang lalim na naman ng iniisip mo." Pamilyar sa akin ang boses na yun kaya agad akong lumingon.
Sa sobrang saya ko ay niyakap ko agad siya. Matagal din kaminh hindi nagkita.
"Umuwi ka na pala hindi mo man lang ako sinabihan." May pagtatampo sa tono ng boses ni Hero.
Ngumiti lang ako sakanya at kinurot anh kaniyang pisngi.
"Naku naman nagtatampo ka pa. Busy ako alam mo yan." Paglalambing ko sakanya.
Agad niyang inunat ang kanyang mga braso at ako ay kaniyang niyakap.
"Namiss ko lang tong iyakin na ito."
Humiwalay ako sa pagkakayakap mula sakanya.
Sa yakap niya para akong secure. Sa yakap niya damang-dama ko ang kanyang pagiging isang mabuting kaibigan, kaibigan na palaging nandiyan kapag kailangan ko.
Oo nga pala higit pa sa isang kaibigan ang turing niya sa akin. Nanliligaw kasi siya sa akin ngayon kahit naman na nandon pa ako sa Canada ay hindi siya nagbago purisigido pa rin siyang manligaw.
"Excuse me. Ako iyakin ? Hello noon yun hindi na ngayon." Medyo mataray kong asik sa kanya.
"Nako, ang laki na talaga ng pinagbago mo hah."
"Sobrang laki nga ng pinagbago ko dati hindi naman ganito buhay namin eh ngayon may sarili na akong resort at iba pang mga ari-arian."
"Hindi yun yung tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay yung pagbabago mismo sayo."
Kumunot ang noo ko. Hindi ko siya maintindihan.
"Nevermind. So kamusta ka ?" Tanong ni Hero.
"Ako ? I'm fine." Maikli kong sagot.
Wala na siguro siyang maitanong kaya siguro ay tumahimik siya.
"Okay ka na ba talaga ?" Muli niyang tanong habang tanaw tanaw ang mga puno malapit sa aming bahay.
"The last time na pinuntuhan kita sa Canada umiiyak ka kasi naaalala mo pa rin si Ja..." hindi ko na pinayagang ituloy pa ang mga sasabihin niya.
"Stop. Huwag na huwag mong babanggitin yang pangalan na yan " nainis ako.
"Sorry na, huwag ka ng magtampo." Sabay yakap niya sa akin na nagpagaan naman ng loob ko.
Ang galit ay napalitan ng mga ngiti na agad na gumuhit sa aking labi.
"Dito ka ba matutulog ?" Tanong ko sakanya.
"Kaya nga nandito ako eh kasi namiss kita siyempre dito talaga ako muna matutulog. Tabi tayo hah." Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Simula ng nanligaw siya ay naging ganito na siya ka-sweet sakin. Ewan ko pero hindi ko din kasi maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko kay Hero.
Magkaharap kaming nakahiga sa kama.
"I missed you so much." Sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya bago magsalita. Heto na naman yung ngiti ko sa tuwing nagiging sweet siya sa akin.
"Na-miss din kita. Alam mo yan." Bulong ko sakanya.
Unti-unti siyang lumapit sa akin ay sabay akong niyakap at agad din niya akong hinalikan sa aking noo.
"Good night stanley."
"Good night din Hero."
Nagising ako dahil sa tumatamang sinag ng araw sa aking mga mata. Bumangon ako sa kama at napansin kong wala doon si Hero.
Bigla namang bumukas ang pinto ng CR at agad na iniluwa si Hero na nakatapis ng tuwalya sa bandang ibaba. Natulala ako at napalunok dahil sa tanawin na nakita ko.
Napaka-kisig niya. Banat na banat ang kaniyang katawan sa gym.
"Baka naman matunaw ako niyan." Sabi niya na agad na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Ikaw naman kasi nakakagulat bigla-bigla kang lumalabas diyan sa CR." ang nasabi ko na lang.
"Sorry na hahaha." Agad siyang lumapit sa akin at ako ay kaniyang niyakap.
Naramdaman ko ang kaniyang katawan na nakayakap sa akin. Napalunok na lang ako at hindi na nagpumiglas.
Agad naman siyang bumitaw sa yakap at nakangiti na parang nang-aasar.
"Nag-enjoy ka na naman sa yakap ko. Feel na feel mo naman yung katawan ko, nako ikaw Stanley hah. Sagutin mo na kasi ako." Sabay flex ng kaniyang muscles.
Hindi ko na kaya to. Ayoko na, masyado na akong nag-eenjoy sa katawan niya kaya naman agad ko siyang hinampas sa kaniyang mga braso.
"Nakaka-asar ka." At agad akong lumabas ng aking kwarto.
Paglabas ko ng kwarto ay agad na lang akong napahawak sa aking dibdib.
Grabe naman kasi itong si Hero hindi man lang ako inabisuhan na magta-topless pala siya ayan natulala talaga ako. Aminado naman kasi ako na unti-unti na akong nagkakagusto kay Hero.
Yung mga panahong kailangan ko ng kausap at ng kausap nandiyan siya at hindi ako pinabayaan.
Hanggang sa umalis ako noon papuntang Canada para magtrabaho palagi niya akong tinatawagan at nakikipag-videocall makausap at makita niya lang ako.
Sobrang sweet niya sa akin. Palagi niya din akong napapangiti sa mga simpleng bagay.
I know my limits. Alam ko na hindi pa ako ready na sumabak sa isang relasyon. Minsan na akong nasaktan at hindi ko na muling hahayaan pa iyon.
Para siyang isang hangin na palaging nandiyan at nakayakap sa akin.
Masasabi ko bang swerte ako dahil ako ang minahan ni Hero ?
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Random"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...