May kotseng huminto malapit lang sa kinatatayuan ko. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Naka-suit and tie at pormal na pormal ang ayos.Nag-umpisa na namang kumalabog ang puso ko. Hindi ko mawari king kinakabahan ba ako o dahil nakita ko siyang muli.
Hinawakan ko ang dibdib ko at nagsisimula na namang magbadya ang mga luha sa aking mga mata ngunit bago pa man ito tumulo at kunawala ay pinunasan ko na ito gamit ang kamay ko.
Tinignan niya lang ako. Ilang segundo kaming nagtitigan. Una na niyang binawi ang kaniyang tingin at inayos ang necktie niya at nagsimula ng maglakad.
Hinintay ko itong pagkakataon na ito. Wala akong sinayang na oras kaya agad akong naglakad at hinabol siya.
Huminto ako ng mapansin kong medyo malapit na ako sa kanya.
"Jacob." Tawag ko sakanya.
Hindi siya kumibo, hindi man lang niya ako pinansin at agad na dumiretso maglakad papunta sa isang malaking kumpanya.
"Jacob." Maluha-luha kong sabi ng nasa harapan na niya ako.
"Jacob, matagal kong hinintay tong araw na ito. Araw na muli kitang makita." Pag-uumpisa ko.
Katulad kanina ay hindi niya ako pinansin at agad na naglakad. Hinawakan ko ang braso niya kaya huminto siya. Lumingon siya sa akin.
"What ?" Tanong niya sa akin.
Napansin ko ang bigote niya. Ang daming nagbago sakanya. Pormal na pormal ibang-iba sa Jacob na nakilala ko noon.
"Can we talk ?" Tanong ko.
Tinignan niya lang ako at sabay na inayos ang kanyang suot na suit.
"Stanley, matagal na nung huli tayong nag-usap. So I think wala na tayong dapat pag-usapan pa." Sagot niya at agad ng naglakad.
Hindi niya ako pinansin. Parang isang ordinaryong bato lang ako sakanya na kailanman ay hindi na niya mapapansin.
"Ganun na lang ba kadali itapon ang lahat ?" Sa oras na ito ay kumawala na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
Huminto siya sa kanyang paglalakad pero hindi niya man lang ako nilingon.
Huminga ako ng malalim.
"Ganun na lang ba kadali itapon ang lahat ? Lahat ng pinagsamahan natin ? Lahat ng masasayang alaala na binuo natin ? Lahat ng mga pangakong binitawan natin sa isa't-isa ?" Unti-unti akong lumapit sa kanya.
Parang ulan namang kumawala ang mga luha sa mata ko at hinayaan ko lang na umagos yun sa aking pisngi.
Hindi pa rin siya lumilingon at nakatayo pa rin. Para namang may hinihintay siya na may sabihin pa ako sakanya.
"Ganun na lang ba kadali sayo iwan ang lahat ? Ganun na lang ba kadali sayo na iwan ako habang ako umaasa sa mga sinabi mo na kahit kailan hindi ako iiwan ? Ganun na lang yun Jacob ? Ganun na lang ba yun ?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Lumingon siya sa akin at humarap. Pero hindi pa rin siya nagsasalita.
"Bakit hindi ka makasagot ? Na-pipe ka na ba nung nasa Singapore ka ?" Sarkastiko kong sabi.
"Oo alam ko nasa Singapore ka. Stalker mo ko matagal na kaya kahit nasasaktan pa rin ako mas pinili ko pa rin na isipin ka at mahalin ka." Pinunasan ko ang luha na kanina pa nasa pisngi ko.
Nakatitig lang siya sa akin.
"Sabagay, hindi naman ako babae para tratuhin mong prinsesa. Isa lang akong bakla na nagmamahal sayo. Isang bakla na kahit kailan hindi mo mapapansin." Dugtong ko pa.
"Bakit hindi ka sumagot ? Ano bakit hindi ka sumagot ?" Bulyaw ko sakanya.
"ITIGIL MO NA TO STANLEY, STOP PLS STOP. LAYUAN MO NA AKO. I DON'T WANNA SEE YOUR FVCKING FACE AGAIN. LEAVE NOWWWWWWW" bulyaw niya sa
akin.Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya. Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko at nakakuyom ang mga kamay.
Muli na namang kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Bago ako magsalita ay pinunasan ko iyon
"Ayan lang naman ang hinihintay ko eh. Ang sabihin mo na layuan na kita. Ang sabihin mo na iwan na kita. Ang sabihin mo na itigil ko na itong kahibangan ko sayo. Ok panalo ka talo ako. Lalayuan na kita katulad ng sinabi mo." Tinalikudan ko na siya at nag-umpisa ng maglakad.
Wala na akong pakelam kung pinagtitinginan ako ng mga tao ngayo dahil sa umiiyak ako.
Naglakad lang ako hanggang sa makalayo ako. Naglakad ng umiiyak. Tinapon na ni Jacob ang lahat ng pinagsamahan namin at ganun lang kadali yun dahil wala naman kaming relasyon.
Napaka-tanga ko dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya kahit hindi naging kami, kahit walang kami.
Umupo ako malapit sa may puno. Mas mainam na dito dahil wala namang masyadong tao ang dumadaan.
"Umiiyak ka naman ?" Pamilyar na boses. Si Hero.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at inabot ang puting panyo. Kinuha ko iyon at pinunasan ang mga mata ko na kanina pa umiiyak.
"Ngayon alam ko na kung ano ang gagawin ko." Panimula ko.
Hindi siya kumibo at pinakinggan niya lang ako.
"Simula ngayon wala ng Jacob. Kakalimutan ko na siya kasi yun naman ang gusto niya eh." Dugtong ko pa.
"Tama yan, ngayon alam mo na kung ano ang dapat mong gawin para hindi ka na nasasaktan." Sabi niya.
Tumingin lang ako sa kanya at ganun din siya.
"At para hindi na nasasaktan yang puso mo." At sabay niyang tinuro ang dibdib ko kung saan nandun ang puso ko.
Ngumiti lang ako sakanya at hindi na kumibo. Ganun din siya sa akin.
Eto na siguro yung tamang panahon para kalimutan ka Jacob. Salamat sa mga araw na naging masaya ako.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Acak"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...