Chapter 18 That Hugot

56 3 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at kitang-kita ang pagiging masigla ko. Nagbalik ang dating Stanley, ang Stanley bago pa dumating si Jacob.

Madaming nagsasabi na nagbago ako, hindi ko alam kung saang parte ng ugali ko pero pati ang mga kaibigan ko ay pansin ito.

Mall, madaming estudyante ang naglipana eto kasi ang oras kung saan maraming tao sa mall.

Naglalakad ako at papuntang department store nang bigla akong magulat dahil nabangga ako ng isang babae kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay mag-karelasyon.

Tumapon sa damit ko ang Juice na hawak-hawak ng isang babae na mukhang kaedad ko lamang.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan eh ayan natapon yung juice ko." Bulyaw sa akin ng babae.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. Nag-umpisa ng tumaasa ang kaliwang kilay ko, hudyat na inubos nito ang pasensya ko.

"Ako pa may kasalanan ngayon ? Eh kayo tong naglalandian habang naglalakad tapos ako pa sisihin mo kung bakit natapon yang juice mo sa damit ko. Pangalawa, ikaw pa tong may karapatang magalit ? Ikaw ba yung natapunan ng juice ?" Mahinahon pero galit na sabi ko sakanya.

Marami ng taong nakapalibot sa amin at nakiki-chismis. Sa bandang kanan ko ay may lalaking umiinom ng kape na mukha pa atang galing sa starbucks. Hinablot ko iyon at agad na itinapon sa babaeng maldita ang kapeng inagaw ko mula sa lalaki.

"Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi mo na ako matapunan ng juice." Nagsimula na akong maglakad at nilagpasan lang sila.

"Kung hindi kayo makatiis mag-motel kayo para hindi kayo nakakaabala sa daan." Pahabol ko pa at sabay na naglakad at iniwan ang dalawang mag-syota na iyon.

Binayadan ko na sa cashier yung binili kong damit na ngayon ay suot suot ko na. Ang lagkit din kasi ng tumapon na juice sa damit ko.

Agad na akong dumiretso sa isang pizza parlor matapos kong bumili ng damit.

"Oh bakit ka nakabusangot ?" Tanong sa akin ni Alexa.

Umupo ako at tsaka tinignan yung menu para maka-order.

"Someone ruined my day." Mataray kong sabi at inilapag ang menu sa table.

Tinaasan lang ako ng kilay ni Tracey.

"Ano naman yun ?" Tanong naman ni Queenie habang nakatingin sa menu.

Huminga ako malalim, nag-crossed arms at tinaasan sila ng kilay.

"May impaktitang babaeng tinapunan ako ng juice niya. And guess what ako pa yung sisnisi niya" pagtataray ko.

Nagtinginan lang sila at hindi na umimik. Nandito na yung inorder namin at tahimik lang naming nilalantakan ang pizza at pasta na inorder lang namin.

Habang tahimik silang kumakain ako naman ay hindi mapakali dahil kanina ko pa kinakagat tong pizza pero ang tigas.

Kagat lang ako ng kagat habang napapansin ko na tinititigan na ako ng mga kaibigan ko ganun din ang mga tao sa loob ng restaurant na to.

Hindi pa rin ako mapakali iba't-ibang posisyon na ginawa ko pero bakit ang tigas nitong pizza. Tumayo, nakatagilid at kung ano-ano pa.

"Anong nangyayari sayo teh ?" Pagpuna sa akin ni Queenie.

Nilapag ko yung pizza ng padabog at nagsimula ng magbulungan ang nga tao sa loob ng restaurant. Hindi ko na lang pinansin.

"Eto kasing lecheng pizzang to pinapahirapan ako " inis na sabi ko.

Nalaglag ang mga panga ng mga kaibigan ko. Siguro ay dahil sa weird na ikinikilos ko.

"HOY PIZZA KANINA PA AKO NAG-EEFFORT SAYO HAH HIRAP NA HIRAP NA AKO PATI BA NAMAN AKO PAPAHIRAPAN MO." sigaw ko.

Lahat naman ng tao sa loob ng kinakainan namin ay tumahimik, huminto sa kanilang ginagawa at nakatingin lang sa akin.

"HETO KASING PIZZA EH HINDI NAA-APPRECIATE YUNG EFFORT KO." sigaw ko at tsaka na umalis ng restaurant.

Matapos ang inisidenteng iyon na ewan ko nga ba kung bakit ko ginawa ay napagdesisyunan na lang namin na umuwi.

Nandito kami ngayon sa bus at nakasakay. Walang available na upuan kaya nakatayo kami. Ang saya tiba.

"Wala bang gentleman na mag-papaupo satin dito ?" Bulong ko kay tracey.

Nilingon ko lang siya at nainis na naman ako dahil naka-earphone pala siya kaya pala hindi sumasagot kanina pa ako dakdak ng dakdak dito.

Nag-umpisa na akong mainis dahil sa traffic. Hindi lang sa traffic kundi dahil din sa mga pasaherong unti-unting dumadami at bandang huli ay nandito pa rin kami sa bus at nakikipagsiksikan.

Ginawa kong pamaypay ang kamay ko dahil sa init. Ganun din ang ginawa ng mga kaibigan ko dahil init na init na kami.

Hindi ko na kaya ...

Eto na nga ...

Sasabog na talaga ako ..

"HANGGANG DITO BA NAMAN IPAGSISIKSIKAN KO SARILI KO. MANONG PARA NGAAAAAA." Sigaw ko at agad namang huminto yung bus.

Hinawi ko ang mga pasahero sa bus para makadaan ako. Sobra kasing siksikan.

Pagbabang-pagbaba ko naman ay agad na may huminyong kotse sa harapan ko bago ako makatawid. Kamuntik na tuloy akong masagasaan.

"Sige sagasaan mo ako, sanay na akong masaktan." Sabi ko at sabay na tumawid.

Nakita ko naman yung mga taong nakatingin lang sa akin at nagtatawanan. Nakakatawa ba yung sinabi ko ?

Naghihitay naman ako ng taxi ngayon at hindi ko na kasama ang mga kaibigan ko dahil nga sa siksikan kanina sa bus kaya hindi na nila ako nahabol.

Mga ilang oras na akong naghihintay ng taxi pero ni-isa walang taxi na dumadaan sa pwesto ko.

"Konting tiis lang Stanley, konting tiis lang sanay ka naman ng maghintay tiba ?" Bulong ko sa sarili ko.

Sa tagal ng paghihintay ko na may dumaan na taxi ay hindi ko na namalayan ang oras.

May kotseng huminto malapit lang sa kinatatayuan ko. Isang pamilyar na mukha ang nakita ko. Naka-suit and tie at pormal na pormal ang ayos.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon