Chapter 9 Happy Stanley

53 4 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas at hindi pa rin sumasagi sa isip ko ang magparamdam kay Jacob ito ay marahil sa pang-iindian niya sa akin nung isang linggo.

Sa tuwing nakikita ko siya sa school ay ako na ang umiiwas. Paminsan-minsan ay nagtatago ako o kaya'y nagdadahilan na marami akong ginagawa.

Nasa school ako ngayon ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko na hawak-hawak ko. Tinignan ko ang pangalan, Si Jacob.

Jacob: I miss you, hindi ka na nagpaparamdam :(

Ibinulsa ko ang cellphone ko at hindi na nagsayang ng oras para replayan siya. Ayokong maging third party sa kung ano man ang meron siya ngayon dahil ang alam ko ay meron siyang girlfriend. Sana sinabi niya nung una pa lang

"Sigurado ka ba na kaya mo yang ginagawa mo ?" Tanong sa akin ni Queenie.

"Oo naman, ayokong makasakit ng tao." Paliwanag ko dito.

"Sigurado ka ba na girlfriend nga ni Jacob yung nakita mo ?" Tanong pa niya ulit.

"Kahit hindi niya naman sabihin alam ko. Feel na feel ko na girlfriend niya nga yun." Sagot ko.

"Hindi mo naman narinig sa kanya pero nag-conclude ka na agad." Sarkastiko ang tono ni Queenie. Hindi ko na lang ito pinansin at muling itinuon ang sarili sa daan.

Papunta kami ngayon ni Queenie sa Canteen para bumili ng maiinom.
Agad kong naaninag si Jacob na mukhang makakasalubong pa ata namin. Hindi niya kami nakita dahil nakatuon ang kanyang paningin sa kanyang cellphone at mukhang may tinetext.

Agad akong nagtago sa may puno malapit sa Canteen at agad kong nakita at narinig na nag-uusap si Queenie at Jacob. Mula sa aking kinatatayuan ay naririnig ko kung ajo ang kanilang pinag-uusapan.

"Nakita mo ba si Stan ? Ang tagal ko na kasi siyang hindi nakikita." Tanong ni Jacob kay Queenie.

Nakita ko ang gulat sa mga mukha ni Queenie ng kausapin siya ng pinakamamahal ko na si Jacob.

"Hindi din siya nag-rereply sa mga text ko. Teka, kasama mo ba siya ?" Tanong ulit ni Jacob kay Queenie.

"Oo kasama ko siya kanina pero biglang nawala. Hindi ko na alam kung saan nagpunta yun." Paliwanag naman ni Queenie kay Jacob.

Nakokonsensya ako sa ginagawa ko. Tama ba na iwasan ko si Jacob ?

"Iniiwasan ba ako ni Stan ?" Tanobg niya ulit.

"H-hindi ko alam. S-siguro. Ewan, kayo na lang ang mag-usap. Sige na Jacob, una na ako uhaw na uhaw na ako eh." At ipinaypay ni Queenie ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang sarilii.

Tumango lang si Jacob at agad na umalis. Nakita ko naman na palingon-lingon si Queenie at mukhang hinahanap ako. Nang nakita konna medyo malayo na si Jacob ay doon lang ako lumabas.

Nakabili na kami ng aming inumin at nandito kami ngayon sa may gym ni Queenie.

"Hinahanap ka kanina ni Jacob. Muhang seryoso siya sayo."

Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi ni Queenie at muli kong itinuon ang sarili ko sa paglalaro sa cellphone ko.

"Ang tagal mo na daw na hindi nagpaparamdam sa kanya." Dugtong pa niya. Tinignan ko lang si Queenie at muli kong itinuon ang atensyon ko sa nilalaro ko sa cellphone ko

"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo ? Nag-conclude ka kagad. Paano kung hindi niya girlfriend yung nakita mong kasama niya ?" Ang daldal talaga nito ni Queenie kahit kailan.

"Nakokonsensya na nga ako sa ginagawa ko sakanya eh. Hindi ko lang alam kung paano ko siya ulit kakausapin."

"Edi kausapin mo siya. Itext mo o kaya ichat mo." Suwestyon niya.

"Sana ganun lang kadali kaso nahihiya na ako sakanya." Paliwanag ko.

"Nag-conclude ka kasi agad ayan nasaktan ka tuloy tapos ngayon nakokonsensya ka na sa ginagawa mong pag-iwas kay Jacob."

Tapos na ang lahat ng aking klase ngayong araw na ito. Pauwi na ako sa aming bahay at hanggang ngayon ay iniisip ko pa din si Jacob. Paano ko nga ba siya kakausapin ulit.

Nasa bahay na ako at agad akong dumiretso sa aking kwarto para magbihis. Pagpasok ko pa lang sa kwarto ay biglang may nagtakip ng bibig ko. Natakot ako dahil may nakapasok sa aking kwarto. Iniharap ako ng lalaking nagtakip sa akin mula sa kanya.

Nagulat ako ng makita na si Jacob pala ang lalaki na nagtakip ng aking bibig. Paano siya nakapasok sa bahay ?

"P-paano ka nakapasok sa bahay ?" bulong ko para walang makarinig sa amin.

Umupo siya sa aking kama habang hinuhubad ko ang sapatos ko.

"Inakyat ko mula sa labas makapasok lang dito sa kwarto mo." Medyo galit niyang sabi.

Pumasok ako sa banyo para mag-bihis. Paglabas na paglabas ko ng banyo ay nakita ko na medyo naiinis nga siya.

"Bakit mo ba kasi ako iniiwasan ? Hindi mo ba alam na namimiss kita." Sabi niya ng hindi man lang ako tinitignan.

Nang marinig ko ang salitang miss niya na ako ay biglang gumihit sa aking mga labi ang isang ngiti.

Lumapit ako sa kanya at agad ko siyang niyakap. Doon ay naluha ako habang nakasubsob ang aking mukha sa kanyang dibdib.

"O bakit ka umiiyak ?" Tanong niya sa akin.

Kumalas ako sa pagkakayap at humarap sa kanya.

"Ikaw kasi inindian mo ko sa lakad natin nung isang linggo tapos nakita ko na kasama mo yung girlfriend mo, ang saya-saya nyo pa nga." Parang batang hindi nabilan ng kendi ang pag-iyak ko.

"Hinahanap nga kita kasi babawi ako at para humingi na din ng sorry sa ginawa ko. At yung nakita mo hindi ko girlfriend yun kasi kaibigan ko yun simula nung high school pa lang kami." Paliwanag niya.

Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kanyang mga kamay.

"Pero hindi ka man lang nag-text para sabihin sakin yun. Jacob, ilang oras ako naghintay." Pagmamaktol ko pa rin.

Gamit ang hintuturo ay tinakpan niya ang aking mga labi. Inalis niya ang kanyang hintuturo ng kumalma na ako. Inilagay niya ang ulo ko kanyang balikat at doon ay mas lalo akong kumalma.

"Ngayong araw na ito at sa mga susunod na araw babawi ako sayo. Ngiti na, miss ko na yung Stan na palaging nakangiti."

"Masaya na akong ganito tayo Jacob." Maikli kong sabi

"Masaya din ako na ganito tayo, akala mo ikaw lang." Seryoso niyang sabi.

Parang musika ang mga sinabing mga salita ni Jacob. Ang saya at sarap pakinggan.

Tingin ko ay secured ako sa piling ni Jacob. Hindi ako magsasawang gawing unan ang kanyang balikat, sarap sa pakiramdam.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon