Chapter 28 The Secret

45 3 0
                                    

This is the first POV of Jacob. Secrets will reveal in this Chapter.
*********

Jacob's POV

Pagkatapos kong makausap si Stanley ay mas lalo akong nagi-guilty kung bakit ako nagsinungaling sa kanya. Oo nagsingungaling ako sa kanya naging duwag akong harapin ang tunay na nararamdaman ko para sa kanya.

Paikot-ikot ako sa kwarto. Halo-halong emosyong ang nararamdaman ko. Masaya dahil nakita at nakausap ko siyang muli at nalulungkot dahil sakanya na mismo na wala na akong babalika pa.

"Pwede ba Jacob huminto ka kakaikot nahihilo ako sayo eh. Ano bang nangyayari sayo ?" Inis na sabi ni Yngrid.

Huminto ako at humarap sa kanya bago sumagot.

"Anong nangyayari sa akin ? Nakgkakaganito lang naman ako dahil muli kong nakita si Stanley." Paliwanag ko sa kanya.

"What ? Wait..." ang tangi na lang nasabi ni Yngrid

Hindi ako sumagot at hinintay na lang sa kung ano ang kaniyang sasabihin.

"Kalma Jacob. Matagal mo ng hinintay to tiba ? Edi sabihin mo na sakanya ang totoo."

"Sana nga ganun lang kadali sabihin ang lahat."

"I know what you think, alam ko na hindi siya maniniwala pero ano bang silbi ko dito sa lovestory niyo ? Tiba pinagpanggap mo nga akong girlfriend mo para layuan ka niya. Nandito ako Jacob tutulungan kita katulad ng pagtulong ko sayo noon. Sasabihin natin ang totoo kay Stanley." Sabi niya habang nakaharap sa akin.

Oo pinagpanggap ko si Yngrid na maging girlfriend ko para layuan na ako ni Stanley dahil naging duwag ako at hindi ko kayang harapin ang sarili kong nararamdaman para lay Stanley.

Flashback ...

kakauwi lang ni Yngrid galing Singapore kahapon. Ngayon naman ay niyayaya niya ako para mag-mall dahil matagal na kaming hindi nagkita ng kaibigang kong ito.

"Oh ano naman yung importante mong sasabihin ?" Tanong ni Yngrid.

Nandito kami ngayon sa restaurant. Sasabihin ko sa kanya kung ano ang talagang kailangan ko. Kailangan ko ng tulong niya.

"Hindi ko alam kung papayag ka pero sana pumayag ka sa pabor kong ito." Ang tangi ko na lang nasabi.

Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Alam mo naman na kahit ano gagawin ko para sayo kasi para na kitang kapatid. So ano ba iyon ?"

Ikwinento ko sa kanya ang lahat. Kung paano ako nahulog kay Stanley at kung ano ang tunay na nararamdaman ko kay Stanley.

"What ? Tama ba yung narunig ko ? Lalaki ang gusto mo at ngayon ay mahal mo na siya ?" Gulat at tanong sa akin ni Yngrid.

Hindi ako kumibo at ininom na lang ang juice na nasa harapan ko.

"So anong gusto mong gawin ko sa lovestory nyo ?" Tabong ulit sa akin ni Yngrid.

"I want you to act as my girlfriend." Diretso kong sabi.

Nagulat siya sa sinabi ko at natulala bago siya sumagot.

"What ? Nooooooooo way Jacob No way. Hindi ko kaya yan."

"Plsssssssss I need you Yngrid. I need your help." Pagsusumamo ko.

"Okay fine, I will act as your girlfriend pero after nun wala na." This time ay pumayag na siya.

Agad akong tumayo mula sa aking kinauupuan at agad ko siyang niyakap.

"Ok na ok na. Nasasakal mo na ako."

Agad akong bumitaw sa aking pagkakayakap salamat at pumayag siya.

End of flashback ...

Pinagpanggap ko si Yngrid dahil naduwag akong harapin ang tunay kong nararamdaman.

Napagtanto ko na hindi ko pala kaya ng wala si Stanley. Ilang taon ako nahirapan ng dahil sa desisyong kong iyon kung sana ay naging matapang lang akong harapin ang tunay kong nararamdaman edi sana naging masaya ako dahil nasa piling ko siya.

Oo minahal ko din si Stanley. Minahal ko din siya pero mas pinili kong itago iyon dahil hindi ko kayang sabihin sakanya. Ayoko ding husgahan ako kaya mas pinili ko ang desisyong iyon pero lahat ng ito ay pinagsisihan ko hindi ko pala kaya ng wala si Stanley.

"Ano ng plano ?" Tanong sa akini Yngrid.

"Sasabihin ko na sakanya ang katotohanan." Yan na lang ang nasabi ko.

"Go suportahan kita diyan bes."

Hindi na lang ako sumagot at ako ay naupo na lang sa aking kama.

"Sige swimming muna ako." Pagpapaalam sa akin ni Yngrid.

Nang makalabas si Yngrid sa kwarto ay agad ko na namang naisip si Stanley. Ang tanga tanga ko talaga sana talaga naging mas matapang ako na harapin ang aking nararamdaman.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa mga naiisip ko.

Maaari pa bang ibalik ang kahapon ? Nais kong balikan ang mga araw kung saan naging masaya kami. Kung saan kasama ko siya.

Noong mga panahong nasa singapore ako aminado ako iniisip ko siya. Kamusta na kaya siya ?

Sinayang ko ang pagkakataong mahalin siya at iparamdam kung gaano ko siya kamahal.

Sana katulad din kami ni popoy at basha na nagkaroon ng Second Chance.

Ngayon ko lamang napagtanto na hindi lahat ng iniwan mo ay ganun pa rin katulad ng dati kapag binalikan mo.

Hindi pa rin ako bibitaw sa pagmamahal ko sa iyo Stanley.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon