Chapter 27 Just like the old times

39 3 0
                                    

"Oh teka Cr lang ako. Sama ka ? Basta ikaw magpagpag hah." Eto na naman po siya nang-aakit na naman siya.

"Loko-loko ka talaga. Sige bilisan mo hah."

Tumayo siya at agad naman siyang pumunta sa cr. Itinuloy ko na lang ang pagkain ko. Atat na ata na ako mag-swimming kaya agad kong inubos itong pagkain ko.

"Oh you look familiar. Wait.. oh right. Ikaw yung boyfriend ko. Megan." Oo tandang-tanda ko talaga tong babaeng to. Siya lang naman yung nagpasok sa akin sa isang gulo.

"Yeah but there was never an us." Sarakastiko kong sabi.

"Oh Sarah G. Ang peg mo baby boy. Seriously, thank you dahil sinave mo ako sa nakakasakal kong ex."

"Nakakasakal ?"

"Yeah. Ayoko ng ganung boyfriend masyadong nakakasakal. Tingin ko nga para akong isang aso sa kanya eh." Naging seryoso ang aming pag-uusap.

"Alam mo ba kung paano ko siya naging boyfriend ?" tanong niya.

"Paano ?" Sagot ko.

"Yung mga panahon kasi na kailangan ko ng kadamay nandun siya sa tabi ko. Kaka-break ko lang kasi nun sa boyfriend ko. I fell in love with him dahil nga palagi ko siyang kasama and palagi niya kong kino-comfort." Teary eyed na siya.

"Oh I'm so sorry to hear that." yun na lang ang nasabi ko.

"Masyado ng seryoso ang pinag-uusapan naten. I have to go." Tumayo siya at pinunasan ang luha na tumulo sa kaniyang mga mata

Kaya pala ganun na lang siya ka-desidido na makipag-break kay Michael dahil hindi na pala niya kinaya ito.

Pagtayo niya ay agad namang dumating si Hero. Ewan ko pero parehas silang napahinto ng makita nila ang isa't-isa. Anong meron ? Pareho ko lang silang tinitigan.

Ilang minuto na ang nakakalipas pero tila gulat na gulat silang dalawa ng makita nila ang isa't-isa.

"M-m-magkakilala ba kayo ?" Ang bigla ko na lang pagsingit.

"Oo" Hero.
"Hindi." Megan.

Sabay silang sumagot. Ano ba talaga ? Magkakilala ba itong dalawang ito ?

"Hindi ko siya kilala. I'm so sorry but I think I need to go." Wala sa sariling sabi ni Megan at tsaka umalis sa restaurant kung saan kami kumakain.

"Tara na." Bigla akong hinawakan ni Hero ng mahigpit paalis ng restaurant.

Hila-hila niya pa din ako hanggang sa makalabas kami ng restaurant. Nagulat din ako sa asal nitong si Hero. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa akin kaya naman nasasaktan ako.

"H-hero teka nasasaktan ako."

Hindi niya ako pinansin. Ganun pa rin siya at diretso lang ang lakad habang hawak-hawak ako ng mahigpit.

Nainis na ako dahil nasasaktan na ako. Sobrang higpit ng hawak niya sa braso ko. Tila ako aso na hila-hila niya

"HERO ANO BA NASASAKTAN AKO." sigaw ko at tsaka nagpumiglas sa kanyang pagkakahawak kaya naman nabitawan niya ako.

Walang emosyon niya lang ako tinignan at tsaka umupo sa ilalim ng puno.

"Ano bang problema mo ?" Tanong ko.

"Wala." Maikli niyang sagot.

"Wala ? Oh my gosh Hero hindi ako tanga alam ko na may problema ka." Pagpupumilit ko.

"Bakit ba ang kulit mo sabi ko WALA nga ?" tumayo siya at iniwan ako.

Naiwan akong nakatulala dun. Ngayon ko lang siya nakitang galit. Nung nakita lang niya si Megan bigla siyang nagkaganun ? Naguguluhan ako sa mga naiisip ko. Baka magkakilala sila ni Megan. Ewan ko.

Siguro nung umihi siya kanina sa restaurant hindi niya napagpag ng maayos kaya badtrip yun. Charaught lang.

Hindi ko na lang siya sinundan kundi ay naglakad-lakad na lang sa dalampasigan.

Ang sayang pagmasdan ng mga taong nagtatampisaw sa dagat. Mga magkarelasyon na magkahawak kamay habang nakatingin sa dagat at mga batang naglalaro ng buhangin.

Sa aking paglalakad ay pinunta ako ng aking mga paa sa isang puno ng narra. Medyo malayo na ito sa aking resort. Walang tao tamang-tama sa mga taong gustong mag-isip.

"Kamusta ?"

Hindi lang pala ako ang nandito. Isang lalaking matagal ko ng hindi nakita, isang lalaking naging malaking parte ng aking nakaraan, Walang iba kundi si Jacob.

Lumingon lang ako sa kanya at ngumiti. Aminado pa rin akong  may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Mali ito, maling-mali na may nararamdaman pa rin ako sa kanya kung gayong may mahal na akong iba.

"Hindi mo na ba ako kilala Stanley ?" tanong pa niya.

"Hindi sa ganun. Nabigla lang ako nandito ka din pala." Sagot ko.

"Kahit din ako nagulat, hindi ko inaasahang makita kang muli." Sabi niya.

Parehas lang kaming nakatanaw sa dagat. Pinagmamasdan ang mga alon habang nakaupo sa ilalim ng puno.

"Kamusta ka ?" Tanong ko naman.

Bumuntong hininga siya bago sumagot.

"Heto nagsisisi sana naging matapang lang sana ako noon edi sana wala akong pinagsisisihan ngayon." Sagot niya.

Napakalalim ng kaniyang sagot. Ewan ko kung saan niya hinugot ang mga salitang iyon.

"Ikaw hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Kamusta ka na ?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang. Ayos na ayos." Sagot ko kahit alam ko naman sa sarili ko na hini ako maayos dahil nakita ko siyang muli.

Nalilito ako. Ewan ko pero tila bumalik ang nararamdaman ko sakanya pero kailangan ko itong pigilan dahil may Hero na ako.

"Kung niligawan ba kita noon sasagutin mo ko ?" Nagulat ako sa tanong niya.

Oo pinangarap ko na sana ay maging kami noon. Naniniwala ako na hindi yun ang tamang panahon para sa amin noon. At ngayon naniniwala pa rin ako na hindi na ito ang tamang panahon para sa amin.

Itinadhana lang kaming magkakilala para maging masaya ako saglit at para maranasan kung ano nga ba ang tunay na pag-ibig pero hindi kami itinadhana para maging kami.

"Alam mo naman kung gaano kita kamahal noon tiba ? Kaya kahit hindi mo itanong yan sasagutin kita kaso hindi na ito ang noon." mahaba kong sagot.

"Kung pwede nga lang balikan ang noon sana ginawa ko na para mahalin ka." Sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Wala akong ideya sa kung ano man ang pumapasok sa isip niya.

Wala na akong masabi. Nagi-guilty ako hindi ko alam kung bakit. Tumayo ako para umalis kaso tumayo din siya at agad akong hinawakan sa braso at agad akong NIYAKAP.

Hindi ko alam pero hinayaan ko lamang siyang yakapin ako. Namiss ko ito.

"Kahit saglit lang hayaan mo akong yakapin ka." Bulong niya sa akin habang ako'y yakap-yakap.

Kumawala ako sa kaniyang pagkakayakap.

"Pwese ba huwag mo na akong paasahin. Tapos na ako sa mga pangako mong hindi mo naman natupad. Pls Jacob pls .. ayoko na, ayoko ng umasa." Sabi ko at sabay na nilisan ang lugar na iyon.





Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon