Chapter 24 Stay with me forever

46 2 0
                                    

Hindi ko alam kung magagalit ako sa oras na ito. Ang init-init ng panahon bakit walang kuryente sa bahay ngayon. Nasan ba sila manang bakit tila walang tao dito. Don't tell me ninakawan kami ?

Nagulat na lang ako ng biglang may tumugtog na isang kanta.

Np: STAY WITH ME FOREVER.

Napakagandang awitin. Unti-unting nagliwanag ang bahay. Maraming mga puso ang nakasabit sa kisame ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa oras na ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Tuluyan ng nagliwanag ang buong bahay. Nakatayo ako ngayon sa isang heart shape na gawa sa mga petals ng bulaklak. Napaka-romantic at talagang kinikilig ako sa mga oras na ito.

Natapos ang kanta at lumabas na ang lahat ng tao na nasa bahay. Sila manang, si Queenie at si Hero.

Lumapit sa akin ni Hero at agad na ibinigay ang bulaklak na hawak niya. Nangingilid na ang mga luha sa aking mga mata.

Akala ko sa teleserye lang ito nangyayari ngayon ay posible din palang mangyari ang lahag ng ito sa akin. Sa tingin ko ay daig ko pa ang isang prinsesa ngayon.

Unti-unti siyang lumuhod sa aking harapan na talagang nagbilis ng tibon ng puso ko. Nakatitig lang ako ngayon kay Hero na seryosong-seryoso ding nakatingin sa akin.

"Matagal kong hinintay ang araw na ito Stanley. Ang araw kung saan maglalakas loob akong tanungin ka. Saksi sila manang at Queenie kung gaano ako kaseryoso sa iyo. Matagal na din tayong magkakilala at magkasama at alam mo din kung ano ang nararamdaman ko sayo."

Tinignan ko sila Manang at Queenie na mukhang kinikilig. Kanina kasama ko lang ito si Queenie pero hindi ko alam na in-charge pala siya sa pag-aayos dito.

"Stanley, Gusto ko na malaman mo kung gaano kita kamahal. Stanley, gusto ko akin ka lang, gusto ko ako ang maging rason ng mga ngiti at kilig mo." Napaka-seryoso niya.

Nakatitig lang ako sakanya. Unti-unting gumuhit ang mga luha mula sa aking mata.

Tumayo siya at hinawakan ang aking mga kamay.

"Pwede ba kitang maging boyfriend o girlfriend o kahit ano pa yan ?" Nakatitig pa rin siya sa aking mga mata.

Biglang tumahimik ang buong bahay. Lahat sila ay hinihintay kung ano ang magiging sagot ko.

Ngumiti lang ako sa kanya at sabay na niyakap siya ng mahigpit.

"Oo ang sagot ko." Bulong ko sakanya habang yakap-yakap siya.

Humiwalay siya sa pagkakayakap ko sakanya at niyakap niya din ako at itinaas.

"YESSSSSSSSS YESSSSSSSS I LOVE YOU STANLEY FINALLY NASABI KO DIN SAYO NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA" ibininaba niya ako at hinalikan sa aking noo, sunod ang ilong at ngumiti siya habang magkadikit ang aming mga ilong.

Hindi nagtagal ay agad ding dumampi ang kaniyang labi sa mga labi ko.

Ang sarap sa pakiramdam ng halik na ibinibigay namin sa isa't-isa. Amoy na amo ko ang kanyang hininga na talagang nagpapadala sa paghahalikan naming dalawa. Ang sarap amuyin at ang sarap ng kaniyang labi na napakalambot.

Bumitaw kami sa aming paghahalikan at sabay na humarap kila manang at kay Queenie. Hinawakan niya ang aking kamay at itinaas.

"He's mine now." Masayang turan ni Hero.

Hindi ko lubos maisip na kay Hero din pala ako mahuhulog. Napakabait at talagang responsable ang lalaking ito. Ano nga ba naman ang hahanapin ko ?

Sabay sabay kaming nag-dinner nila manang at Queenie. Malalim na din ang gabi kaya napagdesisyunan ko ng matulog kasama si Hero. Si Queenie naman ay uuwi na din at sila manang naman ay nauna ng matulog.

Pagpasik pa lang namin ng kwarto ay agad na akong sinunggaban ng halik ni Hero. Hindi katulad kanina ang halikan namin kanina dahil mas nag-init pa ang paghahalikan naming dalawa na tila ba sabik na sabik sa isa't-isa.

Inihiga niya ako sa kama ng hindi binibitiwan ang aking labi. Nakapatong siya sa akin at tumingin ng napakaseryoso.

"I love you Stanley." bulong niya sa akin.

"I love you too." At sabay akong ngumiti.

Muli na naman niya ako sinunggaban ng halik. Hindi kami nagsasawa sa labi ng isa't-isa. Masaya naming pinagsasaluhan ang malalambot na labi naming dalawa.

Humiga siya at ginawang unan ang kaniyang mga braso habang ako naman ay nasa tabi niya at ginawang unan ang kaniyang dibdib.

Magka-holding hands kami sa ganoong posisyon. Masayang pinagsasaluhan ang moment na ito. Ang moment kung saan unang araw namin bilang isang magkasintahan.

Nakatulog kami sa ganoong posisyon. Maaga akong nagising at pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog.

"Matagal ko hinintay ang araw kung saan may lalaki din na handa akong mahalin. Never in my wildest dreams na magiging boyfriend kita. Noon kasi kaibigan lang ang tingin ko sayo pero ng nagsimula kang magtapat ng nararamdaman sa akin doon ako nagumpisa na magkagusto sayo. Alam mo naman kung ano ang nakaraan ko noon. Ngayon iniisip ko kung naging kami ba ni Jacob kami pa rin hanggang ngayon ? Nandiyan ka na Hero kaya ipinagkakatiwala ko sayo ang puso ko. Hindi naman kita sasagutin kung hindi kita mahal tiba ? Mahal kita Hero. Hindi nga lang katulad ng pagmamahal na ibinigay ko kay Jacob." Sabi ko habang nakatitig at pinagmamasdan siyang matulog.

Dahan-dahan akong tumayo sa kama upang hindi siya magising. Agad akong tumungo sa kusina para magluto ng almusal. Gusto ko kasing pagsilbihan si Hero.

Nang matapos ko ng lutuin ang almusal ay agad na akong umakyat sa kwarto. Gising na siya ng madatnan ko siya. Inilapag ko sa side table ang almusal namin.

Hinalikan ko siya ng mabilis sa kaniyang labi na siya namang nagngiti sa kanya.

"Good morning mahal." Sabi ko.

"Good morning din mahal." Sabi naman niya ng nakangiti.

Kinuha ko ang tray na may laman na pagkain at tsaka ko siya sinubuan ng bacon.

"Kumain ka na mahal." Sabi ko at sabay kuha ng bacon.

"Ikaw naman masyado kang sweet. Kinikilig tuloy ako." Napansin ko ngang namumula ang kaniyang pisngi.

Natuwa ako sa reaksyon niya kaya naman kinurot ko ang kaniyang pisngi.

Hanggang sa almusal ay pinagsaluhan din namin ang pagmamahalan ng bawat isa. Share kaming kumain sa iisang plato at ganun din sa pag-inom ng mainit na kape.

"Oo nga pala mahal pupunta pala ako sa resort bukas sa pangasinan, bibisitahin ko lang yung resort tagal ko na ding hindi nakapunta dun eh." Sabi ko habang hinuhugasan ang aming mga pinagkainan.

"Sasama ako." bulong niya sa akin habang nakayakap sa aking likudan.

"Sigurado ka ba ? Wala ka bang gagawin bukas ?" Tanong ko.

"Naka-leave ako sa office ngayon. Gusto mo ba samahan na din kita hanggang pagtanda." Asdfghjklzxcvbnm ewan ko pero lihim akong napangiti sa kanyang sinabi. Kinilig ako sa mga sinabi niya.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon