Stanley's POV
Mas napapadalas ang pag-uusap namin ni Jacob Sa facebook at hanggang sa text. Binigay niya kasi ang number niya sa akin na talagang nagpasaya sa akin. Tingin ko nga ay close na close na talaga kami sa isa't-isa.
Pagkagising ko pa lang ay agad ko nang kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa mini table malapit sa aking kama. Tinext ko na agad siya.
Ako: Good morning Jacob :)
Isang oras na ang lumipas ngunit hindi pa din nagrereply si Jacob. Napalitan ng masasayang ngiti ang aking mga labi ng makatanggap akonng text mula sa kanya.
Jacob: Good morning din stanley. Sorry kung ngayon lang nakapag-reply kakagising ko lang. Kumain ka na ba ?
Hindi ko na naman maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa tuwing nakakausap ko si Jacob. Tingin ko ay lumulutang ako sa langit sa sobrang saya.
Ako: Hindi pa ako kumakain. Ikaw kumain ka na huwag kang magpapagutom hah.
Jacob: Sige text na lang kita mamaya pagkatapos kong kumain. Ikaw din huwag magpapagutom :)
Tila kami mag-karelasyon sa mga palitan namin ng salita sa text. Sobrang sweet niya pala sa text, paano kaya sa personal ? Sweet din ba siya ?
Muli kong naalala, pasukan na pala bukas. Ibig sabihin lang nun ay magkikita kaming muli ni Jacob. Paano ko siya haharapin ? Nahihiya ako.
Linggo ng gabi at pasado ala-otso na ngunit wala pa rin akong natatanggap na text galing kay Jacob.
Siguro ay maagang natulog yun dahil nga may pasok na bukas.
Jacob: Stanley, pasensya na kung ngayon lang ako nakapagtext. Good night maaga kasi akong matutulog.
Nag-text na si Jacob. Tama nga ang nasa isip ko, maaga siyang matutulog dahil may pasok na bukas.
Isang ngiti ang gumuhit mula sa aking mga labi. Ngiti na hindi katulad ng dati ay sobrang lawak. Nalulungkot ba ako dahil hindi ko nakausap si Jacob ?
Maaga akong gumising, excited dahil may pasok na at muli kong nakikita si Jacob. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagsimula ng itext si Jacob.
Ako: Good morning Jacob :)
Hindi na ako naghintay ng reply ni Jacob at agad akong kumilos para mag-ayos.
Alas otso ng maaga ng makarating ako sa eskwelahan. 8:30 pa kasi ang pasok ko kaya umupo muna ako sa may bandang hallway. Tahimik kong pinagmasdan ang mga estudyante na naglalakad kasama ang kanilang mga kaibigan at ang iba naman ay ang kanilang mga karelasyon.
Tinignan ko ang gate at ganun din ang nakita ko. Patuloy kong pinagmasdan ang mga estudyanteng punapasok mula sa gate. Hanggang sa ang iluwa ay ang lalaking nagpapatibok ng puso ko, si Jacob.
Nagkatinginan kami. Muli na namang bumagal ang takbo ng oras ko. Muli ding bumagal ang takbo ng mundo ko.
Patuloy lang ang aming titigan habang siya ay naglalakad at papalapit sa akin. Agad kong binawi ang tingin ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Papalapit na siya sa kinauupuan ko.
Mabilis siyang naglakad at agad akong nilagpasan. Muli siyang lumingon at agad akong nginitian.
Parang may karera na naman mula sa aking dibsib. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at naramdaman kong namumula o nag-iinit ang aking mukha.
Isang napakalawan din na ngiti ang ibinigay ko mila sa kanya.
Hanggang sa aking mga klase ay ganun pa din ang iniisip ko. Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa library.
"Parang ang saya-saya mo ngayon at ayaw maalis ng mga ngiti diyan sa labi mo. Anong meron ?" Sabi ni Tracey habang hawak-hawak ang libro na kinuha niya malapit sa inuupuan namin.
"Siguro in love to." Si Alexa at agad akong tinuro.
Nagkatitigan lang kami ni Queenie at sabay na ngumiti. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din masabi sa mga kaibigan ko ang tinitibok ng puso ko.
Maya-maya ay biglang nag-ring ang aking cellphone.
Jacob: Nakita kita kanina at alam ko na nakita mo din ako kanina. Sorry kung ang bilis ko kanina maglakad nagmamadali kasi ako kanina. Hindi tuloy kita nakausap.
Sa isang text niya pa lang ay napapasaya na niya ako. Isang ngiti na naman ang gumuhit mula sa aking mga labi.
Mamaya ko na siya rereplayan kapag nakauwi na ako. Nag-aabang na kami ni Queenie ng masasakyang jeep. Sila tracey naman ay nakasakay na ng kanilang jeep.
Isang sasakyan ang huminto mula sa aming harapan.
"Stanley, samahan mo ko may pupuntahan tayo ?" Pag-aya sa akin ni Jacob.
Tinignan ko si Queenie. Isang napakalawak na ngiti ang ibinigay niya sa akin na tila ba ay nakakaloko.
"Bilisan mo na. Go na. Sayang yan date niyo na yan eh." Bulong sa akin ni Queenie.
"Huwag kang mag-alala wala akong gagawing masama sayo Stanley. We're friends right ?" Sabi ni Jacob na nagpakabog na naman sa puso ko.
"P-paano ka ?" Maikli kong tanong kay Queenie.
"Ayos lang ako don't worry diyan lang naman ang bahay ko eh. Go na Stanley alam kong matagal mo ng hinihintay tong pagkakataon na to." Bulong muli sa akin ni Queenie.
Tutal ay gusto ko din naman to, kaya naman ay nagpaalam na ako kay Queenie at agad na sumakay sa front seat kasama si Jacob.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Rastgele"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...