'Umpisa na ng bakasyon ibig sabihin lang nun ay matagal kitang hindi makikita. Eto na din yung oras para magpakilala sa iyo Jacob Mathew Santos. Iba yung tama mo sa akin. Sana dumating yung araw na maging close tayo. Tatambay na lang muna ako siguro sa facebook mo para hindi kita mamiss. Ingat ka palagi.
Stan
Bsba
Freshman'Sa mga sumunod na araw ay ganun din ang ginagawa ko. Nagco-confess pa rin ako sakanya. Hindi ako nagsasawang mag-type para lang mapansin niya ako.
Hindi ko na din binabasa yung mga comments dahil magpapakilala din naman ako sakanya.
Sabado ng gabi ng maisipan kong muling mag-confess para sa kanya.
'Hindi kumpleto ang mga araw ko sa tuwing hindi kita nasisilayan Jacob Mathew Santos. Palagi lang akong nandito sa kwarto ko. Sana dumating yung araw na makakasama kita at makakatawanan kita. Dito ko na lang muna sa page na'to sasabihin ang mga nais kong sabihin sayo. Hindi ko alam kung anong meron ka at bakit ba ako nahuhumaling sayo. Sana mapansin mo na ako.
Stan
Bsba
Freshman'Hinintay ko ulit ang mga araw na maipost itong muli sa page. Mas madami pang oras ang iginugugol ko sa internet. Nagbabakasakali na muli akong mapansin ni Jacob.
Kakatapos lang ng pasko at malapit ng magbagong taon. Eto na siguro yung huli kong confession para kay Jacob. Magpapakilala na din ako sakanya bago mag-bagong taon.
'Kakatapos lang ng pasko. Merry Christmas sayo Jacob at Happy new year na din sa iyo. Sa tuwing naiisip ko itong mga ginagawa ko ay natatawa na lang ako. Ganito ba talaga kapag in love ? Kung ganito, hindi ako magsasawang mag-confess para sayo. Hindi na ako makapaghintay dahil muli na naman kitang makikita. Eto na nga pala ang huling confession ko para sa iyo.
Stan
Bsba
Freshman'Eto na nga ang huli kong confession para sa kanya. Bukas na bukas ay magpapakilala na din ako sakanya. Hindi ko na iniisip kung maniniwala ba siya ? Matutuwa o magagalit ? Wala na akong pakelam ang gusto ko lang ay makilala niya ako at malaman niya ang nararamdaman ko sakanya.
"Kamusta ka naman ngayong bakasyon ? Tignan mo nga at tinatagyawat ka na kakapuyat dahil diyan sa Jacob mo." Singhal sa akin ni Queenie.
Nandito kami ngayon sa isang mall. Sinusulit na namin ang mga huling araw ng bakasyon dahil sa susunod na linggo ay pasukan na naman.
"Alam mo naman na dito lang naman ako masaya tiba ?" Sagot ko naman sakanya.
"Mas marami ka pang oras sakanya. Mas mabuti kung ipahinga mo muna yang nararamdaman mo sakanya baka masaktan ka niyan ikaw din."
"Kung siya ang magiging rason para masaktan ako ayos lang. Mahal ko siya eh." Umupo kami sa food court dala-dala ang pagkaing inorder namin.
"Kapag nasaktan ka tsaka ka lang matututo." Dugtong pa niya.
"Kelan mo naman balak magpakilala sa kanya at paano ?" Tanong niya habang kumakain ng strawberry sundae na binili namin sa mcdo.
"Mamaya. Mamaya ako magpapkilala sakanya. Paank ako magpapakilala ? Sa facebook dahil dun ko naman inumpisahan yung paglalahad ko sakanya ng nararamadaman ko." Sabi ko habang nilalaro ang tissue na hawak ko.
"Goodluck." Maikling turan sa akin ni Queenie.
Alas-otso na ng gabi at kakauwi ko lang galing sa mall. Binuksan ko ang laptop ko. Eto na ang oras para makilala niya ako.
Nakita ko ang pangalan niya sa mga naka-online sa fb. Hindi na ako nagdalawang isip, nag-message na agad ako sakanya. Nanginginig ang mga kamay ko.
Ako: Hi :)
Jacob: Hi din po :)
Ako: May gusto kasi akong sabihin sayo.
Jacob: Ano yun ?
Eto na talaga. Eto na talaga. Eto na kinikilig na ako. Sasabihin ko sa kanya na ako yung nag-confess sakanya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya.
Ako: Gusto ko lang sabihin sa'yo na ako yung nag-confess tungkol sayo.
Jacob: Ah ikaw pala yun. Paano mo ko nagustuhan ?
Ako: Hindi ko alam pero bigla ko na lang naramdaman to ng makita kita sa foodcourt malapit sa school.
Napatakip ako ng bunganga. Hunahaba na din ang mga palitan namin ng salita. Kinikilig ako. Grabe na to.
Jacob: Hahaha. Oo ikaw nga yun. Yung grabe ako titigan para ata akong kriminal sayo nung araw na yun.
Naglulundag ako sa kama ko dahil naaalala niya pa pala yung araw na yun. This guy knows how to make me happy.
Ako: Wala namang kaso sayo kung bakla yung nagkakagusto sayo ?
Tanong ko sakanya. Hinawakan ko ang mga pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang amgiging reaksyon niya mula sa aking tanong.
Jacob: Wala naman.
Sa maikli niyang sagot ay hindi ko na napigilan magtatakbo sa aking kwarto. Sa sobrang saya ko ay nagtitili pa ako naalala ko na tulog na pala ang mga tao sa bahay.
Humaba pa ng humaba ang aming usapan hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Jacob: Good night matutulog na ako.
Ako: Sige Good night and sweet dreams.
Ganito pala ang pakiramdam ng umibig. Ang saya pala sa pakiramdam ng matutulog ka ng may mga ngiti sa labi. Kung panaginip lang ito ayoko ng magising.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Random"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...