Chapter 32 The painful ending

112 2 1
                                    

Sa mga nakalipas na taon ay madami ng nagbago. Si Megan at Hero ay ikinasal na at nagkaroon na ng sariling pamilya. Ganun din si Jacob at Yngrid, sino nga bang makakapag-sabi na sila din pala ang magkakatuluyan. Ayun may dalawa na silang anak at kinuha pa akong ninong.

Pagkatapos ng binyag na aking mga inaanak ay agad na akong lumipad papuntang Canada dahil dun na naninirahan si Mama si Ate Melissa.

Nakalimutan ko din na may pamangkin na pala akong 18 anyos na si Nathan. Oo sa dami ba naman ng taon na nagdaan ay marami na talagang nangyari. Nandyan na yung tumanda ako at kumulubot na ang aking mga balat at nagsimula na ding lumabo ang aking mga paningin.

Ngayon, nandito ako sa aking kwarto. Ilang taon na ako sa kwartong ito at talagang pagod na pagod na ako kakahiga. Sa katawan ko ba namang ito na medyo nanghihina na ay kailangan ko na din ng pahinga.

Lahat ng mga nangyari sa akin ay hanggang ngayon ay dala-dala ko pa din hanggang ngayon. Minsan ay napapaiyak na lang ako dahil sa mga naiisip ko pero wala na akong magagawa dahil ayun na ang desisyun ko. Desisyun na hanggang ngayon ay kahit paano ay naging masaya ako. Naging masaya ako dahil naging maganda ang resulta ng desisyun kong bitawan si Jacob at Hero.

Sa pamangkin ko na may isip na ay aking ikiniwento ang pag-iibigan namin ni Jacob hanggang sa aking naging desisyon. Wala akong nilagpasan na naganap sa aking buhay pag-ibig noon. Lahat ay ikinwento ko sa kanya hanggang sa mapaiyak na ako na siyang ikinagulat niya.

"Bakit ka umiiyak tito ?" Tanong ni Nathan sa akin.

Pinunasan ko na lang ang mga luha na tumulo mula sa aking mga mata.

"Naaalala ko lang kasi yung mga panahong kasama ko pa si Jacob. Yung mga panahong humihingi siya ng ikalawang pagkakataon at ibalik namin muli ang naudlot na pagmamahalan namin." Mahaba kong sagot.

Napakatagal na pangyayari na yun pero hanggang ngayon ay tumatagos pa rin sa puso ko ang mga alaala namin ni Jacob. Wala na akong ibang minahal kundi si Jacob lang.

Hindi na ako muli nagmahal dahil alam ko din naman na hindi para sa akin ang pag-ibig.

"Bakit po hindi nyo si binigyan ng ikalawang pagkakataon ?" Tanong pa ni Nathan.

Umupo ako sa aking kama at sumandal sa headboard ng aking kama.

"Umpisa pa lang alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundong ito, yun ay maging instrumento para maging masaya ang mga taong nasa paligid ko." Makahulugan kong sagot.

Napansin kong kumunot ang noo ni Nathan kaya napatawa na lang ako.

"Minsan ang pag-ibig napaka-selfish. Pero hindi ako kailanman naging selfish dahil mas pinili ko na maging masaya ang Tito Hero at Tito Jacob mo, tignan mo sila may sarili na silang pamilya and I'm happy for them. Kung hindi ko binitawan si Hero sa tingin mo magiging masaya ba siya ngayon ?" pagpapatuloy ko pa.

Kinuha ko ang gatas na nakalagay sa sidetable ng aking kama.

"Mahal na mahal nila ang isa't-isa ng Tita Megan mo kaya mas pinili kong ilet go si Hero dahil yun yung tama at dahil doon siya magiging masaya." Dugtong ko pa.

"How about Tito Jacob and Tita Yngrid ?"

"The day na magkaroon kami ng huling pag-uusap ni Jacob bago ako umalis ng resort, I saw Yngrid na nakatayo at nagtatago sa puno. Nakita ko ang mga mata niya na puno ng kalungkutan ng yakapin ako ni Jacob. Nakita ko din mismo sa mga mata niya ang pagmamahal niya kay Jacob." Paliwanag ko.

Oo, simula pa lang at ng makita kong muli si Yngrid at Jacob ay doon ko napansin ang LOVE sa mga mata ni Yngrid. Hindi naman siya papayag na magpanggap na girlfriend ni Jacob kung hindi niya mahal si Jacob hindi ba.

Year 2012, 4 years ago. Tinawagan ako ni Yngrid. Nasa Cebu sila ng mga araw na iyon. Sinabi niya na lubos siyang nagpapasalamat dahil hinayaan kong mapunta ang pinakamamahal kong si Jacob sa kanya. Sound Sarcastic right ? At doon ko lang nalaman na ikinasal na pala siya at nagdadalang tao na para sakanilang panganay.

"Kahit hindi pa ako nagkakaroon ng Love life Tito, alam ko na sobra sobra kang nasasaktan." At binigyan niya ako ng isang yakap.

"Kaya kapag magmamahal ka gawin mo ang lahat ng makakaya mo. Huwag mo kong gahayahin na nagsisisi dahil hindi ko binigyan ng ikalawang pagkakataon si Jacob." Bulong ko sa aking pamangkin.

Hanggang ngayon ay sa mga picture ko na lang sila nakikita dahil nga nandito ako sa Canada kasama si Ate Melissa, Si mama and Nathan.

Sadyang mapaglaro ang tadhana, hindi natin alam kung kelan siya makikipaglaro sa atin. Tadhana na sumubok sa pagmamahalan namin ni Jacob. Bakit ko nga ba iniwan si Jacob ? Dahil wala naman kasing kasigaraduhan na hanggang ngayon pa rin ay magiging kami.

Ang pag-ibig ay parang isang sugal. Itataya mo ang puso mo at malalaman mo lang na talo ka kapag nasaktan ka na at iniwan ka ng taong pinakamamahal ko pero katulad sa ibang laro may pagkakataong bumawi at ayun ang hindi ko nagawa. Ang bumawi.

The End.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon