Dinala niya ako sa isang restaurant malapit sa park. Base sa aking mga nakikita at nao-obserbahan, mukha namang hindi kamahalan itong restaurant na kinakainan namin. Afford ko naman pero mas mukhang afford niya dahil siya na daw ang magbabayad.
Inihain na sa amin ng waiter ang mga inorder niya. Nahihiya ako, ang dami niya naman kasing inorder.
kumain na kami ng bigla siyang mag-open ng conversation."So paano mo ko nagustuhan ?" Walang ano-ano ay agadan niyang itinanong sa akin ang tanong na yan. Kamuntik na tuloy akong mabulunan.
"Bigla ko na lang naramdaman to. Yung unang araw na nakita kita, Everything turns into a slowmo, My whole world turns into a slowmo." Sabi ko ng hindi ko man lang siya tinitignan ngunit galingsa puso kong sagot.
"Don't be shy, look at me." May atoridad niyang sinabi sa akin.
Walang ano-ano ay tinignan ko siya sa kanyang mga mata. Mga mata niyang nangungusap. Mga mata niya na tila ba ay kinikontrol ako at nanghihipnotismo.
Maya-maya ay tumawa siya. Kumunot ang noo ko. Is there something wrong on my face ?
"Why are you laughing ?" Tanong ko sakanya.
"Nothing Stan. You're cute." Sinabi niya sa akin yan ng nakatitig sa aking mga mata.
Muli, muntik na naman ang mabulunan.
Naramdaman kong umiinit ang pisngi ko. Namumula na ata ako base sa repleksyon ko sa baso na kaharap ko.Nag-umpisa na namang manginig ang mga tuhod ko kahit na nakaupo ako. Nag-umpisa na ding pumintig ang puso ko ng sobrang bilis. Hinawakan ko na lang anh aking mga kamay.
"Huwag ka ngang ganyan Jacob. Palabiro ka pala sa perosonal."
"No I'm not joking Stan. You're cute and that's true." Seryoso niya pa ring sinabi sa akin with matching smile pa.
Ano ba ito ? Panaginip lang ba ito ? Ayoko ng magising kung panaginip lang ito. Para akong nasa alapaap dahil sa mga sinabi ni Jacob.
Nang nakita kong ngumiti siya tingin ko ay ang mga mata ko biglang naghugis puso. Ang sarap pagmasdan ng mga ngiti niya. Mas lalo akong nahuhulog sa lalaking ito.
Tapos na kaming kumain at heto kami naglalakad at hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng aming mga paa.
"Oh Wait." Napahinto kami sa gitna mismo ng kalsada.
Iniharap niya ako mula sa kanya. Nakatitig siya sa mga labi ko. Hindi ako makagalaw tila ako nanigas sa mga titig niya
Inilagay niya ang kanyang thumb mula sa aking mga labi. Eto na ba yun ? Hahalikan niya na ba ako ? Hindi pa ako ready.
"Look. May gravy ka pa sa lips mo." Sabay pakita niya ng gravy na nasa thumb niya.
Sa sobrang hiya ko ay hindi na ako nakapagsalita o kahit simpleng thank you man lang.
"Akala mo siguro hahalikan kita." Sabi niya at sabay na humagalpak sa kakatawa.
Sa inis ko ay nahampas ko siya dahilan para tumigil siya sa pagtawa.
"Happy ka hah ?" Sabi ko.
"Aray ko hah. Bakit mo ko hinampas ?" Tanong niya.
"Nakaka-inis ka kasi." Sabi ko at agad na nag-lakad ng mabilis.
Naglalalakad na ako ng bigla niya akong hawakan sa aking kamay dahilan para humarap sa kanya.
"Ok Stan. Sorry." Sabay puppy eyes.
Natawa na lang ako sa ginawa niya. This guy makes me how to smile.
"Sus, ikaw pa ba ? Oo na hindi na ako galit." Sabay kurot sa kanyang pisngi.
Naglakad lang kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa perya. Madaming tao at madami ding rides ang nagkalat.
Hindi namin napansin na kanina pa pala magkahawak ang aming mga kamay. Palihim akong ngumiti. Ang saya pala sa pakiramdam na kahit wala kaming relasyon ay feeling ko secured ako sa piling niya.
Sinakyan namin ang lahat ng rides na meron sa perya. Octopus, horror train, ferris wheel. at kahit carrousel ay sinakyan namin.
Matapos kaming sumakay sa mga rides ay nakakita kami ng mauupuan. Tahimik lang namin na pinagmasdan ang mga bituin sa langit katulad ng ginagawa kk tuwing gabi.
"Alam mo, pagkatapos kong mag-type ng confession about sayo tumitingin ako sa mga bituin." Sabi ko habang tanaw-tanaw ang mga bituin sa langit.
"Sa dinami-dami ng taong magugustuhan mo bakit ako pa ?" Tanong niya sa akin.
"Kapag nagka-gusto o kapag nagmahal ka sa isang tao hindi naman importante yung rason mo kung bakit at paano mo siya nagustuhan eh, paano kung yung rason na yun kung bakit mo siya minahal ay mawala ? Mawawala din ba yung pagmamahal mo sa kanya ? Kapag tinamaan ka sa taong ayaw mo o sa gusto mo, wala ka ng magagawa kundi mahalin siya kasi yun yung magic ng love. Walang halong pandaraya, walang halong panloloko." Sinsero kong sabi sa kanya.
Nakikita ko mula sa gilid ng aking mga mata na nakatitig siya sa akin. Tumingin ako sakanya at ngumiti.
"Ang swerte ng mamahalin mo kung ganon." Maikli niyang sagot.
"Edi swerte ka, kasi ikaw yung mahal ko." Tinignan ko siya ng saglit at ngumiti at muli kong ibinalik ang mga mata ko sa mga bituin na nakakalat sa kalangitan.
Mga ilang minuto din kaming walang imik. Walang nais magsalita. Patuloy lang kami sa ganung posisyon, nakatingin sa mga bituin o di kaya ay nakatingin sa mga taong naglalakad sa kalsada.
"Are you one of them ?" Tanong niya na nagbasag sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Isang tingin lang na nagtatanong ang ibinigay ko mula sa kanya.
"I mean, isa ka ba sakanila na sasaktan at iiwan lang ako ?" Tanong niyang muli.
"Hindi ko gagawin yun sa taong mahal ko. Hindi bale ng ako ang masaktan huwag lang yung taong mahal ko." Makahulugan kong sagot na nakatitig mula sa mga mapupungay ng mga mata.
"Sana nga." Maikli niyang sagot.
Matapos ang mahaba naming usapan ay napag-desisyunan na naming umuwi. Halos ilang oras din pala kaming magkasama.
Nakauwi na ako dahil hinatid niya ako. Hindi na siya pumasok sa bahay dahil hinahanap din daw siya sa kanilang bahay.
Pagpasok ko pa lang sa bahay ay agad na bumungad ang ate ko na galing ng ibang bansa. Si Ate Melissa. Maganda, mahaba ang buhok at tisay.
"Where have you been ?" Tanong nito sa akin sabay na niyakap ako.
"It's been a long time ate kamusta ka na ?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Just answer my question Stan, Where have you been ?" Tanong pa ulit ni Ate Melissa sabay bigay sa akin ng isang basong iced tea.
"Nakipag-date. Ok Ate Good night." Mabilis akong lumakad paakyat ng kwarto. Sigurado ako na gigisahin ako ni Ate Melissa at pipiliting sagutin ang mga tanong niya. Mas mabuti ng iwan ko siya dun sa sala.
Ayoko ng matapos ang araw na ito. Sobrang saya ng makasama ko halos buong araw ang taong aking pinakamamahal. Si Jacob.
Maya-maya ay naka-receive ako ng text mula kay Jacob.
Jacob: Thank you sa oras kanina. Til' next time. Good night and sweetdreams Stan :)
Muli na naman akong napangiti at naglulundag sa kama sa sobrang kilig.
Ako: Mas napasaya mo ko Jacob. Til' next time ? Basta ikaw. Good night and sweet dreams :)
Humiga ako sa kama at nakatitig sa lamang sa kisame. Kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Ikaw na kaya Jacob ?
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Casuale"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...