Chapter 4 Imagination

74 5 0
                                    

Stanley's POV

'Jacob Mathew Santos, nakita na naman kita. Ibang klaseng pakiramdam na naman ang gumapang mula sa aking mga sistema. Nanginig ang aking mga tuhod at bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko na mawari kung pag-ibig na ba ito o infatuation lang. Palagi na kasi kitang hinahanap at inaabangan, nagbabakasali na masulyapan ang isang katulad mo. Oo nga pala, nalalapit na ang Christmas break pero hindi mo pa ako nakikilala. Huwag kang mag-alala magpapakilala din ako sayo. Ingat ka palagi. Gusto ko lang malaman mo na ang saya-saya ko sa tuwing nasusulyapan kita. Ilang segundo lang kitang nakita pero sa tingin ko ay buo na ang 24oras ko.

Stan
Bsba
Freshman'

Kakauwi ko pa lang ay agad na akong dumako sa laptop at itinype ang mga gusto kong sabihin. Sana ma-ipost din agad itong confession ko kay Jacob. Ano kaya ang magiging reaksyon niya ?

Muli ko na namang tinignan ang facebook niya nagbabakasakali na baka meron siyang bagong post.

Wala siyang bagong post pero naka-online siya. Ayoko munang i-chat siya dahil hindi pa naman niya ako kilala.

Muli na naman akong tumitig sa mga bituin. Tahimik ko silang pinagmasdan at muli na namang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

Napansin ko din na tila hugis puso ang pagkaka-ayos ng mga bituin sa kalangitan.

May isang bagay ang pumasok sa aking isipan. Isang bagay na kinatatakutan ko. Paano kung katulad ng ibang mga lalaki ay pag-tripan niya din ako. Paglaruan o perahan ?

"Hindi ko hahayaang gawin niya sa akin ang mga bagay na iyon. Kikilalanin ko muna siyang mabuti. Ayokong masakatan pero alam ko naman na kapag nagmahal ka handa ka dapat na masaktan." Bulong ko sa aking sarili.

Ganito naman talaga ang buhay kapag isa kang bakla. Swerte mo na lang kapag may isang lalaking tinuring kang parang isang babae.

Muli kong binuksan ang facebook ko gamit ang cellphone ko. Muli kong tinignan ang Confession page ng school at muli na namang nagningning ang aking mga mata sa nakita ko dahil nakapost na agad ito at napansin ko din na marami ding comments and likes.

'Iba ka na talaga jacob'

'kinonfess mo na naman ang sarili mo.'

'Jacob, baka siya na ang the one mo.'

Iilan yan sa mga comments na nabasa ko pero iisa lang talaga ang comment na tumatak sa puso at isip ko, ang commeng ni Jacob.

'Sana siya na nga ang the one. Magpakilala ka na hehe.' Comment niya na talaga namang nagpaningning sa aking mga mata.

Eto na ba ang oras para magpakilala sa kanya ? Pero muli na naman akong nagdalawang isip. Napagdesisyunan ko na sa mismong Christmas break na ako magpapakilala.

Hindi ko mapigilan na hindi matuwa at kiligin. Napakasaya ko dahil sa mga comments ni Jacob mula sa aking post. Napaisip tuloy ako, swerte siguro ang magiging karelasyon nitong si Jacob. Yan yung unang bagay na pumasok mula sa aking isipan kahit hindi ko pa siya nakikilala ng lubos tingin ko ay napakabait at maalaga nitong si Jacob.

"Halika, sumakay tayong ferris wheel." Pag-aya sa akin ni Jacob.

"Pero natatakot ako. Takot ako sa matataas Jacob." Natatakot na sabi ko.

"Huwag kang mag-alala ako ang bahala sayo." Sabay lahad niya ng kamay sa akin.

Ang lambot ng kaniyang kamay. Ang sarap hawakan. Tila ba hindi ka magsasawang hawakan ang kaniyang mga kamay araw-araw.

Nakasakay na kami ng ferris wheel. Mas lalong humigpit ang kaniyang kamay ng nakita niya akong natatakot.

"Huwag kang matakot nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Titig na titig siya sa aking mga mata.

"Hindi mo ko iiwan ? Dito ka lang sa tabi ko ?" Tanong ko sakanya.

"Hinding-hindi kita iiwan pangako." Seryoso niyang sabi sa akin.

Yayakapin ko sana siya ngunit naramdaman ko na lang na biglang may humampas mula sa aking braso na nakalagay mula sa aking baba dahilan para bumalik ako sa realidad.

"Gabing-gabi na at hindi ka pa natutulog. Ano ba yang iniisip mong bata ka ?" Pansin ni nanay.

Umayos ako ng upo mula sa aking kama at nag-umpisang magpaliwanag kay nanay.

"Iniisip ko lang po kasi yung sa aming dalawa ng crush ko." Kinikilig ko pang sinabi.

"Naku sinasabi ko sayo kung sino man yang lalaki na yan na crush mo, layuan mo na yan. Alam mo naman na ayaw ko na masaktan ka hindi ba ?" Paliwanag ni nanay.

"Nay, crush ko pa lang naman po siya." Sabay hawak ko sa kamay ni nanay 

"Yung crush na yan pwedeng maging love yan pero kung saan ka masaya anak suportado kita basta alam mo dapat ang mga limitasyon mo."

Hindi na ako nakasagot. Niyakap ko na lang si nanay. Ang sarap sa pakiramdam na may nagbibigay ng advice sayo at yun yung nanay mo.

"O sige matulog ka na ituloy mo sa panaginip mo yung naudlot na pag-iibigan ng crush mo kung sino man yan." Biro ni Nanay.


Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon