Chapter 12 Where is Jacob ?

58 4 0
                                    

Mabilis ang araw na lumipas at ilang linggo na lang ay graduation na ni Jacob. Marahil ay marami lang siyang ginagawa kaya hindi siya nakakapag-text o nakikipagkita man lang sa akin.

Kahit simpleng text lang ay hindi siya makapagpadala sa akin. Tatlong linggo na, oo at tatlong linggo na simula ng hindi na siya magparamdam sa akin.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at itinext ko siya kahit na nandito ako sa aking klase.

'Kamusta ? Hindi ka na nagpaparamdam sa akin. I miss you Jacob.'

Text ko sakanya at muli kong ibinalik ang cellphone ko sa aking bulsa.

Natapos ang aking klase ngunit wala pa rin akong text na natatanggap galing kay Jacob. Ano bang meron at hindi man lang niya ako magawang itext ?

"Bakla kanina ka pa tulala. Anong meron ? May sakit ka ba ?" Sabay hipo ng aking noo. Si Tracey.

"O baka naman may hindi ka sinasabi sa amin ?" Pagpuna sa akin ni Alexa.

"W-wala ano namang itatago ko sa inyo ?" Ang pagbaling ko sakanila.

"Baka naman kasi pagod lang tong si Stanley." Ang pagsingit naman ni Queenie.

"Oo tama pagod lang ako hehe." Wala ko sa sariling sabi.

Tingin ko ay hindi ko kayang magpanggap na masaya pero kaya ko naman ngumiti. Ang dami kong naiisip kung bakit hindi nagpaparamdam si Jacob. May girlfriend na ba siya ? Ayaw niya na ba sa akin ? Nagsasawa na ba siya sa akin ? Iiwan niya na ba ako ?

Ang dami kong tanong sa isip ko. Napasabunot na lang ako sa sarili ko.

Umuwi na si Alexa at Tracey dahil mag kanya-kanya silang lakad at kami na lang ni Queenie ang naiwan. Nandito kami ngayon sa Sm para tumingin lang kung ano ang mga pwedeng mabili.

"Ano ba kasi yang nangyayari sayo ? Kasama nga kita pero parang wala ka naman." Pagpuna sa akin ni Queenie.

"Tatlong linggo na kasing hindi nagpaparamdam sa akin si Jacob. Paano ako magiging masaya ?" Maiyak-iyak kong sabi.

"Gusto mo ba talagang magparamdam siya sayo ?" Ang medyo sarkastikong tanong sa akin ni Queenie. Tinaas-baba pa niya ang kilay niya at sabay na ngumiti ng nakakaloko.

Tinignan ko lang siya ng tingin na nagtatanong.

"Magpakonsulta ka sa albularyo baka sakali na magparamdam siya sayo." At bigla siyang humagalpak ng tawa.

Hinampas ko siya dahilan para tumigil siya kakatawa.

"Aray masakit yun hah." Ang medyo iritableng sabi ni Queenie.

"Mas masakit tong nararamdaman ko." Sabay turo ko sa aking puso.

Lumapit sa akin si Queenie at hinimas ang aking likod.

"Sabi ko naman sayo bakla huwag mo masyadong paglaanan ng oras yang si Jacob tignan mo ngayon nasasaktan ka." Ang pag-comfort sa akin ni Queenie. Ngayon ko lang siya nakitang ganito sa akin. Ang sarap magkaroon ng kaibigan na ganito.

"Ngayon lang naman kasi ako umibig, ngayon ko lang kasi naramdaman to teh." Sa pagkakataong ito ay naiyak na ako.

"Kasalanan mo din naman kung bakit ka nasasaktan eh. Masyado mo kasi siyang minahal. Nag-assume ka din kasi." Seryoso nitong sinabi.

Tinuloy ko lang ang aking pag-iyak. Iniyak ko lang ito ng iniyak hanggang sa paglingon ko ay hindi ko sinasadyang makita ang isang pamilyar na mukha na papababa gamit ang escalator.

"J-Jacob ?" Wala sa sarili kong sinabi at agad na tumayo mula sa aking kinauupuan at mabilis na tumakbo upang mahabol si Jacob.

Narinig ko ang pagtawag ng pangalan ko ni Queenie ngunit hindi ko lang ito pinansin at agad kong hinabol si Jacob.

"Jacob saglit kausapin mo ko." Sigaw ko dahilan para makakuha ng maraming atensyon ng maraming tao.

Nakita kong lumingon si Jacob sa akin. Agad kong tinungo king saan nakatayo si Jacob.

"Jacob miss na miss na kita." Niyakap ko siya at ako'y muling umiyak.

Tinanggal ni Jacob ang pagkakayakap ko sa kanya. Pinunasan ko ang mga luhang gumuguhit sa aking pisngi.

"S-sorry Stanley, I have to go. Madami pa akong gagawin." Malamig at walang emosyon niyang sinabi sa akin.

Naiwan akong nakatayo doon at pinagmamasdan ang papaalis na si Jacob. Muli na naman akong naluha. Bakit ganun yung pakikitungo niya sa akin ngayon ? Bakit parang may nagbago ? Bakit parang ang lamig niya sa akin ?

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko si Queenie na tumabi sa akin at muli na naman niyang hinimas ang aking likod para i-comfort akong muli.

"Kaya mo yan Stanley, baka nga marami lang siyang ginagawa kasi Graduating na siya." Si Queenie habang patuloy ang pag-comfort sa akin.

"O-oo tama, busy lang siya." Ngumiti ako habang naiiyak kong sinabi.

Baka nga busy siya, busy sa iba.

Umuwi akong wala sa sarili hindi ko kasi alam kung paano ko aayusin ang sarili ko. Ganito pala ang masaktan kapag umibig.

Dumiretso ako sa aking kwarto at doon ay inihagis ko ang aking sarili sa aking kama.

"Ang sakit-sakit. Ang sakit-sakit. Bakit ka nagbago sa akin Jacob nasasaktan akoooooooooooo." Patuloy pa rin ang pag-iyak ko habang pagulong-gulong sa aking kama.

Nakita ko ang teddy bear na binigay sa akin ni Jacob.

"Hindi ko alam kung bakit naging kasing lamig ng yelo ang pakikitungo ko sa akin Jacob. Damang-dama ko kanina habang nagsasalita ka. Damang-dama ko din na nagsisinungaling ka lang sa akin at tila gusto mo akong iwasan." Muli na namang tumulo ang aking mga luha. Niyakap ko lang ang teddy bear na si Jm.

"Sinaktan ka ba ng Jacob na yun ?" nagulat ako sa pagsulpot nitong si Zigfreid.

Hindi ako sumagot at tumagilid ako sa pagkakahiga sa aking kama.

Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng aking kama habang ako ay nakatagilid sa kanya.

"Kung may problema ka nandito lang ako, tawagin mo na lang ako kapag gusto mo ng kausap." Si Zigfreid at kasunod ng mga sinabi niya ang kanyang pagtayo mula sa aking kama at ang pagsara ng pintuan.

Sa ngayon ay mas gusto ko munang dito sa aking kwarto at isipin na lang ang mukha ni Jacob para hindi ko siya masyadong mamiss. Baliw na nga ata talaga ako sa kanya. Ganito pala ang magmahal, kailangan ding masaktan.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon