Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Umalis na ako sa park at nag-desisyon na lang na umuwi. Wala ako sa sarili habang naglalakad at patuloy pa ring umiiyak habang nasa daan.
Hindi ko namalayan na meron palang paparating na kotse. Panay ang busina nito ngunit tinitigan ko lang. Madilim, ang aking nakikita ito ay marahil nakapikit na lang ako at yakap yakap ng isang estranghero na nagligtas sa akin upang hindi masagasaan ng humaharurot na kotse.
"Mag papakamatay ka ba ? Bakit hindi ka umiwas alam mo naman na masasagasaan ka ?" Tanong nito sa akin.
"Ano ba yung masakit ? Yung masagasaan o yung malaman mo na niloko ka ng taong mahal mo ?" Wala sa sarili kong nasabi.
"Ano ibig mong sabihin pre ?" Tinawag niya akong pre.
"Pre ? Ako pre ? Bakla ako hindi ako pre kaya huwag mo kong matawag-tawag na pre." Medyo inis ko na sabi.
"Nagpapanggap ka lang ata na magpapasagasa para maka-chansing ka eh. Happy ka na nayakap na kita ?" Sarkastiko at bastos ang isang to.
"Chansing ? Ganyan ba kayong mga lalaki, pare-parehas ang tingin sa aming mga bakla ?" Galit kong sinabi.
"Eh pare-parehas lang din naman kayong katawan lang ang habol sa aming mga lalaki eh."
"Alam mo wala na akong balak makipagtalo sayo. kasi ngayon kakapatapos ko lang makipaglaro, talo nga ako eh kasi hindi ko alam na yung taong sweet na sweet sa akin at yung taong mahal na mahal ko may girlfriend na pala. Diyan ka na." At nagsimula na akong maglakad
"Kaya pala ganyan ka kumilos heartbroken ka pala." Hindi ko alam na sinusundan pala nya ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis akong muling naglakad.
"Alam mo kung paano makalimot ? Inuntog mo yung ulo mo sa pader o kaya diyan sa poste baka sakali na makalimutan mo yung lalaking nanloko sayo." Biro niya.
Tamang-tama may poste sa banda doon kaya naman agad akong tumungo doon.
Mas masakit yung ginawa sa akin ni Jacob kaya wala na akong pakelam kung pumutok pa ang ulo ko kung ihahampas ko ang ulo ko sa poste na to.
" Aray" ang nasabi ko na lang matapos iuntog ang ulo ko sa poste
"A-anong ginawa mo ?" Nagulat siya sa ginawa ko.
"Ganun pa rin eh, nasa isip ko pa rin siya akala ko ba makakalimutan ko siya kapag inuntog ko tong ulo ko sa poste." Paliwanag ko sakanya.
"Tanga ka ba ? Bakit mo inuntog yung ulo mo diyan sa poste ?" Pagtataka niya.
"Oo tanga ako, tanga ako kasi minahal ko siya ng sobra. Tanga ako kasi sana kinilala ko muna siya at tanga ako kasi hinayaan ko lang yung sarili ko na saktan niya ako." Malungkot ko pa ring sinabi.
Nagsimula ulit akong maglakad at hanggang ngayon ay sinusundan pa din ako ng lalaking ito.
"Teka, sinusundan mo ba ako ? Are you stalking me ?" Tanong ko sa kanya.
"Sinusundan ? Oo pero yung iniistalk hindi. Huwag kang assuming." Giit pa nito.
"Huwag mag-assume ? Ganyan naman kayo eh nagpapakita kayo ng mga sweet action tapos sasabihin nyo wag mag-assume." Paliwanag ko habang naglalakad.
"Bakit mo ba sinasabi yan ako ba yung nanakit sayo ?" Tanong niya.
"Hindi. Si Jacob siya yung nanakit sa akin." Wala sa sarili kong sinabi.
Hindi na siya umimik at nagsimula na naman kaming maglakad. Walang gustong magsalita at patuloy pa din kaming naglalakad.
"Oo nga pala hindi nga pala tayo .. hanggang dito lang ako." Pagkanta ko.
Tinignan niya lang ako at sabay na ngumiti. Ngumiti na para bang hindi nasasaktan.
"Pasensya na hah. Ang sakit lang kasi talaga." Ngiti ko.
"Alam mo para kang baliw, ngingiti tapos iiyak. Iiyak tapos ngingiti." Sabi niya.
"Baliw ? Sa kanya lang ako nabaliw ng ganito. Wala eh first love ko kaya siguro sobra yung sakit na nararamdaman ko."
Tinignan niya lang ako habang patuloy kaming naglalakad.
"Sometimes, you need to smile to hide the pain. You need to smile to pretend that you're happy." Pagpapatuloy ko pa.
"Binigay mo ba lahat sa kanya ? Dun sa lalaking nanakit sayo."
"Oo except sa virginity ko. Lahat ng oras ko nasakanya eh."
"Hindi ka kasi marunong magtira para sarili mo."
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Sinisisi mo ba ako ? Eh sa mahal ko siya kaya lahat ng meron ako binigay ko sakanya maliban lang dun sa virginity tsaka pera kasi mas mayaman pa siya sakin. Okay na ba mister ?" Paliwanag ko pa sa kanya.
Naupo muna kami sa gilid ng isang tahimik na lugar kung saan ay konti ang mga taong dumadaan.
"Tangina mong hayop ka huwag na huwag kang magpapakita sa akin tatadyakan ko talaga yang hinaharap mong manloloko ka." Galit na sabi ko.
"Galit na galit lang ?" Tanong sa akin nitong lalaki.
"Ikaw lokohin hindi ka ba magagalit ?" Tanong ko pabalik sakanya.
"Siyempre magagalit. Niloko ako eh." Sagot niya.
"Yun nga eh, Minahal mo na ng buong puso nakuha pa akong lokohin. Ang sakit lang sa part ko." Sabay turo ko sa aking puso.
Mga ilang oras din kaming nakaupo at napagdesisyunan ko ng umuwi.
Nasa tapat na ako ng bahay namin, nilingon ko siya ngunit wala na siya. Saan nagpunta yun ? Bigla-biglang nawawala."Pati ba naman siya iniwan ako. Hayy wala na talagang permanente sa mundo. Sana pati din tong feelings ko sa kanya mawala." Bulong ko na lang at sabay na pumasok sa aming bahay.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Random"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...