Chapter 29 And they meet again

47 2 0
                                    

Hindi ko kinaya ang makasama si Jacob. Agad akong umalis kung saan kami naroroon at agad akong kwarto namin ni Hero. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay wala akong nakitang Hero kahit na anino niya.

Nag-aalala na ako sa kanya. 5:30 na ng hapon ngunit wala pa rin siya sa aming kwarto kaya napagdesisyunan ko ng libutin ang buong resort.

kung saan-saan ako dinala ng aking mga paa ngunit wala pa rin akonh nakikitang Hero. Saan naman kaya pumunta yun. Tinawagan ko din ang kaniyang cellphone ngunit hindi niya pa din sinasagot.

Muli na naman akong dinala ng aking mga paa kung saan kami nag-usap ni Jacob kanina, Sa puno ng narra.

Ang ganda pagmasdan ng araw na papalubog na, kaya umupo akong muli sa ilalim ng puno para pagmasdan ang paglubog ng araw.

Napalingon ako sa ingay na aking narinig na para bang may nahulog sa puno. Nakita ko ang kabababa lang na si Jacob at nakangiting papunta kung saan ako nakaupo.

"Katulad ng araw lulubog ito at muling lilitaw para ipakita na may bago pang bukas na pwedeng harapin at para itama ang nagawa nating mali." At bigla siyang umupo katabi ko.

"Ano namang ibig mong sabihin ?" Tanong ko.

"Gusto kong itama kung ano man ang nagawa kong mali, gusto kong humingi ng ikalawang pagkakaton Stanley. Stanley naging duwag akong harapin ang tunay kong nararsmdaman para sayo. Stanley mahal kita." Diretso niyang sabi habang kawah ang kanan kong kamay.

Kitang-kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya kaseryoso sa kaniyang mga sinasabi.

"A-anong ibig mong sabihin ?" Walang ano-anong tanong ko.

Nakita ko ang pagiging seryoso niya.

"Pasensya na Stanley kung naging duwag akong harapin ka, na harapin ang tunay kong nararamdaman sayo. Stanley, humingi ako ng pabor para tulungan ako ni Yngrid. Tulungan para tuluyan ka ng lumayo sa akin."

"Hindi ba't ayun naman talaga ang gusto mo ? Ang lumayo ako sayo." Naiiyak na ako at ramdam kong anumang oras ay babagsak na ang mga luha sa aking mata.

"Noon yun Stanley, noon yun. Dahil naging duwag akong harapin ang tunay kong nararamdaman kaya pinagpanggap ko si Yngrid para maging girlfriend ko."

At bumagsak na nga ang mga luha sa aking mga mata na kanina ko pa pinipigilan.

Tama ba ang mga narinig ko ? Pero paano ?

"Pinagpanggap ko si Yngrid na girlfriend ko para kalimutan at layuan mo na ako. Pinagpanggap ko din siya dahil natatakot akong husgahan sa tunay kong nararamdaman sayo." Umiiyak na din siya.

Tunayo ako at pinunasan ang mga luha sa aking mga mata at muling humarap sa kanya.

"Duwag ka. Isa kang malaking duwag." Galit kong sabi sa kanya.

"Noon Oo duwag ako. Nandito na ako Stanley para itama ang lahat ng iyon." Paliwanag pa niya.

"Gago ka Jacob. Gago ka. Hindi ako laruan na pwede mong iwanan kung saan-saan at babalikan mo na lang kung kelan mo gusto."

Lumuhod siya sa harapan ko ng umiiyak. Kailangan kong maging matigas sa pagkakataong ito. Ayoko ng masaktan.

"I love you Stanley, buuin ulit natin yung mga pangako natin sa isa't-isa." Umiiyak niyang sabi.

"Yung mga pangako mo ? Yung mga pangako natin sa isa't-isa wala na, sira na at hindi na maaaring buuin pang muli iyon." Matigas kong sabi ng hindi man lang siya tinitigan.

Tumalikod na ako at iniwan siyang nakaluhod at umiiyak duon.

Sa pagkakataong ito kailangan kobg maging matigas para hindi na muli pang masaktan at umasa.

Nagulat na lang ng may biglang yumakap sa aking likudan. Dama ko ang luha na umaagos sa kaniyang mata.

"Plsssss Stanley, I want you to stay with me." bulong niya.

Hindi ko alam pero parang may sariling isip ang mga paa ko. Kung kanina ay nais nitong lumakad at lumayo ngayon naman ay nais nitong huwag na lamang gumalaw.

Ramdam ko ang init ng yakap ni Jacob. Naiiyak na din ako dahil alam kong mali ito. Maling-mali dahil alam kong may mahal na akong iba.

Tunay nga talaga na mapaglaro ang tadhana. Kung kelan may mahal na akong iba tiyaka naman dadating si Jacob at magtatapat na mahal niya ako.

Tahimik naming pinagmamasdan ang dagat habang meron siyang ginawang bonfire. 

"Ang tanga ko no, kung sana inamin ko yung nararamdaman ko sayo noon edi sana akin ka pa rin hanggang ngayon ?" Pagbasag niya sa aming katahimikan.

"Paano ka naman nakakasigurado na sayo pa rin ako hanggang ngayon ?" Tanong ko.

"Dahil palagi kong hahawakan ang kamay mo huwag ka lang mawala sa akin." Seryoso niyang sabi.

Heto na naman ang tibok ng puso ko. Tibok ng puso ko na sakanya ko lang naranasan. Tibok ng puso ko kung saan ngayon ko lang ulit naramdaman.

"Sana nga, sana nga naging matapang ka para sa nararamdaman mo." Ewan ko pero bigla na lang lumabas yang mga salitang yan mula sa aking bibig.

Bigla na lang akong nanghina ng bigla niyang hawakan ang aking kamay. Parang namiss ng kamay ko ang kamay niya. Hindi ako nakagalaw at bigla na lang akong napahinto ng oras na iyon.

"Kasalanan ko ang lahat kung bakit hindi ka naging sa akin. Ang tanga ko lang Stanley na hinayaan kong magpakain sa kaduwagan ko."

"Siguro nga naging tanga ka. Lahat naman tayo nagiging tanga kapag nagmahal hindi ba ? Kahit gaano ka pa kagaling o katalino pagdating sa pag-ibig, lahat tayo nagiging tanga."

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon