Chapter 10 A night with him

62 4 0
                                    

"Hindi ko na alam Jacob kung ano na ba tayo ngayon ?" Tanong ko habang naka-lagay pa rin ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Basta ako Stan, masaya ako na kasama ka, gusto ko palagi kitang kasama." Seryoso niyang sinabi.

"Sigurado ka ba na walang magbabago sa ating dalawa kahit gumraduate ka na ? Baka kasi kalimutan mo na ako." Tanong ko sakanya.

"Walang magbabago sa atin Stan at kakalimutan ? Hindi yun mangyayari kasi palagi mo kong kasama. Hindi kita iiwan." Kasabay ng mga salitang iyon ang paghawak niya sa aking kamay.

"Marami ka ng makikilala Jacob at ayoko dumating yung araw na makalimutan mo na ako." Mas hinigpitan ko pa ang hawak ko sa kanyang mga kamay.

"Kailanman hindi ko kakalimutan ang isang tulad mo na pinasaya ako at palaging nandyan kapag kailangan ko ng kasama." Pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang yan ay hinalikan nya ako sa aking noo.

"Huwag mo kong hawakan Jacob kung bibitawan mo din ako, masakit." Ang bigla na lang lumabas sa aking bibig.

"Kahit mapagod akong hawakan ka hinding-hindi ko gagawin na bitawan ka." Ang mas lalong nagpa-hurumentado sa puso ko.

Ilang oras din kaming nasa ganung posisyon. Hindi ko na inalis ang aking ulo sa kanyang balikat pero nararamdaman ko na mukhang nangangalay na siya.

"Nangangalay ka na ba ?" Ang tanong ko sa kanya at agad na akong umayos ng aking upo tinanggal ko na din ang pagkakapatong ng aking ulo sa kanyang balikat.

Hindi muna siya sumagot at muling inilagay ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na hindi ako mapapagod basta para sa ikasasaya mo." Paliwanag niya.

Umayos pa rin ako ng upo at muli kong tinanggal ang pagkakapatong ng ulo ko sa kanyang balikat.

"Masaya na ako na ganito tayo." Maikli kong sagot.

Hindi siya umimik. Himbis na sumagot ay humiga siya sa aking kama at ginawang unan ang kanyang magkabilang braso.

Pinagmasdan ko lang siya. Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang gawing unan ang kanyang dibdib.

Humiga ako sa tabi niya at ginawang unan ang kanyang dibdib katulad ng iniisip ko kanina.

"Alas otso na hindi ka pa ba uuwi ?" Ang tanong ko sakanya.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na babawi ako sayo." Sagot niya.

"Masaya ka ba na kasama ako ?" Ang tanong na biglang lumabas sa aking bibig.

"Masaya ako na nakilala kita, masaya ako dahil alam ko na mahal mo ko." Sagot niya habang pinaglalaruan ang aking buhok.

"Ako, masaya din ako kahit hindi tayo. Basta alam ko na nandiyan ka palagi sa tabi ko."

"Kapag may nanligaw sayong ibang lalaki dapat ako ang unang maka-alam. Maliwanag ba Stan ?"

"Palabiro ka talaga Jacob. Alam mo naman na walang manliligaw sa aking lalaki dahil bakla ako tiba ?"

"Paano kung ligawan kita ? Maniniwala ka na ba na pwedeng may manligaw sayong lalaki ?"

"Masaya ako kung ganun at magiging mas masaya ako kung ikaw yung lalaking manliligaw sa akin." Sagot ko.

"Pero hindi pa ako handa na sumubok sa relasyon katulad nito Stanley." Agad din niyang sinabi at agad na tumingin sa akin.

Tingin ko ay parang may tumusok sa aking puso. Medyo nasaktan ako sa kanyang sinabi.

"Pero hindi ka mahirap mahalin Stanley." Sagot na muling nagpabalik ng aking mga ngiti.

"Sinasabi mo na ba na mahal mo na ako ?" Tanong ko sa kanya at sabay na tumawa.

"Hindi ko pa masabi sa ngayon. Pero isa lang ang masasabi ko sayo Stanley, You're special." Sagot niya.

Tumayo ako at binuksan ang bintana. Madaming mga bituin ang nasa langit.

"Yang mga bituin na yan Jacob ay naging saksi kung paano at kelan ako nag-confess sayo sa page ng school. Alam din nila kung ano yung naging reaksyon ko nung nag-comment ka sa post ko at nung i-accept mo yung friend request ko sayo." Naka-ngiti kong sinabi.

Tumayo din siya at niyakap ako mula sa aking likudan.

"Ang mga bituin din na yan ang magiging saksi kung paano ako naging masaya sa tabi mo Stanley Garcia." Sinabi niya habang yakap-yakap ako.

Masaya naming pinagmasdan ang mga bituin sa ganung posisyon. Hindi siya bumitaw sa pagkakayap at ganun din ako. pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya, sa tabi niya at sa piling niya.

"Teka lang, kukuha lang ako ng makakain natin." At kumalas ako sa kanyang pagkakayakap.

Lumabas ako ng kwarto at agad na pumunta sa kusina para kumuha ng makakakain. Gumawa ako ng sandwich at kumuha ng ilang piraso ng longganisa at dalawang mansanas kumuha din ako ng pares ng kutsara't tinidor at agad din akong tumungo sa kwarto.


"Kumain na muna tayo." Pag-aya ko sakanya.

Pinagsaluhan namin ang dinala kong pagkain. Natutuwa ako dahil sa tuwing may dumi na naiwan sa aking labi ay agad niya itong pinupunasan gamit ang kanyang panyo.

Kakatapos lang naming kumain at agad na siyang humiga sa aking kama samantalang ako ay naglinis muna at hinugasan ang aming pinagkainan.

Pagpasok ko ng aking kwarto ay nadatnan ko siyang nakahiga at mahimbing na sakanyang pagkakatulog. Humiga ako sa kanya ng tahimik. Tahimik kong pinagmamasdan ang natutulog na si Jacob. Inaantok na din ako kaya't hindi ko na ding napigilan ang matulog sa kanyang tabi.

Medyo tanghali na din ng ako ay magising. Tinignan ko ang buong paligid. Wala si Jacob. Tumayo ako nakita ko sa pintuan ang nakadikit na piraso ng papel na sa tungin ko ay inilagay ni Jacob. Isang sulat galing kay Jacob.

'Maraming salamat at pinatuloy mo ako sa iyong kwarto. Pasensya na umalis ako ng hindi man lang nagpapa-alam sa iyo mahimbing pa kasi ang tulog mo. Maaga akong nagising at ipinaghanda na kita ng almusal mo, ubusin mo yan at kumain ka ng marami para sa susunod na yayakapin kita ay medyo may laman ka na ang payat mo kasi hahaha.

Love,
Jacob'

Napangiti ako sa sulat na galing kay Jacob. Tinignan ko ang mini table na malapit sa aking kama at meron ngang isang baso ng gatas, fried rice at sausage. Kinuha ko ang sulat at itinago ko iyon sa isang box sa aking cabinet.

I really appreciate his effort para lang mawala ang tampo ko sa kanya. Mas lalo tuloy na lumalalim ang nararamdaman ko sakanya.

I really love that guy.




Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon