Chapter 15 Alone

54 4 0
                                    

Graduation niya ngayong araw. Siguro ang saya-saya niya ngayon. Siguro kasama niya sa graduation niya sa Yngrid. Minsan iniisip ko kung iniisip niya din ba ako. Iniisip niya nga din ba ako o ako lang yung nag-iisip na iniisip niya ako ? Minsan ba hindi ako sumagi sa isip niya ? Ganun na lang ba kadaling itapon lahat ng pinagsamahan naming dalawa kahit hindi naging kami ?

Tatlong linggo na simula ng malaman ko ang lahat. Malaman na, may Yngrid na pala ang pinakamamahal kong si Jacob.

Hindi ko sinasayang ang oras ko para gumala o lumabas ng bahay mas gusto kong nandito sa loob ng aking kwarto, nakahiga at iniisip lang siya. Wala akong pakelam kung ilang balde na ng luha ang naiyak ko ng dahil kay Jacob. Sariwa pa rin kasi ang sugat sa puso ko.

Iniisip ko na lang na ang bawat hangin na dumadampi sa aking balat ay ikaw. Iniisip ko na lang na niyayakap niya ako sa paraang iyon. Sa tuwing ginagawa ko ang bagay na iyon ay naluluha ako at naiisip siya.

Gabi na at hindi pa rin ako lumalabas ng aking kwarto. Binuksan ko ang bintana sa aking kwarto at nakita ko ang isang lalaking nakatanaw mula sa ibaba. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung lalaking nakasama ko noong araw na iniwan ako ni Jacob. Ano namang ginagawa niya dito ?

Lumabas ako ng bahay at nakita kong nakangiti siya sa akin nung lumabas ako. Ang creepy hah.

"Anong ginagawa mo dito ?" Tanong ko.

"Binabantayan ka, baka kasi magpakamatay ka sa sobrang lungkot eh." Sagot niya habang nakapamulsa.

Hindi ko maiwasang titigan siya. Naka-black tshirt siya at medyo fitted na pantalon na bumagay sa katawan niya.

"S-sino ka ba ?" Tanong ko ulit.

Hindi siya sumagot ngunit ngumiti siya. Maya-maya ay biglang humangin at napuwing ako. Pagmulat ko ng aking mga mata ay nawala yung lalaking kausap ko. Napaka-misteryoso niya. Sino ba siya ?

Tumungo ulit ako sa kwarto ko. Sa pagkakataong ito ay muli ko na namang naisip si Jacob.

Umupo na lang ako sa aking kama at kinuha yung teddy bear na binigay niya sa akin.

"Pasensya ka na hah Jm, kailangan ko ng kalimutan si Jacob eh. Pasensya na kung madadamay ka. Itatago muna kita hah." Tumayo ako sa aking kama at inilagay ang teddy bear sa isang paper bag at nilagay sa isang cabinet.

May luhang nahulog mula sa aking mga mata. Pinunasan ko ito at ngumiti.

"Nakakapagod umiyak. Ayoko ng umiyak kung ikaw lang din ang dahilan ng aking mga luha. Heto na siguro yung araw para kalimutan ka." Humarap ako sa salamin at inayos ang aking sarili.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Punong-puno ng lungkot. Ngumiti ako na para bang walang iniindang sakit.

"Ngiti lang kaya mo yan. Si Jacob ? Ipakita mo sakanya yung Stanley na ibang-iba at hindi pa niya nakikilala." Sabi ko sa harap mismo ng salamin.

Hindi ako maka-ngiti ng maayos, hindi ko alam kung dahil ba ito kay Jacob. Galit ang nararamdaman ko sakanya mgayon. Kung sakaling magkita man kami hinding-hindi niya na ako makikilala.

Inayos ko ang sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko, naglagay ako ng lipstick na natural lang ang kulay at inayos ko din ang kilay ko. Umpisa pa lang to ng pagbabago ko. Ayokong ikulong ang sarili ko sa lungkot. I want new and i want to change myself.

Pumunta ako ng mall at bumili ng mga damit. Wala na kasi akong masuot na damit. Nag ikot-ikot, pumili at bumili ng damit at kumain.

Sa dami-dami ng mall na pupuntahan ko dito pa, dito pa talaga sa mall na ito kung saan namin binili yung teddy bear na si JM. Ang dami pa rin talagang mga bagay na nagpapa-alala sa akin kay Jacob.

Bawat nguya ko ng pagkain ay mukha ni Jacob ang naiisip ko. Muli, nalungkot na naman ako. Nagbabadya na naman ang mga luha sa akinh mga mata.

"Iniisip mo na naman ba siya ?" Nagulat ako sa pamilyar na boses na nasa harapan ko. Siya yung misteryosong lalaki.

Ngumiti lang ako matapos nguyain yung burger.

"Alam mo, palagi ka na lang bigla-biglang sumusulpot. Hindi ka pa nagpapakilala sa akin ?" Sabi ko habang nakatingin sa kanyang mga mata.

"Hero Prince Reyes." Sabay lahad niya ng kanyang kanang kamay sa akin. Nakipagkamay ako.

"Sinusundan mo ba ako ?" Tanong ko sakanya ng nakangiti.

"Nagkataon lang na nandito ako at may binibili tapos nakita na naman kita nakatulala at parang paiyak na kanina." Paliwanag niya sabay dampot ng fries.

"Sa dami ba naman kasi ng mall na pupuntahan ko dito pa. Naalala ko tuloy siya. Parang kinurot na naman yung puso ko. Ang sakit." Kwento ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin. Dumampot ako ng fries at tsaka nginuya.

"Ang hirap niyang kalimutan. Bawat alaala tumutusok sa puso ko eh." Dugtong ko pa.

"Huwag mo kasi pilitin yung sarili mong kalimutan siya. Let the time heal you." Bigla niyang sabi.

Let the time heal the pain. May point siya sa kaniyang sinabai.

"Eh habang naalala ko siya mas lalo lang akong pinapatay ng katotohanan na hindi niya ako mahal." Makahalugang kong sinabi ko.

"Let the time heal you." Sabi pa niya ulit.

"Let the time heal me." Banggit ko ulit.

Napangiti na lang kami sa isa't-isa. Nagkwentuhan, nagtawanan, kumain, at nagbiruan.

"C.r lang ako Hero." Pagpapaalam ko.

Kakatapos ko lang gumamit ng c.r ngayon naman ay nakaharap ako sa salamin at pinagmamasdan ang aking sarili.

"Let the time heal the pain." Sabay hawak ko sa aking kaliwang dibdib kung saan ay nandun ang aking puso.

Pagbalik ko sa table namin ni Hero ay wala na siya. Nasaan na yun. Tinignan ko yung tissue at may nakasulat. Si Hero ata ang nagsulat nito.

"Someday, you will find the right guy who will treat you like a princess. And Someday, you will finally forget that f*cking guy. Move on Stanley.
Hero"

Kinuha ko yung tissue na may notes ni Hero at inilagay sa aking wallet napangiti na lang ako sa laman ng sulat. Someday I will finally forget you Jacob.

A/N:
Halik sa hangin is the theme song of this story. Thank you :)

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon