"Ang ganda mo talaga friend. Nagsimula sa simpleng post sa facebook at ngayon tignan mo na close na close na kayo." Malaki ang mga ngiti ni Queenie dahil sa mga ikwinento ko sa kanya tungkol sa amin ni Jacob.
"Ang hirap palang mapigil ng kilig Queenie. Para akong lumulutang sa alapaap nung kasama ko si Jacob." Sabi ko habang hawak ang libro na kanina ko pa binabasa.
"Daig mo pa ang isang tunay na babae. Sayo na ang korono teh." Akmang ilalagay ni Queenie ang kunwari na korona sa aking ulo.
Ngiti na lang ang iginanti ko sa kanya dahil sa sobrang saya ko. Sobranh saya sa kadahilanang hindi pa rin ako makatakas sa nangyari kahapon kubg saan kasama ko si Jacob mag-hapon.
"Alam mo Stanley, tingin ko gusto ka din niyang Jacob na yan eh kahit saglit pa lang kayo magkakilala."
"At paano mo naman nasabi ?" Tanong ko sakanya.
"Pakiramdam ko lang. Ikaw, hindi mo ba nararamdaman ?" Tanong niya naman sa akin habang nakahawak ang kanyang kanang kamay sa kanyang baba.
"Alam mo Queenie, ayokong mag-assume na may gusto siya sa akin." Sagot ko.
"May point ka naman dun Stanley. Malay lang natin wala lang siyang magawa o makasama ng mga araw na yun kaya ikaw yung isinama niya." Minsan talaga hindi marunong mahinay-hinay sa papanalita itong si Queenie eh. Ang sakit ng mga sinabi niya.
Sa pag-uusap namin ay may isang lalaki na umupo sa harapan ng aking inuupuan. Nagulat ako at ganun din si Queenie. Hindi ko maalis ang titig ko sa lalaking ito, Si Jacob.
"May gagawin ka ba mamaya ?" Tanong sa akin ni Jacob sabay taas-baba ng kilay. Ang cute niya sa part na yun.
"W-wala naman." Medyo naiilang kong sagot. Nahihiya pa rin kasi ako sakanya hanggang ngayon.
"1pm sharp. May pupuntahan tayo. Asahan ko yan. Sige pasok na ako may klase pa ako eh. Sa may hallway na lang tayo magkita." Sabi ni Jacob at agad ding umalis.
"Hindi nyo na naman ba ako isasama ?" Ang nagmamaktol na tanong ni Queenie.
"Ano ka ba ? Hindi pa naman kayo magkakilala eh." Ang agad kong sabi sakanya.
"Oo na, Oo na. Sa susunod ipakilala mo na ang pinaka maganda mong kaibigan."
Kahit sa klase ko ay iniisip ko pa rin kung saan ba kami pupunta ni Jacob. Ang daming naglalaro sa isip ko. Saan naman kaya niya ako dadalhin ?
Nang matapos ang lahat ng aking mga klase ay agad na akong nag-ayos at agad ding dumiretso sa hallway para hintayin si Jacob.
"Sigurado ka ba talaga na mauna na ako ?" Tanong sa akin ni Queenie.
"Oo naman. Mauna ka na Queenie mamaya pa dadating yun si Jacob." Sabi ko habang nakatingin sa aking cellphone.
"Sige Stanley, ala una na din kasi eh. Gutom na gutom na din ako." Pagpapaaalam sa akin ni Queenie.
Ala una na pero wala pa rin si Jacob. Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala pa rin akong Jacob na nakikita.
"Konting tiis pa Stanley dadating din yun." Sabi ko na lang para hindi mainip sa kakahitay.
1:30pm na pero wala pa rin siya. Ang sakit na din ng pwet ko kakaupo dito sa hallway pero wala pa ring Jacob na nagpapakita.
Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Queenie at agad ko itong sinagot
Ako: Hello, bakit ka napatawag ?
Tanong ko kay Queenie sa kabilang linya at muling itinuon ang pansin sa mga estudyanteng naglalakad sa hallway nagbabakasakali na mapadaan si Jacob.Queenie: Ay nakakaistorbo na ba ako sa inyo ni Jacob ?
Ako: Hah. Hindi naman. Actually wala pa nga siya eh. Anong oras na kanina pa ako naghihitay dito.
Ang medyo naiinis ko ng sagot.Queenie: Oo nga anong oras na at willing ka pa rin hintayin yang ptince charming mo na mukhang i-indianin ka.
Ako: Baka naman kasi may ginagawa lang.
Queenie: May ginagawa o nakalimutan ?
Ako: Siguro parehas.May ginagawa siya kaya nakalimutan niya.
Queenie: Nakalimutan niya kasi hindi ka importante sakanya. Sa tingin mo ba makakalimutan niya yung lakad nyo kung importante ka sakanya ?
Napaisip ako sa sinabi ni Queenie. Kung importante nga ako sa kanya dapat hindi niya makakalimutan na may lakad kami o kung may ginagawa man siya dapat tinext man lang niya ako. Pero sino ba ako para mag-magalit, eh hindi naman kami.
Ako: S-sige Queenie lowbat na din ako eh.
Pagsisinungaling ko na lang at agad ko ding inend call."Nasan ka na ba Jacob ?" Ang naibulong ko na lang sa aking sarili.
Alas dos na ngunit wala pa rin siya. Naghintay pa rin ako ng naghintay kahit hindi pa ako kumakain ng tanghalian at kahit na inaantok pa rin ako.
Sumapit ang 3:00pm ngunit wala pa rin akong Jacob na natatanaw. Dalawang oras na ngunit wala pa rin siya. Dito ko lang napagdesisyunan na umalis na at umuwi na lang. Mukhang wala naman na akong mapapala kakahintay kay Jacob dahil alam ko naman na hindi na mukhang nakalimutan na niya ang lakad naming dalawa. Excited na excited pa man din ako.
Pagbaba ko ng jeep ay nilakad ko na lang papunta sa bahay namin. Dapat kasi ay bibili ako ng makakain pero naisip ko na huwag na lang dahil anong oras na at baka hinahanap na din ako ni Nanay at ate Melissa.
Sa paglalakad ko ay natanaw ko sa di kalayuan si Jacob kasama ang isang babae. Mukhang sweet na sweet sila.
Naramdaman ko na parang may tumutusok sa aking dibdib. Ganito ba ang pakiramdam ng masaktan ? Ang sakit pala. Parang pinupunit ang puso ko sa sobrang sakit.
Eto pala ang dahilan kung bakit hindi mo ko sinipot sa lakad nating dalawa. Kasama mo pala ang girlfriend mo.
Naluha na lang ako habang patuloy na naglalalakad. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto at doon ay aking iniyak.
"Ang sakit sakit. Sana sinabi mo man lang na may girlfriend ka na pala Jacob. Sana sinabi mo man lang na aalis ka kasama ang girlfriend mo. Umasa ako na matutuloy ang lakad natin pero yun pala kasama mo ang girlfriend mo at ang saya-saya nyo pa. Hindi mo man lang naalala na may lakad tayo. Sino ba ako para magalit wala namang tayo eh ?" Umiiyak kong kinausap ang aking sarili.
Hindi ko namalayan na sa labis kong pag-iyak ay nakatulog ako. Gabi na ng magising ako pero bakas pa rin sa aking isip ang nakita ko kanina na si Jacob ay kasama ang kanyang girlfriend kaya niya siguro nakalimutan na may lakad kami.
Girlfriend siya at ako ay isang hamak na may gusto at nagmamahal kay Jacob. Sino ba ako para magalit eh hindi naman ako yung kasintahan niya eh.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Acak"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...