Chapter 13 She is Yngrid

49 4 0
                                    


Pumasok ako ng pangatlong subject nalate na kasi ako ng gising kakaiyak at kakaisip kay Jacob.

Madaming estudyante ang nakatingin sa babaeng nakaupo sa may lobb. Kutis porselana ang kutis, medyo maiksi ang buhok na parang rebonded at may mapupulang labi.

Hindi na ako nagtataka kung bakit takaw atensyon sa ngayon sa mga estudyante sa suot ba naman niyang magara at sa ganda niyang taglay tiyak na kahit mga bakla ay titingin sa kanya.

Tumayo siya mula sa kanyang inuupuan at nagsimulang maglakad pasalubong sa akin.

"Stanley Garcia ?" Tanong niya sa akin ng malapit na kami sa isa't-isa.

"And Who are you Miss ?" Tanong ko din sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at inilahad ang kanyang kamay.

"Yngrid Abigail Sebastian.." pagpapakilala nito. Nakipagkamay ako sa kanya at ngumiti.

Sino ba siya ? Bakit kilala niya ako ? Naguguluhan ako.

"Jacob's Girlfriend " dugtong pa niya na nagpayanig sa aking mundo.

Nalaglag ang panga ko at natulala sa kanyang sinabi. Girlfriend siya ni Jacob at eto ata ang dahilan kung bakit siya nanlalamig sa akin.

"Come on and join me. Let's have some coffee." Kalmado niya pa rin sinabi.

Nag-umpisa na siyang maglakad at bigla na lang din akong sumunod sa kanya. May malapit din namang coffee shop dito sa school.

"I'm a College graduate last week at Singapore. Yes a fresh graduate and I have a plan to work here in the Philippines. Jacob and I had a plan to build a Business here. A restaurant business that's why I studied abroad for the future of two of us. Masaya kami sa two years na relasyon namin even if nasa singapore ako." Panimula niya.

Naiiyak na ako sa oras na ito. Hindi din ako makagalaw mula sa aking kinauupuan kahit ang mga pagkaing nakahain ay hindi ko din magalaw.

"I've heard na lumalabas kayo ni Jacob which is ginagawa namin noong nandito pa ako dati sa Pinas." Kalmado pa rin ang boses niya. Hindi ko pa rin magawang umiyak sa harap ng babaeng ito dahil ayokong magmukhang kaawa-awa sa harapan niya.

Ano ba ang nais niyang palabasin ? Bakit sinasabi niya ang mga bagay na ito sa aking harapan ? Mga bagay na matagal na pala nilang plinano ni Jacob.

"Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito ?" Tanong ko.

Nagbabadya na ang luha sa aking mga mata pero kailangan ko itong pigilan.

"Because I want you to stay away from Jacob. Stanley, ayoko ng gulo. Please, Layuan mo na siya." Paliwanag niya.

"Sino ba naman ako para magmatigas. Girlfriend ka niya kaya mas may karapatan ka kay Jacob. Gusto mo na layuan ko siya ? You don't need to say that kasi lalayo na talaga ako. Ako na ang iiwas." Sabi ko at sabay na pinunasan ang mga luha na gumuhit na sa aking pisngi.

Tumayo na ako nagsimula ng lumabas ng coffee shop. Lakad takbo ang aking ginawa. Wala na akong pakelan kung sino ang nabunggo ko. Sobrang sakit ng puso ko. Milyon-milyong matutulis na bagay ang tumutusok ngayon sa aking puso. Masakit at sobrang sakit.

"S-stanley." Narinig ko na may tumawag sa akin kaya lumingon ako.

Si Jacob pala ang tumatawag. Bakit tila may lungkot siya sa kanyang mga mata ?

Lumapit siya sa akin pero wala na, nasaktan na niya ako.

"Huwag mo kong tawagin sa pangalan ko dahil simula ngayon hindi na kita kilala." Matigas na sabi ko.

Hindi siya sumagot kundi bigla akong niyakap. Nagpumiglas ako sa kanyang yakap ngunit malakas siya kaya hindi ako makaalis sa kanyang pagkakayakap.

"I-I'm Sorry Stanley." Bulong niya sa akin habang yakap ako.

Sa pakakataong ito ay nakakalas na ako mula sa kanyang pagkakayakap. Patuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha mula sa aking mga mata.

"Sorry ? Sorry Saan ? Sorry kasi pinaglaruan mo lang yung nararamdaman ko para sayo. Sorry kasi yung mga panahong wala si Yngrid sa tabi mo ako yung palaging nasa tabi mo kaya pinagtiyagaan mo na lang ako. Ganun ba Jacob ? Ganun ba ? Sorry din Jacob, kasi nagpaka-tanga ako sa katulad mo. Sana mas kinilala pa kita para hindi ako nasaktan ng ganito." Galit na sabi ko habang umaagos ang mga luha sa aking mga mata.

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang kananh braso ko. Tinitigan niya lang ako at tila may nais siyang sabihin at ayokong marinig iyon.

"Wala akong panahon makinig sa mga kasinungalingan mo." Pagmamatigas ko at agad ng naglakad papalayo sa kanya.

Naglakad lang ako ng naglakad. Wala akong pakelam kung anong oras na. Ayoko pang umuwi, ayokong makita ako ng pamilya ko ng nasasaktan dahil lang sa isang lalaki.

Naupo ako sa isang park. Marami pa ring tao kahit alas otso na ng gabi. Maraming mga magkasintahan ang sweet na sweet na nakaupo at nakatanaw sa mga bituin sa kalangitan

Muli akong naiyak at inalala ang mga araw na masaya pa kaming magkasama ni Jacob. Masaya at magkayap na nakatanaw sa mga bituin. Mas lalong sumasakit ang puso ko dahil sa mga alaalang iyon.

"Hindi ko alam kung ano ba yung ginawa ko sayo para saktan at paglaruan ako minahal naman kita." Umiiyak na sabi ko habang nakatanaw sa mga bituin.

"Tanga lang siguro ako kasi ikaw yung minahal ko ni hindi man lang kita kinilala. Ang tanga tanga ko talaga hindi ko alam na may girlfriend ka na pala." Dugtong ko pa.

Wala na akong pakelam kahit nagsasalita ako mag-isa. Baliw nga ako sa kanya baliw na baliw kaya heto ako ngayon nabaliw sa sobrang sakit ng ginawa niyang panloloko sa akin.

"Hanggang Saan ? Hanggang kelan ako magkakaganito ng dahil sayo ?" Pinunasan ko ang luha na umaago sa sa aking mga mata.

"Siguro hindi nga tayo para sa isa't-isa. Siguro nga itinadhana lang tayong magkakilala pero hindi tayo ang nakatadhana para sa isa't-isa." Hindi ko alam kung bakit lumabas yan sa aking bibig.

Umiiyak kong pinagmasdan ang mga bituin sa langit.

"Saksi ulit kayo sa nararamdaman ko para kay Jacob kung noon masaya ako kasi nandyan si Jacob, ngayon naman nasasaktan ako kasi may mahal na pala siyang iba na kahit nasa tabi ko siya ngayon kailanman ay hindi magbabago na may mahal na siyang iba at hindi ako yun. Teka, bakit nga ba ako umiiyak eh kahit naman umiyak ako wala namang magbabago kasi may mahal na si Jacob at hindi ako yun." sabi ko habang nakatanaw sa mga bituin.

Bakit Hindi Naging Tayo ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon