Kinabukasan, maaga kaming bumiyahe ni Hero papuntang pangasinan doon muna kami for one week at para mamonitor ko ba din ang resort ko.
"Ngayon lang ako nakapunta sa resort mo Mahal, ang ganda pala dito." Manghang sabi niya ng bumaba na kami sa bangka.
Inilalayan niya ako para makababa ng bangke. Hindi ko naman maitatanggi na napaka-sweet talaga nitong si Hero. Simpleng galaw lang niya ay napapangiti na ako.
Agad kaming sinalubong ng mga staff sa resort at isinuot sa amin ang kwintas na gawa sa bulaklak bilang pagsalubong sa amin.
"Welcome Sir. Stanley ganun din po sa kasama niyo. Welcome po." Sabi nila ng sabay-sabay
Ngumiti lamang ako sa kanila at agad na nilang kinuha ang mga bitbit na gamit namin.
Maraming tao ngayon sa resort dahil bakasyon at summer ngayon. Nakakatuwang pagmasdan ang mga taong tuwang-tuwa sa mga facilities ng aking resort.
Pumunta kami sa naka-reserve na kwarto para sa amin ni Hero. Pagpasok pa lang sa kwarto ay agad na kaming nahiga dahil sa pagod sa biyahe.
"Grabe naman pala Mahal, mas mayaman ka na sa akin ngayon may napakagandang resort ka na." Mangha ulit sabi niya.
"Mamaya libutin natin ang buong resort. Pero sa ngayon magpahinga muna tayo." Sabi ko habang nakapatong sa kanya at sabay na ngumiti.
Nakatulog kami ng dahil sa pagod kami sa biyahe. Nagising kami bandang alas siyete na ng gabi.
Nilibot namin ang buong resort. Magkahawak kami ng kamay habang naglalakad sa may dalampasigan.
Tanging ang hampas lamang ng alon ang aming madidinig at ang mga ingay ng mga taong nagsasayaw sa himig ng musika sa isang bar malapit sa resort.Binitawan niya ang aking kamay at nagulat ako ng bigla niya akong wisikan ng tubig. Tawa siya ng tawa habang ako ay nakabusangot dahil nabasa ang tshirt na suot ko. Papatalo ba ako ? Siyempre hindi kaya agad ko siyang itinulak at agad naman siyang napadausdos sa tubig kaya basang-basa ang kanyang buong katawan. Hagalpak ako kakatawa ng mga oras na iyon. Hinawakan niya ang aking kamay habang siya ay nakaupo sa tubig at bigla akong hinila kaya agad din akong napadausdos sa tubigan. Ngayon ay tila kami nag-night swimming dahil basang-basa kami. Tawa lang kami ng tawa habang nakatampisaw ang aming katawan sa dagat.
Nilalamig na kaming dalawa pero hindi namin alintana iyon dahil magkasama kaming dalawa. Mabilis niya akong hinalikan sa labi at agad naman akong napangiti duon.
Tumayo kami ng magkahawak ang aming mga kamay at nagsimula ng maglakad patungo sa hotel kung saan kami matutulog.
"Hindi ka ba nilalamig ?" Tanong niya sa akin.
"Bakit ? Cold ka ba ?" Hugot ko.
Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin habang kami ay naglalakad.
"Biro lang. Kahit nilalamig ako wala akong pakelam basta kasama ko lang ang hot na boyfriend ko."
Nakita ko ang mga ngiti na gumuhit sa kaniyang labi. Aba marunong pa lang kiligin ito.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak. Sa sobrang lakas ng kaniyang pagkakatulak ay agad akong tumilapon sa dalampasigan. Nagulat naman siya sa kaniyang ginawa at agad akong itinayo.
"Arayyyyyyyyy ko hah." Daing ko.
"Sorry sorry mahal. Ganito lang ako kiligin. Ikaw kasi eh." At sabay niya akong hinalikan sa aking noo.
Nakakaloka, nakakatakot palang kiligin ang isang tao nananakit.
Ika-ika akong naglakad papuntang hotel habang si Hero naman ay nakasunod lang sakin. Hindi ko siya pinansin hahahaha bahala siya.
"Mahal sorry na mahal." Niyakap niya ako ng makapasok na kami sa aming kwarto.
Ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. Lakas ata ng trip ko.
"Mahal naman ikaw kasi eh pinakilig mo ko ayan tuloy natulak kita. Sorry na mahal." Pagmamakaawa niya.
Palihim na lang akong napapangiti sa inaakto niya. Para siyang isang aso na pinagalitan ng kaniyang amo. Ang sarap niyang pagmasdan ay este pagtripan pala.
"Enye be ? huwag mo kong mahawak-hawakan hah." Pabebe kong sabi.
"Hah ? Eh hindi naman kita hinahawakan ah."
Medyo napahiya ako dun. Ganun kasi yung mga napapanood ko eh yung hahawakan ka sa braso tapos sasabihin mong enye be huwag mo nga akong mahawak-hawakan.
Humagalpak ako sa kakatawa at siya naman ay nanatiling nakakunot ang kaniyang noo. Ang cute niya tignan sa reaksyon niya.
"So pinagtitripan mo ko ?" tanong niya.
"Hmmmmmm medyo." Sagot ko.
Unti-unti siyang lumapit sa akin habang ako ay paatras ng paatras. Wala na akong iaatras pa dahil pader na ang aking sinasandalan.
"Gottcha." Bulong niya.
Ewan ko pero nakaramdam ako ng kuryente ng naaamoy ako ang mabangong hininga niya. Nakaka-adik ang amoy teh.
"Uhmmmmm." Napaungol ako dun.
"Dahil diyan kailangan mong parusahan." Seductive ang kaniyang boses na talaga namang madadala ka.
"A-anong parus...." hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita at agad niya akong sinuntok.
OO sinuntok niya ako. Sinuntok niya ako ng kaniyang mga halik na talagang mas lalong nagpainit sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng kaniyang labi na dumadampi sa aking leeg hanggang sa ihiga niya ako sa aking kama.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
De Todo"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...