Nagkaroon ako ng rason para kamuhian si Jacob. Yun ay dahil sa sinabi siya sakin na iwan ko at layuan ko na siya.
Unti-unti ko na siyang nakalimutan noon pero ngayon na muli ko siyang nakita tila bumalik agad ang nararamdaman ko sa kanya.
Sa mga ikinilos niya at sa mga sinabi niya ay doon ko na mismo napagtanto na siguro ay hanggan dito na nga lang kami. Malabo ng bumalik kami sa dati.
Tinanggal ko sa isip ko si Jacob at hindi na muli pang inisip. Sa panamagitan noon ay nakapag-focis ako sa aking pag-aaral. May mabuti din palang naidulot ang paglimot ko kay Jacob dahil walang destruction sa pag-aaral at dahil din dun ay tumaas ang mga grades ko.
Nandito ako sa aking kwarto at tahimik na nagbabasa ng aking libro. Kailangan ko kasing mag-advance study para may maisagot ako sa mga recitation.
May narinig akong kumalabog sa aking bintana parang may bumato. Sinilip ko kung may tao sa labas at nakita ko ang isang lalaki na naka-white t-shirt at naka-maong na short. Si Hero kung hindi ako nagkakamali.
"Gabing-gabi na ah." Salubong ko sakanya pagbukas ko ng gate.
"Nasagap kasi ng radar ko na masaya ka kaya pumunta ako dito." Naka-ngiti nitong sinabi.
Kung mas nauna ko lang siguro nakilala to kesa kay Jacob siguro eto yung minahal ko.
"Patingin nga niyang radar na yan ?" Pagbibiro ko.
"Invisible eh hindi mo makikita hahaha parang ikaw sa sobrang pagbibigay mo ng atensyon sa Jacob na yan hindi mo alam na may tao palang nakatingin sayo at hinihintay ka." Makahulugang sinabi nito.
Nakangiti lang ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko maikakaila na gwap ang isang to.
"Oh baka naman matunaw ako niyan." Ang biglang nagpabalik sa akin sa reyalidad.
"P-pasensya na may naisip lang ako." Napakamot na lang ako sa ulo ko.
"Siguro naisip mo na naman yang si Jacob na yan." Biglang naging malungkot ang kanyang mukha.
"Bakit ko pa siya iisipin tiba ? Halika nga mag-meryenda muna tayo sa loob." Aya ko sa kanya.
Bigla namang umaliwalas ang kanyang mukha. Nasa sala siya habang ako naman ay nasa kusina at naghahanda ng makakain. Gumawa ao ng sandwhich at nagpalaman ng nutella. Gumawa din ako ng juice para sa aming dalawa.
"Talagang kinakalimutan mo na siya hah." Biglang sabi ni Hero.
Uminom ako ng Sandwhich bago magsalita.
"Ganun talaga eh." Sabi ko naman.
Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin. Napakatamik namin.
"Paano mo ba masasabing naka-move on ka na ?" Ang pagbasag ko sa katahimikan.
Tinignan niya lang ako.
"Kapag hindi ka na ba nasasaktan ? Kapag hindi mo na siya iniisip ? Kapag wala ka ng nararamdaman ?" Dugtong ko pa sakanya.
Inilapag niya ang baso na may laman na Juice sa la mesa.
"Lahat naman ng sinabi mo tama eh. Pero ang tunay na naka-move on ay yung kapag alam mo ng wala na siya sa puso mo." Sagot niya naman.
Tumatak ang sinabing iyon ni Hero. Hanggang ngayon ay dala-dala ko pa din ang mga katangang iyon.
Ang tanging masasabi ko lang ngayon ay unti-unti ko na siyang nakakalimutan.
Tapos na ang lahat ng klase ko ng mapagdesisyunan ko ng umuwi. Nasa gate na ako ng makita ko si Hero na sakay-sakay ng kanyang motor. Ngumiti ako sakanya at lumapit.
Binigyan niya ako ng helmet na akin namang tinanggap pero nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako binigyan nito.
"Para saan to ?" Tanong ko.
"Sakay na." Maikli niya namang sagot.
Hindi na lang ako muling sumagot at agad naman na akong sumakay sa kanyang motor.
Bakit nagkakaganito si Hero ? Ilang araw niya na din akong sinusundo dito sa school. Iba yung daan na dinadaanan namin siguro ay may pupuntahan kami.
Damang-dama ko ang hangin na dumadampi sa aking balat medyo mabilis ang takbo ng motor kaya naman minsan ay humahawak ako sa kaniyang balikat.
Huminto kami sa Tanay kung saan kitang-kita ang napakagandang view. Medyo madilim na din kaya naman makikita mo ang mga nagniningang ilaw ng mga bahay at iba pang mga gusali.
"Oh ang ganda dito tiba ?" Tanong niya sa akin at sabay na inabot ang isang softdrink.
Ngumiti lang ako habang pinagmamasdan ang napakagandang view.
"Bakit mo ginagawa to ?" Tanong ko sakanya.
"I just want to make you happy." Maikli niyang sagot.
Hindi na lang ako sumagot. Ngumiti na lang ako ng palahim.
Paminsan-minsan talaga hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako ng dahil kay Hero.
"Kamusta ka na ?" Tanong niya.
"Heto, buhay pa hahaha." Biro ko.
"Good to hear that at masaya ako na nakakangiti ka na ulit after all."
"Ano ka ba ? Ako ka pa ba ? Ang galing ko kaya magpanggap na masaya forte ko to noh hahaha."
"So nagpapanggap ka lang na nakangiti ngayon ?"
"Hahaha noon oo, ngayon totoong-totoo na to." sabay ngiti ko ng napakalawak.
Hindi na siya sumagot. Patuloy lang kaming nakatingin sa mga bituin.
Namiss ko to, ang tumingin sa mga bituin.
Ilang oras ding kaming nasa ganung posisyon nang mapagdesisyunan na naming umuwi.
"Maraming Salamat Hero, namiss ko yun, yung tumingin sa mga bituin." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng bahay.
"Ikaw pa ba malakas ka sa akin eh." Sabi niya sa akin.
"Pasok ka na matulog kang maaga hah." Sabi niya ulit.
Pumasok ako sa bahay ng nakangiti hindi ko alam pero hindi ko na talaga kayang itago itong mga ngiti ko sa labi.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Random"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...