Sabado, walang pasok. Inaya ako ni Jacob na mag-mall. May bibilhin kasi siya at gusto niya na isama ako tutal ay may bibilhin din naman ako kaya hindi na ako nagdalawang isip na sumama.
Pumunta kami sa department store para bumili ng damit niya. Matapos makabili ng damit ay tumungo naman kami sa blue magic.
Pinapili niya ako ng stuffed toy na gusto ko.
"Heto na lang, simple lang tsaka mukhang sinasabi kasi niya na bilhin mo daw siya." Sabi ko habang turo-turo ang stuffed toy.
"Talaga sinabi niya ? Bakit hindi ko narinig yun Stanley ?" Biro niya.
Hinampas ko siya dahil tawa na naman siya ng tawa. Hindi naman nakakatawa yung sinabi ko. Yung stuffed toy kasi parang gusto niyang bilhin daw namin siya.
Nang mabayadan na namin yung Stuffed toy na binili namin ay dumiretso na kami sa Mcdo para kumain.
"Para kanino ba yang Stuffed toy na yan ?" Tanong ko.
"Para sa isang espesyal na taong nakilala ko." Inabot niya sa akin yung stuffed toy. "Para sayo Stanley, sa bahay mo na basahin yung note."
Kinikilig ako sa narinig ko at mas lalo akong kinilig dahil para sa akin pala ang stuffed toy na to. Abot langit na naman ang ngiti ko. Naghuhurumentado na naman ang puso ko.
"S-salamat Jacob." Ang nasabi ko na lang. Ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang pagkain namin.
Matapos kaming kumain ay inihatid na niya ako sa aming bahay. Bago ako bumaba ng kotse ay nagpasalamat ako sa kanya.
"Maraming salamat Jacob, Salamat ulit sa araw na to na kasama ka." Taos puso kong sinabi.
Hinawakan lamang niya ang aking kamay pero ramdam na ramdam ko kung gaano ako ka-espesyal sa taong ito.
"Ako ang dapat magpasalamat sayo Stanley kasi sinamahan mo ako sa mall. Gusto ko din magpasalamat sayo dahil nandiyan ka palagi para sa akin." Sabi niya sa akin.
Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako. Ngumiti ako sa kanya.
"Stanley, kamusta ka na ? Kanina pa ako dito walang tao sa bahay niyo eh." Pagbaba ng kotse ay agad akong sinalubong ng isang pamilyar na boses at mukha.
"Miss na miss na kita. Ilang taon na bestfriend." At niyakap ako nito.
Zigfreid Salameda. Bestfriend ko at ngayon ay mukhang magbabaksayon dito sa amin. Gwapo, matipuno, medyo matangkad at tisoy.
Tinignan ko si Jacob at wala itong reaksyon. Binaling ko ulit ang tingin ko kay Zigfreid at sa sobrang miss ko sa kanya ay niyakap ko din siya.
"Miss na miss na din kita Zigfreid. Ang laki ng pinagbago mo ah." Pagpuna ko sa bestfriend ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Jacob kaya lumingon ako sa kanya.
"Alis na ako Stanley." walang emosyon siyang pagpapaalam at agad nitong pinaharurot ang kotse.
Tinignan ko na lang ang kotse niya na papalayo.
"Boyfriend mo ba yun ?" Tanong sa akin ni Zig ng makapasok kami sa bahay.
"Sana nga boyfriend ko siya kaso hindi eh." Ang sabi ko at sabay na pumasok sa aking kwarto.
Kinuha ko yung paper bag na may lamang stuffed toy at napangiti ako dahil si Jacob mismo ang nagbigay nito kaya naman pahahalagahan ko ang regalong ibinigay nito sa akin.
Kinuha ko din yung notes na nakadikit sa stuffed toy.
'Stanley,
Always take care of yourself. JM is always watching you. Do you know who is JM ? That Teddy bear. Just take care of that teddy bear and love him. Hindi ako palaging nasa tabi mo para subaybayan ka kaya binigay ko sayo si JM para may tumingin sayo. Ingat ka palagi Stanley :)
JACOB.Hindi ko napigilan ang magtatatalon sa aking kwarto. Sa teddy bear at sa sulat na binigay ni Jacob ay tuwang-tuwa na ako.
Pero napaisip ako dahil parang nagpapaalam na sa akin si Jacob. Base sa sulat niya kasi ay parang magpapaalam na siya sa akin at iiwan na niya ako. Siguro ay nag-ooverthink lang ako kaya muli kong ibinaling ang sarili sa teddy bear na si Jm.
Umupo ako sa aking kama at pinagmasadan si Jm yung teddy bear.
"Aalagaan daw kita sabi ni daddy mo narinig mo naman siguro yun tiba binasa ko yung notes ng daddy mo. Simula ngayon anak ka na namin ni Jacob." At pinaghahalikan ko pa ang teddy bear na ngayon ay hawak-hawak ko.
"O anong ginagawa mo diyan sa teddy bear na yan ? Hinahalikan mo ?" Hindi ko namalayang nakapasok na pala sa aking kwarto si Zigfreid.
"Sinasabi ko na nga ba at boyfriend mo yung lalaking nasa labas eh." Dugtong pa niya.
"Jacob is not my boyfriend. He is special so please Zigfreid, huwag mong i-push yang conclusion mo about sa amin ni Jacob." paliwanag ko at sabay na tumayo.
"Paano kung ligawan ka niya ? Nakikita ko sa mga mata niya na gusto ka niya. Bakla ba yun o bisexual ? Mukhang may gusto sayo eh."
"Straight yun as in straight na straight."
"Ruler nga nababali eh." Maikli niyang sagot.
"So you are saying na pwede siyang ma-inlove sa akin ?" Tanong ko.
"Oo ganun na nga." Maikli niyang sagot.
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga ruler nga na straight nababali eh. So pwede nga sing mainlove sa akin.
"Pwede siyang mainlove kung hindi ka panget kaso ang panget panget mo eh." Kinurot niya ang pisngi ko at mabilis na umalis sa aking kwarto.
"ZIGFREIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIID" sigaw ko.
Katulad ng mga sulat na ibinigay sa akin ni Jacob, ay itago kong muli sa isang box sa may cabinet ko.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Random"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...