Nagpatianod na lang ako kay Hero habang hawak-hawak ako sa aking braso. Oo nasasaktan ako dahil sa higpit ng kaniyang hawak pero alam ko na mas nasasaktan siya dahil sa mga nalaman niya. Pinilit kong intindihin yun kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan din ako. Sa mga mata pa lang ni Hero ay alam ko na mahal na mahal niya pa rin si Megan.
Huminto kami sa pinakadulo ng resort. Natatandaan ko ang luar na ito, ito ang lugar kung saan kami nag-usap ni Jacob.
"ARGHHHHHHHHHHHH" sigaw ni Hero at sabay na nakasabunot sa kaniyang buhok.
Nasasaktan ako sa nakikita kong inaasal niya. Napaiyak na siya at alam ko na bigla na lang ding tumulo bigla ang aking nga luha mula sa aking ma mata.
Nasa harapan niya lang ako habang siya naman ay nakaupo at umiiyak. Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya dahil ganiyan din ang sakit na naramdaman ko noon.
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Ramdam ko ang mga luha na tumutulo sa kaniyang mata.
"Sorry." Bulong niya sa akin.
I don't know why he whispered that words to me. Wala naman siyang kasalanan sa akin.
"Sorry for being an asshole." Humiwalay siya sa aming pagkakayakap.
"Sorry dahil minahal kita kahit alam ko sa sarili ko na mahal ko pa din si Megan. Sorry Stanley Sorry." Pilit niyang pinupunasan ang mga luha na nasa pisngi niya.
That words hit me so hard. Painful. Instead na samplain siya at magalit sa kanya ay ngumiti na lang ako. I know the feeling, na hindi mo pa rin kayang kalimutan yung taong minahal mo ng sobra. Na kahit may iba ka ng mahal hindi mo pa rin kayang alisin sa puso mo ang taong minsan mo ng minahal.
Tila akong tanga na umiiyak habang nakangiti. Sa ikalawang pagkakataon ay nasaktan muli ako.
"The way you look at her is very much different on the way you look at me. I see love in your eyes every time you look Megan." Isang pilit na ngiti ang ginawa ko matapos banggitin ang mga salitang yun.
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Siguro ay totoo ang mga sinabi kong iyon kaya hindi siya nakasagot.
Love is very unfair. Kung sino pa ang higit na nagmamahal sila pa yung mas higit na nasasaktan.
"Suportado kita sa anumang desisyon mo, kung mahal mo pa rin siya edi puntahan mo na siya. Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan para sa inyong dalawa." Sabi ko.
Tinignan niya lang ako ng napaka-serysoso.
"I don't want to see you suffer because of me. Ayokong saktan ka katulad ng ginawa sayo ni Jacob." Pero ginawa mo na. Sinaktan mo na ako Hero. Nandito pa rin ako nagpapanggap na masaya, na ok lang ang lahat.
"Speaking of Jacob, very small world." Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"Finally, nakita mo na siya."
Binigyan niya naman ako ng nagtatakang tingin.
"Siya yung lalaking kasama ni Megan kanina, yung babae naman si Yngrid. Small world tiba ?" Sarkastiko ang tono ko ngayon.
Tinigan ko siya at yung tingin niya ay parang galit na para bang may sinabi akong mali.
"Kaya ba gusto mo akong balikan si Megan ?" Galit ang tono niya ngunit binigyan ko lang siya ng isang nakakalokong ngiti.
"Ayan ba yung iniisip mo sakin ?" Tanong ko.
"Gusto mong balikan ko si Megan para balikan mo din si Jacob ganun ba ?" Galit na siya at kitang-kita ko yun sa kaniyang mga mata.
"Balikan mo si Megan dahil yun ang tama. Alam ko naman at ramdam ko naman kung gaano mo siya kamahal eh."
"Sht. fckng reason Stanley. I don't want to leave you because i don't want to hurt you." Napatayo siya sa kaniyang kinauupuan at ganun din ako.
"Bllsht Hero. Ayaw mong balikan si Megan kahit alam mo naman sa sarili mo na mahal mo pa rin siya. Ayaw mong nasasaktan ako ? Bakit hindi ba masakit para sa akin ito ?" Galit na sabi ko.
Tumahimik lang siya. Napakatanga ng reason niya. Ayaw niyang balikan si Megan dahil ayaw niyang masaktan ako pero sa ginagawa niya at ikinikilos niya mas lalo lang akong nasasaktan.
"Balikan mo si Megan. Kung mahal mo pa rin siya balikan mo siya. Oo masasaktan ako pero mas masasaktan ako kapag ako yung pinili mo kung ganong mas mahal mo siya keysa sa akin." Madiin kong sinabi.
Hindi siya nagsalita at nanatili lang siyang tahimik. Masakit para sa akin na kailangan ko na siyang pakawalan.
"Ayokong dumating yung araw na pagsisisihan mo ang lahat ng ito kapag ako ang pinili mo. Gusto kong maging masaya ka Hero. Gusto ko na magkaroon ka ng pamilya ng sarili mong pamilya." Hinawakan ko ang kaniyang kamay bago umalis.
Masakit man para sa akin pero alam ko na ayun ang mas makakabuti. Ayokong ipagkait sa kanya ang pagkakataong mahaling muli si Megan dahil tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para sa naudlot nilang pag-iibigan.
Naging instrumento ako sa pagbabalikan nilang muli at para mahalin nila muli ang isa't-isa.
Kinaunagahan ay maaga akong nag-impake. Aalis na ako sa resort. Masydong maraming nangyari sa lugar na ito. Mga pangyayaring naging gabay para sa akin, para kay Hero, Megan, Yngrid at Jacob.
Inilagay ko ang lahat ng aking gamit sa aking sasakyan.
"Stanley.." Isang pamilyar na boses na kailanman ay hindi ko makakalimutan. Si Jacob at nilingon ko lamang siya at ipinako ang tingin ko sa malungkot niyang mga mata.
"Aalis ka na ?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil naiiyak ako dahil nakikita ko siyang malungkot.
"Bakit mo ginawa yun ?" Tanong pa niya.
"Ang alin ?" Sagot ko.
"Hinayaang mong balikan ni Hero si Megan." May galit ang tono ng kaniyang pananalita.
"Dahil yun ang tama. Dahil mahal pa rin nila ang isa't-isa."
"Mahal din naman natin ang isa't-isa tiba ? Pero naging matigas ka pa rin at ayaw mo ng tanggapin muli ako sa buhay mo."
Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon.
"Tinatanggap kita sa buhay ko bilang kaibigan." Napayuko ako dahil ayokong makita niya na umiiyak ako.
Naramdaman ko na lang na bigla niya akong niyakap. Umiiyak siya, alam ko dahil nararamdaman ko na nababasa ang aking balikat. Humiwalay siya bigla sa pagkakayakap sa akin.
"Sa huling pagkakataon tatanungin kita kung mahal mo pa rin ba ako. Stanley mahal mo pa rin ba ako ?" Hinawakan niya ang aking pisngi.
Hinawakan ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking pisngi at inalis iyon.
"Palagi mong tatandaan na maha na mahal na mahal kita Jacob. Sa madaming taon na nakalipas palagi kang nandito." Sabay turo ko sa aking puso.
Mahirap man pero kailangan ko na ding putulin kung ano man ang koneksyon namin ni Jacob ngayon. Masakit sa part ko na hanggang dito na lang talaga kami ni Jacob. Gusto ko din na maging masaya siya at gustonko din na magkaroon siya ng sarili niyang pamilya.
"Kahit hindi naging tayo pwede naman tayong maging magkaibigan." Ngumiti ako at bigla ko siyang niyakap.
Nagpahid ako ng luha na tumulo mula sa aking mga mata bago magpaalam sa kaniya.
Sumakay na ako sa aking kotse at agad na ipinaharurot ang aking sasakyan.
BINABASA MO ANG
Bakit Hindi Naging Tayo ?
Random"Hanggang kelan mo siya mamahalin ? Hanggang kelan mo panghahawakan ang pangako niya sa iyo ?" Iniwan ka noon at nagbalik siya ngayon. Sa pag-ibig ba ay lahat ay nabibigyan ng second chance ?" Warning: This story contains sexual content (boyxboy)...