CHAPTER VII : 1st day of School Part 1

307 5 0
                                    

ALLIYAH’s POV

YAWNNNNN!!!

Tingin sa cellphone at chineck yung oras.

6:15 am na pala. May pasok pa ko ng 8am.

Bumangon na ‘ko at ginawa na ‘yung ritwal ko sa katawan

Ligo….

Lotion…

Pili ng damit….

Waitttt….

Ano susuotin ko? Mmmm.

Ang alam ko kasi wala naman uniform sa DASU kaya mag-cicivilian nalang ako.

I’ve decided na isang hanging dress na white na bahagyang off shoulder ang style tsaka isang fitted jeans na color yellow tsaka isang doll shoes na faded yellow at plain lang ang design ang costume ko ngayong araw.

Nilagyan ko ng gamot ‘yung sugat ko at nilagyan ng benda.

Buti nalang off shoulder ‘tong hanging blouse ko kaya medyo hindi kita ‘yung benda ko.

Then kalat-kalat ng buhok konti dahil hindi ako naniniwala sa magic suklay. Then kuha nung bag tsaka lagay ng susi sa bulsa kuha ng cellphone then lumabas na ‘ko ng kwarto.

Check ng oras. 7:15 na.

Pagbaba ko ng kwarto dumiretso ako ng kusina.

Andoon na ‘yung mga kumag. Hindi man lang ako ginising!

 Ampupu naman talaga oh oh! Paano pala kung na-late ako ng gising edi late din ako? Aba aba!

“Ohio Ali!.”. Bati sakin nila Ericka at Ate Hera.

“Likewise.” Sagot ko kina Ericka at Ate Hera.

Goodmorning Hime.” Bati sakin ni Jun.

Shit! Bigla kong naalala ‘yung sinabi niya sa ‘kin kagabi kaya nag-iwas nalang ako ng tingin sa kaniya pagkatapos ko siyang tanguan at nagpatay-malisya nalang.

Asaan si Jayson?.” Tanong ko sa kanila.

“Ah may sinundo dun sa front gate.” Sagot ni Ericka habang kumakain ng egg.

Umupo muna ko bago ako magtanung ulit. “Sino?.”

“’Yung magpapanggap na si Black Empress? Pabalik na din ‘yun dito wait ka lang bebe.” Si ate Hera naman ang sumagot sa ‘kin.

Nagkibit-balikat na lang ako tas umabot ng egg, bacon, slice bread at binigyan ako ni nanay ng gatas.

“Good Morning anak. Milk mo oh?.” – nanay

“Thanks Nay.” Nginitian ko si Nanay. “Kain na din po kayo Nay!.”

Naku anak mamaya na konti. Kaka-kape ko lang din kasi. Salamat anak.”- nanay

Tumango na lang ako at nagsimula ng kumain ng biglang nagsalita si Jayson sa likod ko.

“Yoww! Ohio!.” Tas umupo na kasama at katabi niya ung babaeng kasama niya.

Eto ata ‘yung sinasabi ni Ricka na sinundo nyia sa front gate at magpapanggap bilang Black Empress?

“Mmmmmmm.”

THE DARK AND THE BLACK ROYALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon