CHAPTER XIX : the truth

166 3 0
                                    

ALLIYAH’s POV

Kahapon, Sunday, wala akong ginawa kundi ang magmukmok sa bahay at umiyak dahil sa nangyari sa ‘min ni Luke nung nakaraan. Hindi ko pa ‘din nakaka-usap si Lolo tanging Secretary niya lang ang nakaka-usap dahil bz si Lolo sa Company at dagdag pa ang mga meetings niya sa mga Directors ng Mafia tungkol sa event.

Ranking event. Naalala ko next next week na pala ‘yun. Ang dami kong kailangan ayusin bago ako maka-alis papuntang Japan next week para magtraining although hindi kailangan pero ayokong makampante dahil baka this year may makatalo sa ‘kin lalo pa’t isa sa mga Organizer at Director ang taong nagpapatay sa mga magulang ko.

Si Luke kailangan ko siyang maka-usap bago ako maka-alis papuntang Japan.

Kailangan kong malinis atleast ang pangalan ko at ni Lolo. Ayokong nagagalit siya sa ‘kin dahil sa bagay na sa tingin ko e hindi naman totoo. Pero kailangan ko munang maitanong ang bagay na ‘to kay Lolo baka kasi totoo at ‘yun ang ikinakatakot ko.

Andito ako ngayon sa condo ko. 7am palang at may pasok ako ngayon ng 9am. Hindi ko alam kung papasok ako dahil sabi ni Luke sa ‘kin I’ll do him a favour at ‘yun ay ang pag-drop ko sa school. Hindi ko alam kong ano ba gagawin ko.

“Anak, alam kong gising ka na. Mag-almusal ka na din at may pasok ka pa! “ Nanay.

“Opo Nay. Ligo lang po muna ako bago kumain, bababa na din po ako agad.” Sagot ko kay Nanay.

Narinig kong bumaba na si nanay ng hagdan.

Bumangon na din ako sa higaan ko at naligo. Nakapagdesisyon na ako na papasok ako dahil kailngan kong maka-usap si Luke sa kahit anong paraan pa.

Ligo…

Lotion..

Pili ng damit..

Suot..

Nagsapatos …

Tapos na. bababa na muna ko para mag-almusal mamaya na ako mag-aayos ng damit.

RINGGGGG!!!!

Tiningnan ko yung phone ko at nakitang ko si..

INCOMING CALL

Lolo….

Agad ko itong sinagot dahil matagal ko na siyang gusto maka-usap.

“Hello lo?”

“Hi apo, kumusta ka? Tumatawag ka daw sa akin? Pasensya na apo ha? Bz si lolo at alam mo na kung bakit. May kailangan ka ba? Kotse? Extra  pera? Motor? Condo? Ilan? Sabihin mo lang hah?” tanong ni Lolo. Natawa naman ako. Kaya mahal na mahal ko ‘tong matandang ‘to e.

“Hahaha. Lolo naman e, na-prapraning na naman kayo. Relax lo.” Naalala ko na naman ‘yung pangalang sinabi sa akin ni Luke kaya gusto ko si Lolo maka-usap. “Lo,may itatanong po sana ako sa ‘yo. Please answer me honestly.”

“What is it apo? Anything.”

“Isabelle Suares Lo, does that name ring a bell to you?” diretsong tanong ko kay Lolo.

“What about her hime? If I remember correctly, she’s already dead.” Sagot ni Lolo na parang easy lang sa kaniyang sabihin na patay na ‘yung nanay ng taong mahal ko.

THE DARK AND THE BLACK ROYALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon