ALLIYAH’s POV
Pagkatapos naming magkita ng Lolo ni Luke. Agad akong nag-drive papuntang school kailangan kong makausap si Luke.
Pagkarating ko sa school, napansin kong nakatingin sa ‘kin lahat ng estudyante. Hindi ko na sila pinansin pa, agad akong dumiretso sa tambayan nila at hindi ako nagkamali dahil andito nga sila at si Luke.
Kumatok ako at agad itong bumukas.
Si Bridgette pala ang nagbukas. Nginitian nya ako sabay pinapasok. Pumasok naman ako agad, wala akong dapat palagpasin na oras dahil konting panahon nalang ang natitira sa ‘kin dito sa Pilipinas. Gusto kong magka-ayos kami ni Luke. Kahit na hindi na maging ok kagaya ng dati atleast hindi na sya galit sakin.
“ahm. L-luke, pwede ba tayong mag-usap?”
SHIT langs. Nauutal na sabi ko. Hindi ko akalaing mauutal ako dahil sa kaba ko.
“Nope. I don’t want. Now get out. You’re not allowed to come here anymore.” Cold na sabi niya habang tintingnan ako ng kanyang mga matang walang emosyon. Mga matang nakita ko nung nakaraang gabi.
Nag-init bigla ang gilid ng mga mata ko kaya yumuko agad ako at kinagat ‘yung labi ko para pigilang maiyak. Ayaw kong maiyak ngayon. Saka na!
Tumingin ulit ako sa kaniya at..
“Please? Kahit 5 minutes lang. Liliwanagin ko lang ‘yung lahat ng nangyayari sa ‘tin dahil mali ang buong akala mo. Hindi ang Ma- “
“T*NG IN*! SABI NG AYOKONG KAUSAPIN KA E. ALIN BA SA I DON’T WANT ANG HINDI MO MAINTINDIHAN? Sige. Tatagalugin ko nalang. AYOKONG KAUSAPIN KA KAYA LUMAYAS KA NA DITO!” sigaw niya sa ‘kin kaya nagulat ako at napayuko.
First time mga dre! First time may nanigaw sakin sa harap ng ibang tao. Kung kalaban ko lang to kanina pa patay to e pasalamat siya at mahal ko siya at kailangan ko siyang kausapin kung hindi naku kanina pa talaga to nasa sahig at bali-bali ang mga buto.
Nakaramdam ako ng mainit na tubig sa pisngi ko. Pinahid ko agad ‘to at nakitang luha pala ang mga ito. Nasaktan ako ng sobra dahil sinigawan niya ako pero ang masakit e ayaw niya akong kausapin.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at iginiya ako palabas. “Pasensya ka na kung nasigawan ka niya! Meron kasi ‘yan ngayon. Mamayang gabi mo nalang kausapin. Nasa bar kami. Sensya na hah?” si Bridgette na inaalo ako.
Tumango lang ako at naglakad ng umiiyak at nakayuko papuntang room. Buti na lang may mga pasok ang mga estudyante ngayon kaya hindi nakakahiyang umiyak sa Hall way. Dumaan muna ako ng cr para mag-ayos ng mukha. Nung Makita ko ‘yung mukha halos hindi ko na makilala ang sarili ko.
Medyo maitim na ilalim ng mata ko at halatang hindi nakatulog ng maayos. Namumutla din dahil sa walang ayos na kain.
“SH*T!”
Naalala ko ‘yung gamot ko. Hindi ko nainum at hindi pa din pala ako nakain. Pati sarili ko napapabayaan ko na dahil sa mga iniisip ko. Naghilamos lang ako at naglakad na papuntang room.
Pagdating ko ng room buti na lang wala pa ‘yung Prof ng 2nd subject namin. Nakita ako kaagad ni Gab at agad na sinensyas ‘yung upuan katabi ni Jayson para dun ako maupo.
Dun naman agad ako umupo.
Ako Jayson Gab Jun
Naalala kong si Jun pala e nanliligaw kay Gab na pinsan ni Jayson. Napangiti ako sa naalala ko, masaya akong nakikita silang masaya.
BINABASA MO ANG
THE DARK AND THE BLACK ROYALS
Novela Juveniljust finished editing and revising.. :) please read.. sorry naman po kkung you find it very lame and corny.. hindi po kasi ako marunong mag match ups ng mga dialogues.. enjoy..