Basahin po ang AUTHOR’s NOTE sa baba. Thanks J
ALLIYAH’s POV
Namalayan kong unti-unti akong lumalapit sa mga kalalakihan pero nakatuon ang mga mata ko sa lalaking tinitibok ng puso ko, sa lalaking mahal ko.
“Luke.” bulong ko.
Nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ngumingiwi dahil sa sakit na pinaparanas sa kaniya ng mga lalaking bumubogbog sa kanila ni Dustin.
Nakuyom ko ang mga kamao ko….
“Humanda kayo sa ‘kin. Ako lang ang may karapatang manakit jan sa lalaking baliw na ‘yan.”
Napalakas ata ang pagkakasabi ko nun dahil tumigil sa pananakit kina Luke at Dustin ‘yung mga lalaki at tumingi sa’kin. Pati na din ‘yung ibang kasamahan nila na nakatayo lang at pinapanuod kung paano pasakitan ng mga kasamahan nila sila Luke at Dustin.
“Wow chicks!/ Haneeep/ Tiba-tiba tayo ngayon a? ganda pala ng gelpren ng kumag na ‘to eh!” sabay-sabay nilang sambit habang ako dahan-dahang lumalapit kina Dustin at Luke na nakahiga na sa sahig.
“Lumayo kayo sa kanila kung ayaw niyong masaktan.” Banta ko sakanila na nakayukom ang mga kamao at nasa mababang boses.
“At bakit kami susunod sa’yo? Sino ka ba? “ sagot nila sa’kin.
“Hindi niyo gugustuhing malaman ang pangalan ko kaya umalis na lang kayo para hindi kayo masaktan.” Banta ko ulit sa kanila.
“ Mukhang masaya ‘to, palaban e.” saka sila sumugod sakin. ‘Yung mga lalaking bumugbog kina Dustin at Luke ang unang sumugo sa’kin.
Iwas
Iwas
Suntok
Sipa
Ilag
At lahat sila nagsitumbahan…
Napanga-nga naman ‘yung iba nilang kasama.
Wala na akong paki-alam sa kanila total hindi naman sila nakaharang sa daanan ko. Agad akong lumapit kina Luke at Dustin na magkatabing nakahandusay sa sahig na namimilipit sa sakit.
“Luke! Luke! Dustin! Dunstin! Gising. GISING!!! “ sinisigawan ko na sila dahil ‘gang ngayon hindi pa din nila dinidilat ‘yung mga mata nila.
SH*T!
“Luke! Luke! “ pinagsasampal ko ng mahihina si Luke sa pisngi nito.
“A-a-ali?” si Dustin na halatang nanghihina pa nung tinatawag ako. Binitawan ko si Luke para maalalayan si Dustin.
“Ayos ka lang ba? Kaya mo bang tumayo?.“ nag-aalalang tanong ko kay Dustin
BINABASA MO ANG
THE DARK AND THE BLACK ROYALS
Teen Fictionjust finished editing and revising.. :) please read.. sorry naman po kkung you find it very lame and corny.. hindi po kasi ako marunong mag match ups ng mga dialogues.. enjoy..