CHAPTER XVI : The Misunderstanding Part 3

158 2 0
                                    

ALLIYAH’s POV

Tinext ko si Luke kaninang 10 am pero gang ngayon wala pa siya.

4pm na. Wala pa akong kain maghapon dahil baka pagumalis ako dito para kumain saka naman dumating si Luke.

Naalala ko ‘yung sinabi kanina ni Jayson.

Binugbog sila ni Luke pero hindi sila nanlaban dahil alam daw nila na mgagalit ako.

Naawa ako sa mga kaibigan ko at alam kong hindi sila magsisinungaling sa ‘kin sa mga ganitong bagay adahil alam nilang masasaktan ako! pero hindi ako makapaniwalang nagawa ni Luke ‘yun samantalang wala naman akong maalala na naging kasalanan namin sa Gang niya.

4:30 pm na. Tinext ko ulit si Luke

To : EmperorKO <3

   Im still here. Mahihintay ako kahit magdamag dumating ka lang.

Naiiyak na ako. Ano ba kasi ang problema Luke? Nasasaktan ako sa nangyayari ngayon. Kailangan kitang makausap Luke.

Luke.

7pm na. Nanghihina na ako sa gutom pero kailangan ko pang maghintay baka mamaya dumating ‘yun eh. mahirap na. Ayaw pa namang naghihintay nun. Konting hintay pa.

8:30pm na, wala pa din. Ako nalang mag-isa dito sa park. Buti nalang hindi madilim dito.

KRUUUU!!

Aissshh. Gutom na talaga ako pero kailangan kong maghintay eh. Baka na-bz lang ‘yun si Luke kaya late na nabasa ‘yung text ko. Hindi pa naman siguro ako mamatay nito diba? Konti pa..

10:15 pm na. Walang Luke na dumating.

Tumulo na yung Luha kong kanina ko pa pinipigilan.

SH*T!

“Pag nakita nila ‘kong umiiyak pagtatawanan ako ng mga ‘yun” sabi ko at agad naman pinunasan ‘yung luha pero takte talaga ayaw tumigil e. Hindi na iyak ‘to kundi hagulhol na.

“Bakit Luke? Anong nagawa ko? Bakit?” tanong ko sa sarili ko habang umiiyak pa din.

Nanginginig na ako dahil sa gutom at sa pagod at lalong-lalo na sa kakaiyak. Nanlalamig na din ako. Siguro nga kailngan ko ng umalis.

“Walang Luke na darating dito Ali.” Sabi ko sa sarili ko.

Tumayo na ako at humakbang na papunta ng sasakyan ko. Nakatungo lang ako ng may nabaangga akong tao..

“Sorry po.” Bow. “sorry po.” punas ng mata. Hindi ko pa din tiningnan yung nabangga ko. ”pasensya na po hindi po ako tumitingin sa dinadaanan ko, sorry po tlaga.” Sabay lagpas dun sa taong nabangga ko.

“Akala ko ba mag-uusap tayo? Aalis ka na? May sasbihin din sana ako.” Kilala ko ‘yung boses na ‘yun.

Lumingon ako at tama ang hinala ko.

Si Luke.

Dumating siya!

Agad ko siyang niyakap ng sobrang higpit.

Maya-maya lang kinalas niya ‘yung kamay ko sa pagkakayakap.

Bat ngayon ka lang? Akala ko di ka na darating e. hehehe. Pero ok lang andito ka na naman e. Tara! Upo muna tayo dun.” Yaya ko sa kaniya.

THE DARK AND THE BLACK ROYALSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon